Chapter 1
Mang Jose: Paumanhin po, Sir Lex. May isang babae po sa labas na naghahanap sa inyo.
Lex: (itinigil ang pag-inom ng kape) Babae? Ako po ang hinahanap?
Mang Jose: Ah…e-eh…o-ho…Ipinadala daw po ni Aling Maring.
Lex: (tumayo at sinimulang tunguhin ang pintuan) Ah. Sige po Manong. Salamat.
Pagbukas ni Lex ng pinto, natanaw niya ang babaeng sa tingin niya ay bata sa kanya kung edad ang pagbabasehan. She looked so naïve and this made her look more enticing. Sinita niya ang sarili ng mapansing binabati na ito ng dalaga.
Danielle: Magandang umaga, po.
Lex: (medyo strict) Who are you and why are you here?
Danielle: Uhm..ako po si Danielle. Ako po ang ipinadala ni Aling Maring bilang kapalit niya dito sa rest house. Nagkasakit po kasi ang bunso niya kaya ako po ang pinapunta niya rito.
Lex: (nagtataka) Ga-ganun ba? Alright. Come in.
Habang papasok sa loob ng bahay, nalilitong iniisip ni Lex kung tama ang kanyang narinig na ito ang magiging kasambahay niya sa kanyang pamamalagi sa rest house nila sa Pangasinan. Mukhang hindi ito kasambahay. Maputi at makinis ang kutis. Maganda ang hubog ng katawan kahit pa mukhang 20-25 lamang ang edad nito. Nanibago din siya dahil mukhang ngayon lamang niya nakita sa lugar. Sabagay, tatlong taon na rin siyang hindi bumalik dito dahil abalang-abala ito sa pamamahala sa Cortez Realty Holdings, ang kompanya ng kaniyang pamilya na may iba’t ibang properties around Asia. Tatlong taon din siyang naging abala sa Taiwan, Indonesia, Singapore, at Manila. Matapos ang huling transaction niya sa Thailand last month, naisipan niyang magbakasyon muna sa Pangasinan, ang paborito niya sa lahat ng town houses na pag-aari ng mga Cortez.
Sa loob ng bahay…
Lex: So, alam mo na ang iyong gagawin, right? Just use the room near the kitchen. Dun ka mamamalagi. Tatawagin na lamang kita kung kailangan. Feel free. Kung hindi ka pa nag-aalmusal, just pick some in the refrigerator. (Pumasok sa kwarto nito).
Hindi na muling nakita pa ni Danielle ang mukha ng amo. Ang suplado. Pero hindi makakailang gwapo. Matipuno. Baritono ang boses. Maaaring panlaban sa Mr. Philippines.
Abala niyang inaayos ang mga gamit ng biglang may kumatok…
Lex: Hi. Nakalimutan kong sabihan kang pagkatapos mong kumain maaari kang magpahinga muna. Mukhang kararating mo lang mula sa kabilang bayan. Ihanda mo na lang ang hapunan mamaya. (Umalis)
Danielle: Hmmm…suplado talaga!
Chapter 2
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng kapanatagan si Danielle. Mula ng makarating siya ng Pangasinan ay hindi na siya halos makaramdam nito. Dahil dito, gulat na gulat siya nang makita ang orasan nang magising siya. Naglabasan na ang mga bituin sa kalangitan. Dali-dali siyang nag-ayos at pumanhik sa kusina. Nakaramdam siya ng pagkahiya nang mabungaran ang among nakaupo na sa mesa at ang hapag ay nakahanda na.
Lex: So, mukhang hindi na kita tatanungin kung nasarapan ka sa pagtulog mo, seniorita? (sarkastiko)
Danielle: Hmmm…p-pasensya na p-po kayo, Sir. Mukha nga po. Hindi ko po namalayan ang oras.
Lex: Pagbibigyan kita ngayon pero sana sa susunod, you shall be conscious enough. Nakapagluto na ako kaya ang mabuti pa ay saluhan mo na ako dito.
Danielle: Tama ba ang narinig ko? Saluhan? That’s weird! A-ah…J-just eat ahead, s-sir. Su-susunod na lamang po ako.
BINABASA MO ANG
If it hadn't been for Love
RomanceShe ran away from her very own villa where she's regarded as a princess...as an unparalleled princess. She did for her safety. Mula sa pagiging isang seniorita, sinubok ni Danielle ang pagiging isang katulong kahit pa hindi siya marunong kahit magwa...