Chapter 17:Zainon Is In Danger(Part 2)

62 0 0
                                    

Chapter 17:Zainon is in danger (Part 2)

Zainon Pov:

Nagising ako na nakatali ang kamay at paa habang nakasandal sa pader,Nilibot ko ang paningin ko ,madilim pero dahil sa kunting liwanag na nagmumula sa buwan ay nakikita ko kahit papaano ang loob.

Di ko namalayan na gabi na pala at di ko din alam kung nasaan kami.

Kahit na nahihirapan akong gumalaw dahil nga sa may tali ako at sa bigat ng bracelet na nasa kamay ko ay pinilit ko pa ding umusog palapit kay Lennox ng makita ko itong nakasandal din at may tali sa kamay at paa.

"Lennox." Bulong ko at sana magising siya kahit bulong lang iyon dahil mukhang may bantay sa labas ng pinto.

"Lennox."

Nilapit ko ang paa ko sakanya saka niyugyog siya,epektib naman dahil nagising siya.

Magsasalita sana siya pero pinigilan ko.

"Lower down your voice!baka marinig nila tayo okay!"

"Nasaan tayo Ms.Zai?"bulong niya saka nilibot ang paningin

" Shit!Ms.Zai ayos ka lang ba? Wala ka bang galos?"Nagtaka ako sa asta niya dahil natataranta siya at di niya malaman kung pano ako lalapitan dahil sa nakatali nga siya.

"Wala naman akong galos,Kumalma ka nga ayos lang ako!"kumalma naman siya

Mga ilang minuto ay nakita kong may kinakalikot siya sa likod niya,nagtataka ko siyang tinignan.

" Ano ginagawa mo?"pabulong kong tanong

"Tinatanggal yung tali Ms.Zai!" Pinakita niya sa akin ang maliit na dagger ...

Saan naman niya nakuha yan,di ko nalang siya pinansin para makapagfocus siya sa pagtanggal ng tali mukhang matibay at makapal ang lubid na tinali sa amin.

Tinanggal ko din ang nakakabit na bracelet sa kamay ko madali lang naman itong matanggal kaya di ako nahirapan.

Ng matanggal ay gumaan ang mga kamay ko na parang nakalutang sa hangin.

Tumigil si Lennox ng marinig ang mga yabag sa pinto.

Naging alerto siya,kaya ganun din ang ginawa ko.

Unti unti itong bumukas at may pumasok na isang lalaki na malaki ang matawan may mga nakasunod sa kanyang mga lalaki din siguro ay mga tauhan na may hawak na mga baril,

"Magaling pumili ng asawa si devin ah hahaha!" Malakas siyang humalakhak sa harap namin.

"Sino ba kayo?ano bang kailangan niyo samin?" Lakas loob kong sabi sa kanya.

"Kailangan ba kamo!Sayo meron pero diyan sa kasama mo Wala!"sinenyasan niya ang mga tauhan niya ,Lumapit ang mga ito kay Lennox .Nakita kong hinigpitan ni Lennox ang pagkakahawak sa taling nasa kamay niya ,natanggal na pala niya ito.

Napatili ako ng bigla nila itong binugbog ang dami na ng dugo sa katawan ni Lennox pero bakit hindi siya lumaban ,tanggal na ang nakatali sa kanya ah!

Naiiyak na ko!Zymon!asan kana ba!

" Tama na!!"

Tuluyan na akong naiyak dahil sa kalagayan ni Lennox Bugbog sarado na siya!

Tinignan ko si Lennox at nakatingin din pala siya sakin,Nginitian niya ako kahit puro dugo na ang mukha niya at di niya na masyado maidilat ang mata.

"Tama na Pleasee!!"

"That's enough!" Utos niya sa mga bumugbog kay Lennox,Nakahinga ako ng maluwag ng tumigil na sila

The Mafia Boss Wife Has A Secret(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon