First Holding Hands

17 1 0
                                    

Chapter 1: First Holding Hands

Ang sakit. Bakit niya piniling mawala ang relasyon namin? 9 months na pinagsamahan tapos babaliwalain lang. Nagpromise pa man din siya sakin na magtatagal kami ng more than a decade pero ito ay isang kasinungalingan lamang. Oo. Masakit sakin na MU lang kami. Hindi naman kami pero bakit ako nasasaktan? Una nag eexpect ako sa sarili ko na hindi ko siya mamahalin pero nahulog talaga ako sa kanya. Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon. Syempre minahal ko siya sobra pero sana naman magbago iyon at gagawa ako ng paraan para mabalik iyon.

"Iniisip mo na naman siya?" Hindi na lang ako sumagot sa tanong ng kaibigan ko. Hindi naman halata na iniisip ko talaga siya. Naglalakad kami sa mall ngayon na tila bang nabibitter ako sa nakikita ko kasi naman ung nasa harap namin magkaholding hands e. Nakakahiya naman pero ganun rin naman kami dati. Summer nung first holding hands namin.

FLASHBACK

Kaviber ko siya ngayon.

Mc: Huy, diretso ka na lang sa timezone. Nandun kasi ung mga kaibigan ko e. Pwede ba?

Do: Haha. Pwede naman. Basta para sayo mahal ko.

Ano ba? Kinikilig ako agad sa mga pinagsasabi ng lalaking ito.

Mc: Sigesige. Wait mo ako dyan a.

Patient lang, by. Kasama ko pa kasi mga barkada ko.

Do: I'll wait for you. I love you.

Mc: I love you, too. Tatakbo ako a. Excited akong makita ka ulit.

Do: Ako rin naman. Ilang weeks na tayo di nagkikita since recognition.

Nasa ibang parte kami ng mall ngayon. Napagdesisyunan kasi ng barkada na magpalipas oras sa timezone. Ako naman ay tumakbo agad papunta sa timezone at nakita ko siya. Niyakap ko siya agad.

"Grabe naman ang pagkamiss mo sakin." Niyakap niya rin naman ako ng pabalik ngunit mahigpit.

"Okay. Okay. Wait lang, Dominic. Ang higpit sobra ng pagkayakap mo. Di ako makahinga." Napansin niya rin na naghahabol ako sa hininga.

"Sorry na, Macy. Namiss rin kita sobra ngunit mas higit ang pagkamiss ko kaysa sayo." Aww. Ang sweet talaga ng mahal ko. Pinahid niya ang aking mga pawis sa noo gamit ang kanyang panyo. Ewan ko ba kay Dominic kung hindi ba siya nadidiri sa mga pawis ko.

"Ehem! Napag iiwanan mo na ata kami, Mace. Purkit nakita mo lang ulit si Dominic ay kakalimutan mo na kami." Oo nga noh. Nakalimutan ko talaga sila. Kasi naman araw-araw kaming magkakasama kaya nasasawa na ako  sa mga mukha nila pero joke lang yun. Mga mahal ko naman yun.

Dapat kasi magjojogging si Dominic since pinayagan siya lumabas ng bahay. Strikto kasi magulang niya samantalang ako go lang ng go pero syempre nag aalala rin naman ang magulang ko. Mag DDR kami ng mga kaibigan ko at mukhang nabored si Dominic na para bang isang segundo lang ako hindi nakatingin ay nawala siya agad.

Hala. Di naman pwede na mawala yun. Hanap kami ng hanap sa lalaking yun sa mall ngunit wala na siya. Ang iba kong kaibigan ay kailangan nang umuwi. No choice ako at gusto ko na lang maglakad pauwi. Sasakay kasi sila ng jeep. Dapat nga sasabay sakin si Kuya Robert na hanapin si Dominic kaso iniwan ko siya habang may kausap. Imbis na umuwi ako viniber ko siya ulit habang naglalakad.

Mc: Huy, nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap.

Do: Sorry po, mahal. Dumiretso na agad ako sa field kasi naoop na ako.

Mc: Wala ka naman dapat ikahiya kasi magkakakilala naman na kayo atsaka mag-isa ka lang na baka ano pa mangyari sayo.

Di ko hinintay reply niya na baka mainis lang ako lalo. Pumunta ako sa field para puntahan siya. Di naman siya pwede mag-isa at malay mo nakidnap siya. Oo aaminin ko na mas matanda ako sa kanya ng 2 taon pero age doesn't matter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ReminiscenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon