A/N: Habang HIATUS ang MDL at SOON ang MOS, magkasya muna tayo sa mga short stories. Hehehe. Pampalipas-oras po ang paggawa ko ng short stories. Escape from reality ko kasi ang paggawa ng short stories. Hehe. Stress reliever ba?
Another story from a girl's POV. Wala lang. Parang mas nadadalian akong gumawa. Karamihan kasi ng nababasa ko dito na mga story, usually, ay POV ng babae. So, mas may idea ako gumawa ng story. Hehehe.
Eto na. ENJOY!
Note: Fictional Street po ang Ilagan. Hindi ko alam kung meron niyan.
---
LOKI (Love On Kalye Ilagan)
LOKI.
Maraming ibig sabihin sa akin niyan. Isa na ang pamagat ng kwentong ito.
Love on Kalye Ilagan.
Sa kalyeng iyon nagsimula ang kwentong ito.
Loki.
Ang pangalan NIYA.
Sa Norse mythology, Loki is the god of thieves and mischief.
Tama nga ang mga Norse.
Because Loki stole something from me.
--
"HAYUP KANG MAGNANAKAW KA!!! MAMATAY KA NA!!!" Wagas kong sigaw sa lalaking humablot ng cellphone ko.
"BUMALIK KA DITO!!!"
Wala nang tao sa Ilagan ng mga oras na ito. Alas-dose ng hatinggabi. Kakagaling ko lang sa trabaho. Sa isang fastfood chain ako nagtatrabaho. Part-time. Working student kasi ako.
Nga pala, a brief background: Ang Kalye Ilagan ay kilala bilang kakila-kilabot na daanan. Hindi dahil sa may white lady dito pag gabi, o dito tinatapon ang mga sinasalvage. Kundi maraming magnanakaw dito. As in TALAMAK. Bawat kanto ng kalyeng ito, may magnanakaw. Kaya pag binagtas mo ang Ilagan na may dalang bag, pagdating mo sa dulo, wala ka ng damit. No joke. May kwento ako about dyan, pero wala na tayong pakialam doon.
Hinabol ko ang lalaking kumuha ng cellphone ko. Alam kong kilala ko yon. Agad kong naabutan ang lalaki dahil lumiko ito sa iskinitang papunta sa bahay namin.
Agad kong hinila ang t-shirt niya. Dinambahan at sabay sabing-
"HAYUP KA LOKI!!! Sa susunod, wag ako ang biktimahin mo."
Humarap naman sa akin si Loki ng nakangiti at-
"Hehe. Joke lang naman bes. Eto na yung CP mo. Galing ko 'noh!"
Kinuha ko na sa kanya ang cellphone ko.
Opo. Kilala ko ang humablot ng cellphone ko. Ang aking super-hot bestfriend na si Loki. Isang part-time snatcher. Opo. Part-time snatcher. Wala kasing permanenteng trabaho. Minsan kapag sinuswerte, nakukuha bilang construction worker. Nagtrabaho na rin dati bilang waiter. Kaya lang laging namomolestiya. Kaya umalis din.
Gwapo kasi si Loki. Maputi, matangos ang ilong, medyo pahaba ang hugis ng mukha, at kulay asul ang mga mata. Sa unang tingin ay mapagkakamalaang foreigner si Loki, which is half-true. Half-German si Loki. Dati kasing GRO ang ina nito sa Germany at nung nabuntis ay umuwi na sa Pilipinas at si Loki ang pinagbuntis na iyon.
"Uy! Ano nangyari sa'yo? Ganyan ka na ba ka-inlove sa akin. Baka matunaw ako ah." Pang-aasar ni Loki na siyang nagpabalik sa akin sa kamalayan.
"H-huh?? BALIW KA RIN 'NO?? Baka ikaw!"
"Balita ko, crush mo daw ako--" PAANO MO NALAMAN???

BINABASA MO ANG
LOKI (Love On Kalye Ilagan) [one-shot]
Teen FictionSa Norse mythology, Loki is the god of thieves and mischief. Tama nga sila. Because Loki stole something from me.