Jade
"Alam mo Jade pag asawa ko ang asawa mo maghihirap ako sa loob lang ng siyam na buwan dahil sa mga trip niya." Sagot ni Batchi, nagkukuwentuhan kami kasi hindi niya matawagan si Althea na ngayon ay may kausap sa phone niya kaya ako ang tinawagan ni Batchi.
"Hindi ko rin maintindihan, Batchi pero pag hindi napagbigyan magtatampo naman." Sagot ko.
"Sinabi mo pa.." Sagot niya. "Naku Jade baka sa sunod niyan gusto na niyang mamasyal sa buwan." Sabi niya at natawa ako sa sinabi niya. Twenty eight weeks ng buntis si Althea pero hindi pa rin nababawasan ang mga 'trips' niya kumbaga. Food trips and road trips. At ngayon nga ay kababalik naming pamilya galing Hawaii.
"Haha, huwag naman sana Batchi, bago pa niya maisapan yon sana manganak na siya." Balik biro ko naman. Nagpaalam na rin siya dahil alam niyang kararating lang namin.
"Who's that?" Tanong ni Althea pag lapit sa akin.
"Si Batchi, busy daw ang phone mo kaya sa akin tumawag. Nireremind niya ang meeting niyo bukas." Sagot ko habang inaayos ni Mang Julio ang mga bagahe sa sasakyan.
"Kararating lang natin..." may himig reklamo sa boses ni Althea. "Hindi ko naman pinababayaan trabaho ko ah." Nakasimangot na siya.
"Love, kinamusta niya ang biyahe natin tapos niremind na rin niya ang meeting niyo bukas." Mahinahon kong paliwanag. Mula ng nagbuntis si Althea hindi ko siya nakitang nahirapang maglihi pero ang hirap lang talagang sakyan ang trips at mood niya. Kailangan lang talaga ng mahabang pasensiya.
"I can attend naman, Mahal. Ok naman ako." Sagot na niya.
"I know Love and we're thankful because baby's not giving you a hard time." Ngiti kong sabi at napatango siya.
"Yup, Mahal. Hindi niya ako pinahihirapan although hindi lang ako makakilos ng maayos."
"Understandable naman yan, Love kasi malaki na ang baby bump mo." Lambing ko sabay haplos sa tiyan niya.
"Let's go, Mama, it's hot outside. You can talk inside the car." Biglang singit ni Ali kaya napasunod na lang kaming mag asawa.
- - -
"Love bangon na, I already prepared your bath..." Masuyong gising ko kay Althea.
"Five minutes, Mahal." Tawad niya.
"Pang limang five minutes mo na yan. You're gonna be late." I reminded her, she scratch her nose as she slowly turned around to the other side. Ganito kami halos araw araw, hirap ko siyang gisingin lalo na ngayon malapit na siyang manganak.
"Can't I have five minutes or ten minutes or fifteen minutes more?" Reklamo na niya nakatalikod na ng higa sa akin.
"Love, you can always sleep more minutes if you want to but that is if you don't have commitments. Remember may meeting ka ngayon?" Paalala ko. After a few
seconds of silence ay bumangon na siyang nakatalikod pa rin sa akin at sa kabila siya ng kama bumaba. Derederetso sa bathroom ng walang lingon likod, pati good morning kiss ko nadamay sa sumpong niya. Hindi na lang ako umimik at hinanda ko na lang ang isusuot niya bago ako bumaba para asikasuhin na rin ang mga bata.Pagbaba ko ay patapos ng kumain ang mga bata.
"Is Mom getting grumpy again?" Bungad na tanong ni JJ sa akin.
"Ha?!" Gulat kong tanong. "No Baby, mahirap lang gisingin si Mommy." Nakangiti ko ng sabi, kabisado na ng mga bata kung sinumpong nanaman si Althea. "How can you say Mommy's grumpy?"
"Because you look sad?" sagot agad ni JJ. Napangiti ako.
"Because sometimes, pregnant Moms are like that. They become moody in a minute then they're happy again after a while." Paliwanag ko, paulit ulit na paliwanag ko na rin sa mga bata pero lagi pa rin silang nagtatanong.
BINABASA MO ANG
Life With You
FanfictionAn arranged marriage between a spoiled brat daughter and an obedient granddaughter. Produkto po ito ng aking imahinasyon. Anumang pagkakatulad sa iba ay hindi po sinasadya. CTTO of the picture. Completed: January 3, 2019