undecided things!

8 1 0
                                    

chapter 1

ring ring ring (phone rings )
Minsan talaga makakarinig ka ng gigising sa napakalalim mong pag tulog isang bagay na gigising sakin na nag eexist ang reality  kahit anong takas ko o iwas para lang sa expectation na gusto kong mangyari sa buhay ko at ang pangunahing solusyun dito e ang pagtulog.
Napatinggin ako sa phone ko tama nasa reality na nga ako na kilanggan ko gumising ng gantong oras 6:30 am  ay sorry hindi pala phone ko sa ate ko pala yun maaga kasing napasok si ate sa isang merchandise si ate  claire ang cashier sa kilalang merchandise sa aming lugar maaga si ate napasok kasi ang alam ko time is must yan ang alam ko so anyway highway flyway kong merun man hahaha. pero dahil hindi naman ganto oras ang pasok ko tutulog ulit ako hahaha tanghali pa naman pasok ko bakit ko aagahan ang pag gising ko pwede naman na alas dyes o kaya naman kong kilan papasok na lang ako it's up to me naman..Ang Tamad mo girl sabi ko said isip ko.


Time check 11:23 am ang nakita ko sa screen ng phone ko at dahil din sa boses ng papa ko nagising ako kaya no choice babangon na ako kasi baka bugahan pa ako ng apoy pag hindi ako bumanggon, dragon kasi papa ko hahahaha charot lang sabi kasi ng tita ko dragon daw si papa sa kanila dahil siya ang panganay sa kanilang 9 na magkakapatid at kilanggan sunduin mo siya. Pero hindi naman ako kapatid niya I'm his princess dalawa kaming babae ni ate claire na siyang panganay sa limang magkakapatid pang apat naman ako. Nasabi kong prinsesa niya ako kasi he always said that to me like paglalambing niya nakasanayan ko na kaya ginagawa ko na din what princess do naka upo lang kain kain hahaha.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko agad ang sala namin sa kanan naman ang kusina wala na si papa lumabas na siya pagkatapos niya ako gisingin dahil may trabaho pa siya. So ito
Ako dumiretsyo na sa kusina tingin tingin kong may pagkain ba sa kaldero kong may kanin at kaserola kong may ulam, may kanin pero wala ng ulam nakita ko kasi na itlog iniulam nila dahil napatingin ako sa basurahan namin na medyo nasa malayo sakin kaya no choice luto ako ng ulam ko nagluto ako ng itlog at hotdog at kumain na matapos kong maluto ang ulam ko. Napatingin ako sa kanan,kaliwa at harapan ko na may mga upuan ngunit walang nakaupo firstday of school ko ngayon at ganun din ang tatlo ko pang kapatid na lalaki ngunit para bang nasa kalagitnaan na ako ng pagpasok hindi ko ramdam dati nung elementary days pa namin lagi kami sabaysabay kahit hati hati kami sa ulam hindi papasok ng walang laman ang tyan, ngunit ngayon malayo ng mangyari na magkasabay sabay ulit kami araw araw sa pagakin minsan nakakawalang gana na lang. iba-iba na kasi schedule namin pagpasok at ako ang naiiwan lagi kasi lahat sila umaga napasok at ako din ang last na nauwi at nakain from 1:00 pm to 8:50 pm kasi schedule ko Grade 12 Senior high na kasi ako kaya sanayan lang yan may araw naman na nagkakasabay kami tuwing sasahod si papa at tuwing linggo yun. Minsan hindi din kasi may mga project na outddor na ginagawa. Nahugasan ko na ang kinainan ko at naghanada na para pumasok ..
Naiintay ako ngayon sa tapat ng bahay namin para sumakay ng trycycle papunta sa school ko exactly 12:42 am nakasakay na ako buti na lang dalawa pa lang ang pasahero at hindi lang baby seat ang available kaya sumakay na ako sa loob ako lang nasa loob at ang dalawa pasaherong lalaki nasa back ride habang umaandar napatinggin ako sa daan sa mga halaman at palayaan na madadaanan papunta sa aking iskwelahan medyo mainit na pero hindi mo ramdam dahil sa lakas ng hangin na tumatama sa aking buhok at mukha tama lang ang aming takbo hindi mabilis at hindi rin mabagal. Natulala ako at malalim ang naiisip kong maganda ba ang taon ko ngayon magiging masaya ba ang school year ko ngayon, nagising ako sa aking pagkatulala ng biglaang huminto ang sinasakyaan kong trycycle, ibig sabihin may pasahero isang lalaki at babae na sa tinggin ko magkapatid kumpleto na ang dalawa pang bakanteng upuan umandar na ulit ang trycycle exact 1:00 pm nakarating na ako sa entrance ng school nagbayad na ako ng 15 pesos sa driver ganun din ang iba. Habang patungo ako sa aking classroom makikita mo ang mga istudyanteng masasaya kasama ng kanilang dating kaibigan,kaklase matapos ang summer may iba na kasama ang kanilang jowa,kaibigan,nililigawan,ka M.Uhan,mag ex,broken,mga crush nila na sinusundan ng ilang istudyante,at syempre ang transfer at syempre kong saan ako nabibilang ang mga single na naglalakad mag isa. Ngayon hinahanap ko na ang aking room kong saan isang taon ako papasok at after 15 minutes nahanap ko na din,  late na ako kakahanap at dahil ang strand ko ay General academic strand nasa pinakadulo ang aming classroom ang mga undecided sa course. well totoo naman kasi undecided ako about my choosen strand for my senior high school year and also about my future.

                                
   






 

UPDATE

After 1 year...

Nagising ako mula sa napakahimbing na tulog, Dahil  sa liwanag na tumatama  saking  mukha galing  iyon  sa  bintana kong  saan malapit  sa aking higaan. Kinapa ko ang aking phone sa ilalim ng aking unan kong saan ko inilagay bago ako matulog kagabi, tumambad saking mukha ang mga numero saktong 9:00 am na at monday nga pala ngayon ibig sabihin May klase ako ng 1:00-3:00pm ngayon at dahil may corona virus 2019 e online class at  iba pang modalities ang sagot upang maipag-patuloy ang pag-aaral. At dahil college student na ako ngayon at napili Kong Mag ecopy modality, sa kadahilanan na nandito ako sa mindoro kong saan ako nagtapos ng high school, kahit na sa  cavite ako nag enroll para Mag college. At bukod dito nandito din ako ngayon dahil sa Mother ko ngunit NASA magandang paradise na siya ngayon, at alam Ko ang lahat ng ito ay may dahilan. bumangon na ako at pumunta Sa kusina upang kumain. Habang basa ang aking mukha dahil naghilamos ako at nag toothbrush sa cr dito sa kusina. Nakita kong Wala pa palang luto dahil maaga silang nag sipasok sa kanilang mga trabaho. Kaya una Kong ginawa ay nagluto ng kanin Sa rice cooker at nagluto ng adobo dahil Nakita Kong kanina nung binuksan ko ang ref  na mayroon pang kalahating kilong karne na natira kagabi na sinigang. Pagkatapos Kong lutuin ay kumain na ako at naghugas ng aking kinainan at pinaglutuan at naghanda na para sa aking mga activities  na Binigay ng aking prof, nung nakaraang araw, kilanggan ko itong gawin ng maaga upang Hindi ako magahol sa oras ng pasahan, dahil Hindi lang naman ito ang aking subject para sa sem na to.

Undecided Counts!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon