Kabanata 4

441 87 0
                                    

Pasado alas-onse na ng gabi nang nakauwi kami ni Ben sa bahay. Hinintay pa namin si Aldritz at Kian para bantayan si Franco.

Mag-isa lang pala si Franco sa bahay nila. Nahiya naman akong itanong kay Ben kung bakit, baka isipin pa niyang tsismosa ako.

Nag-imbento na lamang siya ng kwento para hindi kami mapagalitan. Kunwari ay nasira ang motor niya.

Hindi naman nagduda sila Nanay sa kwento ni Ben.

Dumiretso na agad ako sa kwarto at natulog.

Sikat na ang araw nang magising ako kinabukasan. Wala na si Nanay sa tabi ko.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan, dahil naiihi na ako.

Nagulat ako nang makita ko si Kian at Aldritz sa sala. Tumigil ako sa huling baitang ng hagdan. Tinakpan ko ang aking bibig. Nakakahiya! Hindi pa ako nakakasuklay man lang.

"Good morning, Lara." Bati sa akin ni Kian.

"Morning." Sagot ko habang nakatakip pa din sa bibig ko ang aking kanang kamay sabay takbo sa kusina.

"Hala ka, 'tol. Natakot ata sayo." Narinig kong sabi ni Aldritz kay Kian.

"Baka sayo natakot." Sabi ni Kian.

"Sa gwapo kong 'to. Sayo 'yon natakot." Sabi ni Aldritz.

Nadatnan ko sa kusina si Ben. Nagluluto. "Na pa'no 'ka?" Tanong niya nang napansing nagmamadali ako.

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa c.r. at dali-daling umihi.

Natigilan ako nang mapansin kong may kulay pula sa panty ko. Tiningnan ko din ang panjama ko, may tagos ako!

"Bakit ngayon pa..." Isinuot ko ulit ito kahit na may dugo. Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito. Baka makita nila. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng c.r. Sumilip ako sa kusina, si Ben lang ang tao.

"Ben!" Tawag ko sa kanya.

"Bakit?" Hindi man lang ako nilingon. Abala siya sa paghihiwa ng gulay.

"Si Nanay, na saan?"

"Umalis. Kasama sila Nanay at Tatay, nagpunta sa bayan. 'Di ka na ginising. Ang himbing daw nang tulog mo, e. Naghihilik ka pa nga daw." Pang-aasar pa niya.

"Imbento! 'Di kaya ako humihilik!"

Tinawanan lang niya ako.

"Eh, si Mikee?"

"Nagpunta sa bahay nila Jet."

"Anong oras s'ya babalik?"

"Di ko alam, bakit ba?"

Hindi ko siya sinagot. Hanggang mamaya pa ata ako dito.

"Di ka pa ba magkakape?"

"Mamaya na." Sinarado ko ang pintuan ng c.r. at sumandal dito. Paano kaya 'to?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa c.r. "Ay, puso!" Nagulat ako ng biglang may kumatok.

"Oy, Lara! D'yan mo na ba balak tumira?" Tanong ni Ben at kumatok muli. "Tapos na akong  magluto nandyan ka pa din!"

Binuksan ko lang ng konti ang pinto at sumilip. "Wala pa ba si Mikee?" Tanong ko sa kanya.

"Wala pa, bakit ba?" Parang naiinis na ata siya.

"Ano kasi...?"

"Ano?" Nakasimangot na siya. "Kanina ka pa diyan, a! Pwedeng ako naman?"

"Wait lang, naiihi ka na ba?"

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon