8iSi Mr. bad boy at si Ma'am

28 0 0
                                    

Ang buhay ko'y parang isang boring na nobela
ang haba haba pero wala namang pinatutunguhan.

Siguro dahil sa may kulang pa..ano nga bang kulang?

.LOVE?! 0_o

sa hindi inaasahang pangyayari,
natagpuan ko ang taong makapag bibigay at makakapag paranas ng tinatawag
na love,

pero sadyang mapagbiro ang tadhana...

para kase saakin..hindi sya ordinaryong lalaki,hindi
talaga! -_-

CHAPTER ONE

     Ngayong araw mag tatapat na ako sa lalaking gusto ko, sasabihin ko na sa kanya ang tunay na feelings ko, laban lang yan!matagal ko na syang gusto!sasabog na ako pag hindi ko pa sinabi sa kanya to...

           Wag mo akong pag isipan ng masama ah! sa panahon ngayon hindi na uso ang pagiging maria clara lalo na sa edad ko na desperada ng mag ka boyfriend. Lahat ng mga ka batch ko nung High school,lahat sila may mga boyfriend at ang iba may asawa na! ,ako na lang talaga ang napag iiwanan.

         Sa ngayon, isa akong teacher high school sa isang private school, 23 years old na ko.Maganda ako, maputi ,matangos ang ilong, maganda din ang labi ko na mamulamula kahit walang lipstick at idagdag pa ang maganda at mahaba kong buhok. Kaya hindi ko talaga alam kung bakit walang nanliligaw saakin?!

    May trabaho na ako, may savings na sa bangko at may kotse na din ako, boyfriend na lang talaga ang kulang!

         Pero ngayong araw, mag kakaboyfriend na din ako sa wakas! sasabihin ko na ang feelings ko kay arnold. Magiging kami na!!

  

    Si Arnold, si arnold, si arnold!!!

         matagal ko na syang gusto! Business man si arnold at ka partner  sya ni papa sa kanyang negosyo.

Madalas syang nasa office ni papa,at dun ko sya unang nakilala, na love at first sight talaga ako sa kanya, matikas kase ito at napaka amo ng mukha. Minahal ko na sya  mula pa nun.

---------

    Planado na ang lahat,ininvite ko si arnold for lunch. Ngayon na talaga !wala na itong  urungan, kumulog man o kumidlat, bumaba man si batman!

8iSi Mr. bad boy at si Ma'amTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon