Prologue

447 6 2
                                    


Prologue

Rebecca 'Becky' Villanueva, 31, Romance Novelist

AKALA NI Becky, kapag thiry-one na siya, magiging smooth-sailing na ang buhay niya. Iyon bang meron na siyang steady love-life, kung wala man siyang asawa, pwede rin namang meron na siyang boyfriend at matagal na silang engaged at naka-plano na ang kanyang kasal. Pero hindi iyon ang buhay thirty-one niya, she was single, and miserable. Takot na siyang maiwan ng biyahe. Lahat nalang ng blind dates pinapatulan niya, lahat ng dating site pinapasok niya, at lahat ng lalaking feeling niya ay may potential pinapakitaan niya ng motibo. At doon nagsimula ang frustration at miserableng buhay niya.

Kung siya lang, she wouldn't mind being thirty-one and single, fresh pa naman ang ovary niya at pwede pang magkalaman pero hindi ang mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi ang lipunang ginagalawan niya.

Her Ate Beth would say, "Girl, thirty ka na, by the time na nagdalaga ang anak mo magkakauban ka na. Dapat by thirty-one may boyfriend ka na at by thirty-two kasal ka na. Isipin mo nalang twenty palang ang anak mo pero ikaw fifty-two. At isang anak lang ba ang gusto mo? Gusto mo bang mabuhay siya ng mag-isa?"

Ang kuya Anton naman niya ay magsasabi ng, "Becky, ikinasal na si Hannah, twenty-six palang 'yun, kinasal na din si Cha-cha at twenty-eight na 'yun, ikaw ilang taon ka na ba? Kailan ka magpapakasal? Kailan ka magkakapamilya? Maganda ka sana pero treinta ka na. Sino pang manliligaw sa'yo kapag nalaman nilang malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad mo? Mahirap ang tumanda ng mag-isa."

Dalawa lang 'yun sa mahigit isandaang tao na pumupuna sa kanyang edad. Parang big deal sa mga ito ang buhay niya. Para bang kapag nabuhay siya ng mag-isa ay magkaka-problema ang mundo, kasing trending ng global warming ang edad niyang thirty-one. Kulang nalang ay i-report ng mga ito sa NASA ang edad niya para mahanapan siya ng lalaki at malutas ang problema ng mundo. Yung iba totoong concern lalo na yung kapamilya niya, pero yung iba may halong sarkasmo, may halong panlalait. Parang minamaliit ng mga ito ang pagkatao niya. Lalo na kapag nalalaman ng mga ito kung ano ang trabaho niya.

Romance novelist, sosyal pakinggan pero kapag nagtanong ang mga ito ng 'ano yan? at mukhang shonga ang mga ito na hindi naintindihan ang sinasabi niyang 'yung nagsusulat ng pocketbook, yung mga ganun' mapapangiwi ang mga ito tapos ngingiti ng plastic. Sasabihing, 'Wow, ang amazing napagkikitaan pala 'yan? Akala ko hobby mo lang talaga ang magsulat. Bakit yan ang trabaho mo? Diba graduate ka? Hindi ka nagturo?'

Kulang nalang sabihin nitong tanga siya dahil graduate siya pero hindi niya ginagamit ang kurso niya sa dapat na trabaho na pinapasukan niya. Pakialam nila. She was living her life, writing was her salvation, writing was her passion, at hindi lang niya kabuhayan ang pagsusulat, it was her life. Maraming advantage ang pagiging writer, wala ng office kaya walang boss na nagger, walang officemate na backstabber, wala ng traffic dahil pwedeng sa bahay na lahat gawin at higit sa lahat hawak niya ang oras niya.

Sino ang magpapasweldo sa'yo dahil ginagawa mo ang hobby mo? Wala. Sa mga writer lang. Masaya ka na, napagkikitaan mo pa. Pero hindi lahat naiintindihan iyon at hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan niyang mag-explain. Pagod na siya. Tulad ng pagod na siyang sabihin ang dahilan kung bakit single pa siya.

Maybe she was really looking for an ideal love, tulad sa mga sinusulat niya, pero hindi naman talaga siya tanga. Writer siya. Alam niya ang fiction sa realidad. She was just writing perfect heroes, perfect love, perfect stories, dahil iyon ang gustong mabasa ng karamihan. It was their escape to reality. Though sometimes kailangan niyang magsulat ng mga realistic na kwento pero hindi pa din pwedeng hindi haluan ng mga fiction, ng mga medyo mahirap gawin sa realidad pero nagiging posible sa mga nobela niya. Open-minded na din naman ang mga karamihan sa readers, pero minsan kailangan talaga ng escape sa magulong realidad.

Faking It Trilogy: Marry Me, Becky (Soon on PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon