#mondroadouwithisiah
ISIAH's POV
Training ko ngayong araw pero kinakabahan ako, sino ba naman kasi ang 'di kakabahan 'pag ang nakabuntot sa'yo ay ang Mondroadou."Ayyy ang swerte naman ni Isiah, kasi scholar siya ng mga Mondroadou nakakasama niya ang mga ito para panoorin siya sa training niya."
"Oo nga eh, nakakainggit naman siya."
'Yan lang naman ang naririnig ko sa mga estudyante na nakakasalubong ko... Ayyy nako magsitigil nga kayo at akala n'yo ba gusto ko 'to?
Habang naglalakad kami sa hallway nakasalubong namin si Miyu na kilig na kilig.
"Besssssst! Goodluck ha!"
"Hah? Anong goodluck training ko pa lang ngayon."
Nagpakamot-kamot ng ulo ang bruha, alam ko na ang nilalandi nitong babaeng 'to ei, ayytzzs...
Hinila ko siya at inakbayan, at kinikiliti dahilan para tawa siya nang tawa."Sir" Sabay yuko "Nandito na pala kayo, nag-reserve na po ako ng chair para sa inyo." Wika niyang sabay tingin sa akin "Hello Isiah, goodluck sa training mo." Ngiti pa niya
"Salamat po"Pasalamat kong sabay yuko "A-ang ganda n'yo po."
Nakita kong namula siya at nahihiya, kaya naman na patingin din ako kay Sir Sky. Napatingin din siya sa 'kin at parang nagtatanong ng 'baket?' Ngumiti lang ako at kumindat sa kanya kaya namula din siya.
"Sir ang s'werte n'yo po kay Maam Suzie... Maalalahanin siya sa inyo po.
Parang gusto ako kurutin ni Sir Sky pero inunahan ko siya ng takbo habang hila-hila si Miyu. Pagdating namin sa kabilang hallway nakasalubong namin si Victoria kasama si...
Storm?
Ba't nandito ang mokong na 'to? Nakakainis, at ang mga tingin pa niya parang pinapaalala niya ang nangyari sa aming dalawa... Bweseeet.
"Isiah, congrats for your training, malapit na din ang laban mo."
Pagbati sa 'kin ni Victoria nang makalapit sila, napangiti lang ako kay Victoria habang masamang tinitingnan si Storm.
"Ah" Napatingin ako kay Storm. Ano ba naman 'yan, ba't ba ganito kung tumingin 'tong mokong na 'to?...Ani ng isip ko habang masamang nakatingin sa kanya, napangiti naman akong napatingin kay Victoria "Salamat kinakabahan na nga ako."
"I know, pero kaya mo 'yan." Wika niyang sabay lingon kay Storm. "hmm so do'n na kami uupo para mas malapit sa 'yo." Turo niya sa pwesto na sinundan ko naman ng tingin.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, manunuod siya? Ayyytzzzz Diyos ko naman.
"Isiah! Hurry up! Malapit na magsisimula ang laban mo."
Sigaw ni Coach, yumuko ako at tumakbo ng mabilis. Tinulungan ako ni Miyu na mag-ayos ng sarili ko nang marating namin ang dressing room.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...