Kabanata 8

425 70 0
                                    

"Mga 'tol 'may lakad ba kayo mamaya?" Tanong ni Ben.

"Wala e. Tambay tayo sa bahay nila Franco." Sabi ni Aldritz.

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Franco. Galit ito.

Pati sila Brylle at Raiden.

"T∆ng-ina makakabasag ata ako ng mukha ngayon." Galit na sabi ni Aldritz

"Easy mga 'tol, nasa school tayo." Pigil ni Kian.

Lumingon si Ben sa may likudan namin.

Kumuyom ang mga kamay niya.

"Kumusta Franco?" Sabi ng pamilyar na boses. "Balita ko 'di ka man lang nag-padala sa ospital."

Ngumisi si Franco. "Di na kailangan, mahina  kasi si Smooth. 'Di man lang ako napuruhan."

Lumingon ako. Tama nga ang hinala ko si Kenneth nga. Mag-isa lang siya.

Tumingin siya sa akin.

"O? Nandito ka pala? Anong ginagawa mo dito? Dito ka ba mag-aaral?"

Hindi ko siya sinagot. Tinalikuran ko siya.

"Ang suplada talaga." Pang-asar na sabi nito. "Ben, ang lambot pala ng..." Napatayo ako at humarap sa kanya. Nakatingin siya kay Ben na nakatayo na din sa tabi ko. "O, Ben? 'Wag mong sabihin 'di mo pa nahahawakan ang dibdib ng girlfriend mo?"

Nakakunot ang noo ni Ben na tumingin sakin.

"Ang hina mo pala 'pre. Brylle, pasensya ka na pare, 'di ko napigilan ang sarili ko." Nakangising dagdag pa ni Kenneth.

'Ang bastos nya! Proud pa talaga sya na ginawa nya 'yon sakin.'

Napatingin ako kay Brylle halos nasa tabi ko na siya. Nakakuyom ang mga kamay niya at mukhang galit.

Hinila ako ni Ben, itinago sa kanyang likuran.

"Anong sinasabi mong mahina, a? Ngayon ka lang ba nakahawak, a. Mag-paparty ka na kasi last mo na yan!" Galit na sabi ni Ben kay Kenneth sabay suntok sa mukha nito.

"Ben! Tama na yan!" Sigaw ni Mikee.

Inawat ni Kian si Ben.

"Tama na 'tol nandyan na 'yung mga guards." Sabi ni Kian kay Ben.

"Ano 'yan, a?! Nag-kakagulo kayo dito." Sabi ng isang guards.

"Hindi po kuya, nag-kakamustahan lang po kami." Nakangiting sabi ni Kian sa guards.

"Siguraduhin 'nyo lang, 'di pa nagsisimula ang klase nag-aaway na kayo." Dagdag pa ng guard at umalis na ito.

"Ngayon ko lang napansin na mas maganda ka sa personal kaysa sa mga pictures. Nakangiting sabi ni Kenneth sa akin. Pinunasan niya ang labi niyang may dugo. "Hindi ba Ben, Brylle?"

Nakangisi itong tumingin kay Ben sunod kay Brylle.

"Matagal na n'yang alam 'yon, 'di mo na kailangan pa'ng sabihin." Seryosong sabi ni Ben.

Umiling-iling si Kenneth. "Tiyak na magkikita pa tayo. Bye, Lara..." Makahulugan siyang ngumiti sa akin bago umalis.

Bumalik sa pwesto nila kanina si Brylle, Raiden at Aldritz. Pumunta naman si Franco at Kian sa kalapit na bench para manigarilyo.

"Grabe ang laki talaga ng sira ng isang 'yon." Sabi ni Mikee, umupo ulit siya sa bench. "Sinabi mo bang girlfriend mo si Lara, Ben. Pati tuloy sya ginugulo ni Kenneth."

"Kahit 'di ko sabihin kay Kenneth na 'di kami magkaano-ano ni Lara, lalapit pa rin 'sya dito." Nakasimangot na sabi ni Ben. Naupo siya sa tabi ko.

"Bakit?" Tanong ni Mikee.

Beautiful AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon