Kabanata 22
Choice
Nakatitig ako sa daliri ko. Ang daliri kung saan nakasuot ang engagement ring na binigay sa akin ni Basty noon. Bakit hindi ko na ‘to kayang alisin? Dati ay minsan ko itong nakakaligtaan suotin. Now that I have a reason to remove this ring, why can’t I just do it? Gusto ko itong itapon. But I know it’s just because I am so angry right now. Hindi dapat ako gumagawa ng desisyon kapag galit.
Umalis si Basty sa party. Atleast that’s what I think, hindi kasi siya mahagilap ng mata ko. Hindi ko alam kung nakita ba siya ni daddy o ni Makki. Nakaupo ako sa harap ng bilugang lamesa, katabi ang kapatid ko, at si Felix naman ay nasa kaliwa ko, kanina pa siya tahimik. He apologized to me because of what he saw and heard a while ago. Nagsorry rin ako. Hindi na rin siya nagtanong tungkol sa nangyari.
Hinaplos ko ang singising sa aking daliri. Nakayuko ako dahil nakatago ang kamay ko ilalim ng lamesa. Pumikit ako ng mariin.
Bakit ko siya pinaalis? Hindi ko alam ang ginagawa ko kanina. I’m just so furious that I just let the words come out from my mouth without filter. Naalala ko ang mukha niyang sobrang galit. Naalala ko rin ang mukha niyang nahihirapan habang sinasabi niyang mag-usap kami pero sinabi kong umalis siya. He wants to talk. And I don’t know if it’s because he will explain what happened, sasabihin niyang nagkamali siya, o kaya mali ang iniisip ko, para magbati na kami o para… umamin sa akin na hindi na niya ako mahal at ayaw niya lang ako masaktan kaya hindi niya kaagad nasabi.
Kung mag-uusap kami para lang umamin siya sa kamaliang ginawa niya ay hindi ko alam kung kaya ko ba siyang pakawalan. Baka magiging tanga ako. Baka kahit niloko niya ako, sa huli ako pa ang gagapang pabalik sa kanya at magmamakaawa na ako na lang sana ulit. At baka kahit pinagtaksilan niya ako, sa oras na sinabi niyang gusto niya ulit bumalik sa akin, kagaya ng ginawa ni mama sa kay daddy, tatanggapin ko siya ng buong puso. Because I love him so much that I refuse to let him go and to not forgive him for what he had done wrong.
I saw Senyor and Senyora arrived at sinalubong namin sila ng palakpakan. Senyora is wearing a glamorous ruby colored long gown and Senyor is wearing a black suit with a ruby necktie. The 40th wedding anniversaries traditionally symbolize the gemstone ruby kaya halos ganoon rin ang kulay ng mga dekorasyon ngayon. Kaagad silang pinalibutan ng mga bisita para batiin ng maligayang anibersaryo.
I had always admired the love they have for each other. Minsan kapag nakikita ko silang nag-uusap, napapangiti ako dahil iyong tinginan talaga nila isa’t-isa ay punung-puno ng pagmamahal. Nakakatuwa dahil kahit matagal na sila, parang bago pa rin ang relasyon nila. I want a love like that. Kaya noong narinig kong pinagkasundo lamang daw sila kaya kinasal, hindi ako makapaniwala. Kung totoo man iyon, then it is possible that you can learn to love someone in time. Or maybe, they already love each other even before they were set up at maswerte lang talaga silang dalawa.
The last time they celebrated their wedding anniversary was on their 30th. That was ten years ago at nasa Cagayan de Oro pa ako sa oras na iyon. Makki, at the time, was just four years old. Bata pa siya noon. At ngayon? May kasama na siyang girlfriend.
Caroline, or Carrie as what Makki affectionately calls her, is a simple girl. Siya ang nakita ko sa picture noon, nililigawan pa siya noon ni Makki at ngayon sila na.
“Tara, I’ll introduce you to lola and lola,” Makki told her. Inabot niya ang kamay sa kanya.
Isang tingin sa mukha ni Carrie ay alam kong dinaluhan siya ng hiya. “Ah? O-okay.” Pero sa huli ay tumayo siya at tinanggap ang kamay ni Makki.
Tinignan ako ni Makki. “Ate, hindi mo ba pupuntahan sila lolo?”
Umiling ako. “Later, Mak.”
BINABASA MO ANG
Playful Melodies Book 2: Precious Miracles
RomanceJust as soon as Macy and Basty are starting to write their ending, unexpected things are also starting to hinder their happily ever after. Akala nila'y tapos na ang mga problema, tanggap na si Macy ng pamilya ni Basty, unti-unti ay natatanggap na ng...