By: Alyn Fate Villa
Alam mo yung masakit?
Yung ika'y ipagpalit
Yung siya sayo'y pinagkait
Bakit ba kasi pinipilit?Masakit na hindi na ako mahal mo
Masakit yung ipagpalit mo ako
Masakit dahil wala nang tayo
Masakit dahil bigla nalang naglaho lahat ng iniingatan koMahal bakit ganun?
Bakit kailangan mo akong ipagpalit dun?
Bakit dun pa sa sinabi mong 'kaibigan ko lang siya'?Hindi pa ba ako sapat?
Kaya hindi ka naging tapat?
Hindi pa ba sapat yung pagmamahal ko sayo?
Kaya ganun nalang kung iwan mo ako?Mahal, masakit alam mo ba yun?
Yung balewalain mo nalang ako ng ganun?
Wala na ba talagang halaga?
Pinagsamahan natin mula pa nung una?Sabi nga nila wag mong ipagpapalit ang pangmatagalang saya
Sa panandaliang landi lang niya
Wag mong ipagpapalit yung taong mahal ka
Sa taong walang ibang ginawa kundi sirain kayong dalawaTatapusin na ba natin ang kwento?
Magpapaalam na ba ako?
Masakit na kasi pag pinagpatuloy pa natin to
Kaya kahit masakit, kailangan ko nang bumitaw sayo.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡