Saan ka man naroon ngayon Saudi, Japan o Hong Kong babalik ka rin, babalik ka rin. Ano mang layo ang narating Singapore, Australia, Europe o Amerika babalik at babalik ka rin. Isang kilalang awitin ng isang sikat na mang-aawit na nagbibigay ng positibong pakiramdam ng pusong umaasa. Na may pag-asa na muling magkikita at babalik na dala-dala'y ginhawang inaasam ng bawat ama, ina, anak o buong pamilya nito. "Bagong Bayani" kung ituring sa kasalukuyan, di ba't karapat dapat naman talaga? Saan mang panig ng mundo isang pagbati ng magandang araw sa inyong lahat!
Ano nga ba ang pakiramdam ng iniiwan ng ating mahal? Hindi ba, masakit. Ngunit naitanong na ba natin sa ating sarili kung ano ang pakiramdam ng isang magulang kapag iniiwan nila ang kanilang anak? Marahil hindi, isipin pa lang natin ay malalaman na ang kasagutang "masakit". Higit natin silang kilala bilang OFW (Overseas Filipino Workers) mga Pilipinong naghahanap ng kapalaran sa labas ng bansa. Mga taong may malaking bahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Sila Nagkakayod-kalabaw, nagtitiis ng pangungulila upang mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang pamilya. Oo, bahagi ako sa milyun-milyong kabataan na may magulang sa ibang bansa na naghahanap-buhay. Bagamat idinisenyo ng Poong Maykapal ang isang kumpletong pamilya, wala man ang isa sa kanila dahil sa pangingibang bansa hindi nangangahulugang hindi na sila pamilya sinasapatan lamang nito ang pangangailangang pangkabuhayan. Ngunit, madalas kong naitatanong bakit nga ba kailangang magkalayo upang matikman ang ginhawa? Sa pagmulat ng mata at ang pagkain ay naihanda na sapat man ito ngunit kulang pa rin. Nakapagsusuot ka man ng maayos na kasuotan mula ulo hanggang paa at naliligayahan ka. Natutustusan angb mga pangangailangan mo lalo't higit sa lahat ang pangangailangan sa edukasyon. Kaya't kung tutuusin hindi ba't kumpleto na rin, wala man ang kanyang presensya pero alam mo at pinahahalagahan mo kung paano nakamit ito. Subalit, di ko maiwasang makaramdam ng pangungulila sa mga bagay o panahong nais kong magbahagi ng mga kwentong nais ko sanang kami lamang ang nakakaalam. Bagamat may malaking bahagi ang teknolohiya, hindi nito matutumbasan ang tunay na ngiti,halakhak, pag-tapik na mararamdaman mong sya ay sumasangayon ba o hindi, ang pagakbay na alam mong nariyan sya na handang sumoporta. Kaya ba gawin ng emoticons yun? Natutumbasan ba ng smiley emoticon ang tunay na ngiti o like emoticon sa tunay na pagsang-ayon? Bagamat madalas akong ,matuwa sa aking tatlong-taong gulang na kapatid na nagsesend ng heart, heart, heart emoticons maliit, malaki o marami di nito mapapantayan ang tunay na pagyakap ng isang magulang na nagsasabing "Anak, mahal na mahal kita".
Binabahagi ko ito sa inyo hindi para kaawaan kaming mga anak sa aming mga magulang bagkus, para mamulat tayo sa katotohanan na ang OFW ay isang salita na hindi papantay sa pagsasakripisyo ng sarili para sa iba. Isang salita na tumtumbas sa sa'kit at pagtitiis. Tapos na ang panahon ng pagsasawalang kibo't pagbabalewala sa tulad nilang mga bayaning hindi nauunawaan ng karamihan. Wakasan na ang pagbibingi-bingihan sa mga hikbi ng mga Pilipinong lumuluha para sa katuparan at tagumpay. Kaya't marapat lamang na tuldukan na ang mga maling akala, dahil oras na para parangalan na ang kanilang dakilang pagmamahal. Ang tangi ko lamang na masasabi sa inyo bago ako magtapos ay pahalagahan natin sila kasabay ng pagpapasalamat dahil higit kaninuman, nagsakripisyo sila para sa ikasasaya at ikabubuhay ninyo . Sa mga nakikinig na hindi pa nakararanas na magkaroon ng magulang na OFW, ay pahalagahan natin sila. At para sa mga OFW na masikap at matapang na naghahanap-buhay, eto lamang ang masasabi ko, kahit hindi nyo man marinig naniniwala ako...naniniwala akong makararating itong taos puso kong mga salita.
Daddy, saludo ako sa inyo!
YOU ARE READING
OFW! Saludo ako
PoetryExplains why OFW workers described as heroes in their own way and how migration affects their family.