(SANDY’S POV)
“Sigurado ka bang mabait yang nakasama nyo?” tanong ni Ma’am Miki sa akin habang ako nagaayos.”Kilala ko ba yan?” tanong nya uli.
“Ma’am Miki!? Mabait po sya! Ang kaso… parang kilala ko po sya ang kaso…. Di ko maalala! Pero tinulungan nya po kami” sabi ko. “atsaka… nagpapasama lang po sya mamasyal bago pa lang daw po sya rito kaya malamang na hindi nyo pa sya nakikilala!” dugtong ko.
“Kung ganon…” sabi ni Ma’am Miki. Inilabas nya yung contact…. “Kailangan mong magpasama…. L.A. UNIT?” sabi ni MA’am Miki sa contact.
“Ma’am naman…. Di na ako bata! =_= MAngaasar lang yung mga yan eh?!” reklamo ko. “di sila marunong manahimik baka sumayaw pa sila sa pangangasar sa ibabaw ng puntod ko =_=” dugtong ko.
“meron bang libre dyan?” tanong ni MA’am Miki. Yung libre dyan mamamatay! “Ohhh…. Tristan paki bantayan naman itong taong toh… salamat! ^_^” sabi ni MA’am Miki.
“Mahabagin! Ma’am Miki!!!! Kahit sino hwag lang si Tristan!” pagmamakaawa ko. “Ma’am Isa pa yun! Sasayaw po talaga yun sa puntod ko panigurado… walang patawad yun sa pagsabi ng mali sa akin mula ulo hanggang paa.” Dugtong ko. Pero hindi talaga ako pinansin. =_= Aba!? Kampihan ba toh?
“Punta ka dito sa bahay…. Sabay ka na sa kanila ahhh!?” sabi ni Ma’am Miki sa contact nya. “sige salamat talaga Tristan!” dugtong nito. MAgaling~ ang saya noh?
Lumabas na ako. Nakita ko sa labas si Ken. Oh? Ang bilis naman ng taong toh? =_= KAsama si Tristan. Ang bilis naman ata!
“hahahha binato pa kasi ako ng sapatos ni Tristan eh?” paliwanag ni Ken. “Akala nya terorista ako?!” dugtong pa nit.
(TRISTAN’S POV)
=_= talagang sinabi nya kay Sandy
*FLASHBACK*
Pagkatawag na pagkatawag ni MA’am Miki. Agad akong pumunta sa kanila. Habang naglalakad. Napansin ko ang pagsunod ng isang tao sa likod ko. Kapag lumilingon ako laging nagtatago sa akin.
Kaya kinutuban na ako. Nang napansin ko na papunta sya sa bahay ni Sandy agad ko syang hinabol.
Tumatakbo pa nga eh?!
“HOY! TUMIGIL KA SABI EH!?” sigaw ko pero patuloy lang sya sa pagtakbo. Kinuha ko yung sapatos ko at binato sya. “SINO KA BA?!” sigaw ko at pinuntahan sya.
Pagkalapit ko. Si Ken pala?!
Parang may mali kasi sa kinikilos nya.
“Oyyy! Hehehhehehe! Hello?!” sabi ni Ken.
*END OF FLASHBACK~
Tapos ngayon nagsusumbong pa.
“Ummmm Ken! San tayo pupunta?” tanong ni Sandy. “Ha?! Gusto mo ba sa park?” tanong pa nito.
“Ayoko! Gusto ko sa---“ sabi ko
“hindi kita tinatanong!” sigaw nya sa akin. “Ikaw ba Ken?! San mo gusto?” tanong nya kay Ken.
Ganon ba! Pag ako wala pero kapag si Ken meron?!
“Dun na lang sa sasabihin ni Tristan!” sabi ni Ken. Nakatingin sa akin si Sandy. Buti makikinig na sya =_=
“Doon tayo sa… sa gaganapin pagtatalo ng mga istudyante mamayang gabi sa tagong lugar malapit sa Academy” sabi ko. Narinig ko lang yun sa mga Istudyante ng school. May malaking surpresa na naman ang magaganap sa lugar na yun. May ibubunyag daw na hindi alam ni sino.
BINABASA MO ANG
LiveD Academy: DeviL's Grip (COMPLETED)
Misteri / ThrillerIsang academy na maraming guild ang nabuo. Kung saan, pinaglalaruan sila ni DeviL. Sa devil's game, kung saan wala kang kawala, kailangan mong tapusin ang laro. Ang L.A. unit na binubuo nila Tristan, Sandy, Darren at June. Sila ang itinalaga na grup...