Obsessed

9 0 0
                                    

December 19,2012

8:47p.m

Masaya na ako kung saan sya masaya, kahit hindi sa tabi ko at hindi sa piling ko. Tanggap kong may iba siyang mahal, hindi naman ako ganun ka ganda, katalino at mayaman. Tanggap ko naman na hindi nya ako magugustuhan kahit ano pa ang gawin ko.

Ako nga pala si Chloe Abbygail Sanchez, 16 yrs. old at nag-aaral sa San Bartolome National High School. May gusto ako sa isang lalaki na kahit kailan hinding-hindi magiging akin. Sya ay si Peter Sven Villasanto, 16 yrs. old at school mate ko. Sya ay kilala ng lahat ng tao sa campus namin. Famous kasi, bihira sya magkagusto ng babae, ni isa walang alam kung sino at ilan ang naging gf nya. Kahit nga bestfriend nya hindi nakaka-alam ng password sa phone ni Peter eh! Gf pa kaya?

Nakasalubong ko si Peter kanina kasama yung tropa ko sa Stairway C ng Building of Saints sa school namin. Mukhang galit na galit si Peter, parang may taong gustong patayin.

Nagulat ako ng mga ilang oras nang nabalitaan kong may binugbog daw siyang kapwa estudyante sa paaralan namin.  Ngayon ko lang nalaman na basagulero pala yung crush ko -_- na hinaan tuloy ako ng loob dahil sa chismis na kumalat sa campus.

Nagulat lang ako saglit nang tumakbo si Peter papunta sa harap ko at hinila yung kaliwang kamay ko at tumakbo kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan pero kinilig ako konti. Nang ilang segundo nagsalita sya.

Abby, wag kang bibitaw kahit anong mangyari. Nakuha mo?

Ha? Bakit ba kasi Peter? Ba't tayo tumatakbo dito sa hallway na ang daming tao! Nakakahiya naman.

Please. Wag kang makulit, sumama ka nalang sakin Abby.

Sorry for PretendingWhere stories live. Discover now