The Midnight Sparrow

110 4 0
                                    

Mag-isang naglalakad sa madilim na sementeryo si Claudette. Hawak-hawak pa niya ang manipis na strap ng kanyang bag na nakasukbit sa kanyang manipis na balikat. Siguro ay takot na ito sa paglalakad sa dilim. Sa itsura kasi nito ay hindi kayang protektahan ang sarili sa masasamang tao.

Bumilis ang mga lakad niya ng marinig ang mga hakbang ko papalapit sa kanya.

"Sino ka?"

Kaagad kong tinakpan ng kamay ang aking mga mata mula sa flashlight na nanggagaling sa cellphone niya. Mas tinatapat niya pa iyon sa mukha ko.

"Sino ka ba?" nagmamatapang na boses nito pero ramdam ko ang takot niya sa akin.

"I'm going to introduce myself but can you please stop blinding me with your flashlight?"

"How can I trust you if I don't even know you?"

"Alright. Alright." Nagtaas pa ako ng dalawang kamay kahit nasisilaw ako ng ilaw. "I am Louis Montecarlo."

Kaagad na rumehistro ang pangalan ko sa kanya. Binaba niya ang cellphone at inalis ang pagkakatutok ng flashlight sa mata ko. "Louis Montecarlo. Your name is familiar."

"Yes. Kung sinuman ang naisip mo, that's me."

"The celebrity cosmetic surgeon?!" She exclaimed. Nangiti na lamang ako.

***

I can't express how lucky I am to meet the most paid cosmetic surgeon in the Philippines! I am so happy to see him in person! It is one of my dreams that finally came true in this unexpected place.

Sa sementeryo pa talaga!

"What are you doing at the cemetery in this hour, young lady?" pagtatanong niya ng papasukin niya ako sa clinic niya. I told him earlier how I wanted to see his clinic and he agreed to take me there. Nagulat nga ako ng umoo siya, biro lang naman kasi iyon pero sineryoso naman niya so go na rin ako. Gusto ko kasi talaga makita ang dalawang palapag na clinic niya.

Karamihan sa napapanuod kong artista ay kliyente niya. Madalas na nga rin siya makita sa tv shows. Kapantayan niya sila Vicky Belo!

Pagkapasok pa lamang sa clinic ay sumalubong na kaagad ang mga pictures ng mga kliyente niyang celebrities sa wooden wall.

"He became your client too?" Tinuro ko iyong celebrity singer na hindi ko akalain na nagpabago ng mukha.

"Yes. I adjusted his nose."

"Ohh. Kaya pala tumangos ang ilong niya nitong mga nakaraang buwan." Napatango-tango na lamang ako. He just laughed at me and entered a room in the left corridor. Sumunod naman ako sa kanya at office pala niya iyon.

He put his coat on his leather chair.

"Can you tour me please?" excited kong tanong.

"Sure."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng mesa niya at pinauna ako palabas ng office niya. Pinakita niya ang buong clinic sa akin pati ang mga ginagamit niyang machines. It is fascinating!

He even told me his inspiring story behind his success. Nakakatuwa na nasabi niya ito sa akin kahit kakakilala lang namin. Ang baliw lang din isipin na sumama ako sa kanya kahit kilala ko lang siya sa reputasyon niya sa television.

I am even having a drink with him in his office. Nasisiraan na nga yata ako ng bait!

I don't know.

There is something about him that makes me feel that he is trustworthy.

The Midnight SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon