#Chapter 14 : Escaped

146 9 3
                                    

A/N: Baka po may naguguluhan. Gusto ko lang iclarify yung mga pangalan nila. Si Angel at Sapphire po ay iisang tao lang. Si Micko ay si Mirko din. Si Iris ay si Indira din. 

~~~

*Essie’s P.O.V.*

Papunta ako sa opisina ni Ralph ngayon, bakit? Wala lang. Yayayain ko sana siyang pumunta sa opisana ni Rishi. May nakapagsabi sakin na dun ako maraming malalaman tungkol sa kanya.

Nung asa tapat na ko ng building nila nakita ko si Rowena. Hinatid siya ni Ralph hanggang sa tapat ng kotse nito. Bago sumakay si Rowena, hinalikan niya sa lips si Ralph. Aba, talanding yun. Si Ralph naman ngumisi lang. Malandi din. Tsk.

 Nung makaalis ang kotse ni Rowena. Pumasok na ko sa loob. Hindi ako nagpakita kay Ralph pero sinundan ko siya. Buti na lang dalawa din yung elevator dito kaya dun ako sa kabila sumakay.

May dinaanan pa siya kaya nauna akong makapasok sa office niya. Nag cr siguro yung sekretarya niya. Buti na lang dahil hindi ako makakapasok dito kung anjan yung sekretarya niya.

Umupo ako sa swivel chair niya. Pinilit kong pakalmahin yung Sistema ko. ayaw lang talaga makinig. Tsk. Nakakairita kasi, tama ba namang makipaglandian sa malanding yun? Tsk.

Inilibot ko ang tingin ko sa office niya, may kwarto sa loob nito. Dito ba siya nakatira?

Dahan dahan kong binuksan yung pinto, sakto namang may narinig akong naguusap sa labas.

“Andito ba si Ralph? Naiwan ko kasi yung phone ko sa table niya. Ok lang ba kung kunin ko? “ Tanong ni Rowena sa sekretarya ni Ralph.

“Wala pa po eh, pero baka po papunta na yun dito. “ Sinakto kong bubuksan na niya yung pinto sa pagsara ko ng pinto. Para hindi niya mapansing andito ako, kung noon siguro to hindi ako magtatago susugudin ko na siya agad. Kaso feeling ko mas tama na mag tago na lang dito.

Napansin niya sigurong my tao sa loob ng kwartong ito, kaya dahan dahan siyang lumalapit sa pinto. Mabubuko ako?

*Ralph’s P.O.V.*

“Rowena? Why are you still here? “ agad ko siyang pinuna. Buti na lang at sumakto yung dating ko dahil hindi niya pa nabubuksan yung pinto.

“I was just picking up my phone. Nakalimutan ko kasi eh. “ Nakangiti niyang saad.

“Ah, nakita mo na ba? “ Tanong ko sa kanya tapos may pinakita siya saking phone.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon