- 25 -

12 2 0
                                    

Miruelle

Never in my entire life I dream of getting married. Para kase sa akin it is the least thing I will do in my life. I'm contented having mom, dad and beshy.

Masaya na ako kina mommy and daddy. We live a happy life. Ayoko silang iwan. Gusto ko lang ay makasama sila at mahalin hanggang sa pagtanda. Just like how they did before to me. Nung mga oras na akala ko katapusan ko na. In short I want to pay them back. For not leaving me and for fighting with me for my life.

Until I met this guy. Matthew Sandoval. Sino ba naman ang mag-aakalang ang relasyon namin na nagsimula tulad ng aso't pusa ay mauuwi rin naman pala sa pagmamahalan?

I admit, at first akala ko yung mga di pangkaraniwang pagtambol ng puso ko tuwing nakikita o nakakasalamuha ko siya ay dahil sa pagkainis ko sa kanya. I keep on saying to myself that I'm just pissed at him that's why my heart keep on bouncing like an unsynchronized rhythm. Pero hindi eh. The more he annoyed me, the more I get closer and care for him.

Destiny? Fate? I don't know. All I know is that I met a guy that soften my heart. Ang lalaking dahilan kung bakit nagsimula na akong mangarap na katulad ng ibang mga babae ay ikakasal din ako sa lalaking pinakamamahal ko at yun ay si Matt.

And I think he will be my first and last love.

"Sweetheart stop starring. Gwapong gwapo ka na naman sa akin." Hindi ko mapigilang magpaikot ng mata ng dahil sa sinabi ng taong kasayaw ko ngayon. Tss. Heto na naman tayo. Gwapong gwapo na naman po siya sa sarili niya.

"Tsss. Sinong gwapo? Na saan?" Painosente kong sabi habang kunwari ay hinahanap ang gwapong lalaki na sinasabi niya.

Imbis na sagutin ako ay hinuli nito ang mukha ko gamit ang dalawang palad niya at marahan nitong iniharap sa mukha niya.

"Kung saan saan ka naghahanap. Nandito na nga sa harap mo." I can't help myself but to giggled. He is too cute. Nakanguso lang naman kase ang ermitanyo kong boyfriend.

This is what I like with Matthew. He is not trying hard to look cute. With his simple acts, natural na ang pagka-cute niya kahit na masyadong manly ang features ng mukha niya.

"Why sweetie?" Kunot-noong sabi nito.

Napuri ko na ba kung gaano kagwapo itong boyfriend ko? Maybe not yet. Baka kase lumaki na naman ang kumpyansa sa sarili at mas lalong maging GGSS. Pero dahil ang cute niya ngayon, gusto kong purihin ang gwapo kong boyfriend.

"Na sabi ko na ba kung gaano ka cute ang boyfriend ko?" Taas-babang kilay na sabi ko na mas ikinakunot ng noo niya. Oh, hindi ba siya nasiyahan sa sinabi ko?

"What the? I'm handsome okay. Cute is for puppy. I'm not a puppy." Ismid na sabi nito na ikinahagalpak ko ng tawa. So yun pala yun.

As I said Matthew has this manly features. Kung sa iba natatawag silang gwapo dahil sa cute features nila well ibanin niyo si Matt.

Matt has this  handsome but cute face. Akala ko nga nung unang kita ko sa kanya ay si Zac Efron siya pero sa unang tingin lang pala iyon. Ang mukha niya ay parang pinaghalong Zac Efron at Ji Chang Wook.

He has this jaw line na talaga namang pag nakita mo siya ay siyang una mong mapapansin sa kanya. On edge kase talaga ang jaw line niya, napaka perfect para sa akin.

Ang labi niya ay natural na mapula at malambot. Ilong na napaka tangos na bumagay lang sa korte ng mukha niya. Tapos mahaba at makapal ang pilik mata. Minsan nga naiinggit ako sa pilik mata niya eh. Hindi na kailangan maglagay ng mascara para magmukhang makapal. At syempre ang pinakapaborito ko sa mukha niya ang kanyang mga mata.

Mapupungay ang kanyang mga mata. Kung titingnan mo sa malayo akala mo itim ang kulay ng mata niya pero hindi. Dahil pag tinitigan mo ito nang malapitan its actually dark brown.

But aside for that, sa mata lang ni Matt ko nakita ang pagiging safe. Whenever I stare to his eyes pakiramdam ko I'm safe. Na lahat ng sinasabi niya ay totoo. Na sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako at hindi niya ako pababayaan  alam kong totoo. Cause his eyes tells everything. They don't lie.

Kaya nga siguro nung sinabi niyang handa siyang isugal ang buhay niya para sa akin ay ganun nalang galit ko sa kanya. Cause his eyes tells me that he meant everything he say.

"You're starring again sweetheart. Kulang nalang iisipin kong pinaglilihian mo ako." Napapoker face nalang ako sa sinabi niya at pinaghahampas ang kanyang dibdib.

"Ouch. Sweetheart masakit. Kung gusto mong hawakan ang magandang katawan ko sabihin mo lang. Di mo kailangan daanin sa paghampas." Taas babang kilay na sabi nito.

Ugh. Bigla yatang sumakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi ng lalaking ito.

"Uh sweetheart saan ka pupunta? Sumasayaw pa tayo." Habol sa akin ni Matthew habang ako naman ay naghahanap ng bakanteng upuan malayo sa ibang guest.

"Tigiltigilan mo ako Matthew Sandoval ha. Sumasakit ang ulo ko sa iyo." Sabi ko saka umupo sa bakanteng upuan na nakita ko. Siya naman ay naupo rin sa katabing upuan nito.

"Ito naman. I'm just telling the truth sweetie. Ang moody mo masyado. Don't tell me buntis ka?" Pinasingkitan ko siya ng mata. Anong pinagsasabi ng ermitanyong ito? Ako buntis? What the hell?!

"Naririnig mo ba yang pinagsasabi mo Matthew?! Kailan pa may nabuntis ng dahil lang sa halik?" Relax Miruelle. Relax lang. Hindi ka pwedeng sumabog. Oo gwapo itong boyfriend mo pero minsan talaga may pagka-abnormal nga lang.

"Ang galing nga eh. Nagkiss pa lang tayo pero may baby na agad Jan sa tiyan mo." Inosenteng sabi nito at talagang nakatingin pa sa tiyan ko.

Napapikit nalang ako ng mga mata. Boyfriend ko ba talaga ang abnormal na ito?

"MATTHEW SANDOVAL! Titigil ka o titigal ka?" Seryosong sabi ko dahilan para maalarma siya. Napakamot ito sa ulo niya at nag peace sign pa.

"Joke lang. Hehe. Nagugutom na ba ang sweetheart ko? Anong gusto mong kainin kukuha ako." Parang tupang sabi nito at talagang ngumuso pa.

"Anything Matt." Tamad na sabi ko saka nangalumbaba sa mesa.

"How about you baby? What do you want?" Sabi nito at talagang hinawakan pa ang tiyan ko.

"Matthew Sandoval!" Madiin na sabi ko dahilan para dali-daling tumayo ito at patakbong pumunta sa buffet. Mag heart sign pa ito bago makalayo. Tss.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon