1. Wow!

3 1 0
                                    

A.N :Hey guys! :) Gusto ko lang pong malaman niniyo na first time ko lang pong magsulat ng story kaya sana naman po suportahan niyo ako.

Enjoy reading! ^_^

Chapter 1

Allyson's POV

"Kyaaaaaaah! kinindatan niya ako mga beshy." halos mamatay nang tili ni Trish habang basa cafeteria kami.

"Seriously? dahil lang sa pagkindat, nagkakaganyan ka?" mataray na turan sa kanya ni Grashea.

"Hmp! Pakialam mo ba, ha?!" Pataray rin na sagot nito.

"That's enough guys." Awat ko sa dalawa kong asungot na kaibigan.

Hindi naman na nagsalita ang dalawa.

" 'Nga pala, isa-isa daw tayong magpapakilala mamaya sa first period natin sa tanghali." Anunsiyo ni Grashea sa kalagitnaan ng pagkain.

"Really? sino daw ang prof natin?" tanong ko.

Nagkibit-balikat ito.

"I don't know." sagot niya.

"Perfect timing! malalaman ko na rin kung anong name niya." Masayang saad saamin ni Trish.

"Tch! Stupid." Bulong ni Grashea. Sapat para marinig ng pinariringgan.

"Hoy, hindi ako stupid, asshole!"
Protesta nito.

Napailing naman ako sa inakto ng mga kaibigan ko. Hay, madalas mag-away.

******

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami sa ikalawang palapag ng University kung nasaan ang room namin.

"Are we late?" mahinang tanong saakin ni Trish nang mabungaran naming tatlong nag-uumpisa na sila ng klase.

"Sir, ayan na yung mga late o!"
Turo saamin ni Glaizelyn.

Lumingon naman ang prof saamin at walang ekspresyong tinitigan kami. Gumaya rin kaming tatlo.

Waaaaaaah ang pogi ni sir!!!!!!

"Takte, patay tayo neto." Kinakabahang bulong ko sa dalawa.

"Hey, are we going to look at each other at wala na kayong balak na pumasok dito sa klase ko?" Biglang sambit nito.

Doon na kami nabalik sa ulirat at dali-daling nagtulakang tatlo sa loob kaso inunahan ako ng dalawang 'to eh kaya natapilok ako.

"Tch! mag-ingat ka sa susunod miss." anang baritonong boses at pinatayo ako sa pagkakaupo.

Nag-angat ako ng tingin.

Kyaaaaaah S-si sir!

Agad kong inilayo ang mga braso ko sa kanya at nakayukong nagpasalamat.

Umupo na ako sa silya ko nang magsalita si Glaizelyn na nasa tapat lang ni Grashea.

"Buti nga sainyo!" Nakangising sabad niya. Pinandilatan ko naman siya.

"Ilayo mo saakin yang bruhang yan Allyson kundi masasakal ko yan." Mahina ngunit may diin na pagkakasabi saakin ni Trish.

" 'Yaan mo na lang." Pagsasawalang bahala ko.

"Ano bes, kalbuhin ko na?" Singit naman ng nasa right side ko na si Grashea.

"Haist! sa tingin niyo ba may mapapala kayo 'pag pinatulan niyo yan?" Tanong ko sa kanila.

Imbes na sumagot ay nagsiayusan ito ng mga upo at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Hoy mga syunga! sagutin niyo ako! May mapapala ba kayo kapag pinatu-----"

"Miss Daldalera." Rinig kong sambit ni sir kay ewan.....takte, ako ba yung tinatawag niya?

Nag-angat ako ng tingin at di nga ako nagkamali.

Ako nga mga frenn....

T_T

"S-sir?" Kinakabahang sambit ko.

"Magpapakilala ka ba sa harap o patuloy ka pa ring makikipag-usap dyan sa mga katabi mo?" May akusasyon sa tinig nito.

huhuhu gwapo nga, suplado naman

"S-sorry po sir." Paumanhin ko at agad na tumungong harap.

"Hi classmates, My name is Allyson S. Perez, and I'm 18 years old." Maikling pagpapakilala ko at nagmamadaling umupo sa silya ko.

Hooo! Muntik na yun ah

After kong mag-introduce ang sarili ko ay sumunod naman ang mga kaibigan ko. Palihim akong sumulyap sa prof namin.

Hmp! Sungit mo naman prof  pero kahit ganyan ka, bawing bawi na dahil gwapo ka bwahahahaha!

Bigla namang natigil ang pag-iilusyon ko nang mahuli kong nakatingin din si prof sa gawi ko. Agad akong umiwas ng tingin.

Awkward -_-

"Thank you ladies, you can sit now." saad nito."Tutal nandito naman na kayong lahat, My name is Menandro Tucker and I'm your English Professor." Pagpalakilala niya sa amin.

Hihihihi what a nice name naman sir.

^_^

"Uy." Tawag pansin sa akin ng katabi kong si Trish.

"O-Oh?" Sagot ko.

"Hmm, mukhang malayo na ang nararating ng diwa mo ah?" May pangungutsa sa tinig nito."Si sir ba?" Dagdag pa niya.

"Sira! Muntanga lang ha Trish, muntanga lang? Sagot ko na hindi lumilingon sa kanya.

"Fine." Sabi na lang niya at nakinig na sa lesson.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Love With My ProfessorWhere stories live. Discover now