(SANDY’S POV)
Umalis kami sa beerhouse.
Ano? Paano? Nalaman na namin kung bakit nakuha na lang ng basta basta si June
“Ma’am Miki! Si June po…. Nakuha dahil may pinainom na gamot sa kanya sanhi ng kawalang lakas nya nung oras nayoon” report ni Tristan kay Ma’am Miki sa contact.
“Kung ganon…. Mag imbestiga kayo… mas nakabubuti kung alamin nyo kung ano ang dahilan kung bakit sya kukuhain.” Payo ni Ma’am Miki.
“COPY!” sabi naman dalawa ni Tristan.
Nang nag isip kami ng dahilan…
“Tristan… kambal mo sya di ba? Kung ikaw si June… saan ka tatambay o madalas magpunta?” tanong ko sa kanya. Minsan nakakatulong talaga na ilagay ang sarili mo sa taong kilala mo.
“kung ako si June…. Madalas akong pupunta kung saan magulo… may nagsusuntukan at nagpapatayan” sabi nya. Anong lugar yun? Impyerno?. Napatingin sa akin si Tristan. “pwede naman kaya sa lugar kung nasaan gaganapin yung surpresa?!” dugtong nya.
“sa lugar malapit sa academy?” tanong ko sa kanya. Kung doon nga…
“hindi na sya madalas makipag away nung nakaraang mga buwan” sabi ni Tristan.
“ibig sabihin yung supresa…. ay yung pagsali ng sapilitan ni June sa kaguluhan na yun?” tanong ko uli. “nakakamatay yung laro na yun. Di patas… at yung mahina ang talo… kailangan nating pumunta doon” dugtong ko.
“Delikado dun Sandy! Mas mabuting kami na lang ni Darren” sabi ni Tristan “hindi ko maipapangako yung kaligtasan mo dun… mas mabuting umuwi ka na lang.” dugtong nya
(TRISTAN’S POV)
“bukod dun… babae ka pa naman madalas sa gulong dun mga lalaki. Baka ano pang mangyare sa’yo pag sumama ka” sabi ko sa kanya pagkatingin ko sa kanya. Naka yuko lang sya. Na naman iiyak na naman toh?!
“yan ka naman lagi eh?! Itinuturing mo kong pabigat sa lahat na lang…” sabi nya. Tumindig sya. “Aalis na ako! Kung mas gusto mong makasama sila Darren at June dahil matatapang kayo… sige magsama kayo~ pabigat lang naman talaga ako sa inyo eh?! Sa simula palang! Lagi na lang kayo nadadamay! Lagi na lang kayo napapahamak!” sigaw nya sa akin. Tumakbo sya.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Anang hindi ko na sya nakita. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungong academy.
Hindi! Hindi pwede toh!?
Tumakbo ako para habulin si Sandy. Hindi ko sya Makita sa kung saan saan.
Sinubukan kong hanapin uli sya nang Makita ko sya sa kabilang kalsada.
“SANDY!!!” sigaw ko. Lumingon sya sa akin at umiiyak sya.
Tumakbo ako papalapit sa kanya. Nang may isang truck na humaharurot sa kalsada.
Yung driver naka itim na naka mascara na may salamin.
Si Silencer.
Bago pa nya masagasaan si Sandy agad kong sinagip ito. Nang pagkagulong namin nag tuloy tuloy kami hanggang sa mabunggo yung likod ko ng isang bato saka lang kami napatigil.
“T-Tristan?” sabi ni Sandy sa akin habang tinutulungan akong bumagon. “s-sorry… sabi ko na nga ba totoo lahat ng sinasabi ko eh?” sabi nya habang umiiyak. Pilit kong binangon ang sarili ko.
“maayos naman ako… di naman ganon kasakit napagod lang ako kakalakad kailangan ko lang mag pahinga sandali” sabi ko tinap ko yung ulo nya. “hindi ako nagiingat… hindi ka naman pabigat eh?! Kami kami lang ang nakakasagabal sayo maniwala ka” dugtong ko.
BINABASA MO ANG
LiveD Academy: DeviL's Grip (COMPLETED)
Misterio / SuspensoIsang academy na maraming guild ang nabuo. Kung saan, pinaglalaruan sila ni DeviL. Sa devil's game, kung saan wala kang kawala, kailangan mong tapusin ang laro. Ang L.A. unit na binubuo nila Tristan, Sandy, Darren at June. Sila ang itinalaga na grup...