Paglisan

13 1 0
                                    

Minsan ba naitanong niyo na?
Kung bakit ang unfair ni tadhana?
Kung bakit kailangan pang pagtagalin
Kung sa dulo, Magkakasakitan at maghihiwalay din..

Bakit kailangan may I LOVE YOU?
kung sa dulo ang kahahantungan ay WHO YOU?
bakit kailangan pasayahin mo ako?
tapos sa dulo iiwanang nagkakaganito?

Madaming tanong na bumabagabag sa isipan ko..
bakit tayo pinagtagpo?
bakit hindi nalang tayo pinaglayo?
bakit ngayon pa? bakit di nalang nung umpisa?
bakit ngayon pa?
kung kailan halata naman nang may masasaktan sa ating dalawa..

Bakit ka pa.. Dumating sa buhay ko..
kung sa huli lilisanin din naman ako..
kase mahal.. kung aalis ka
inagahan mo na sana..
hindi yung pag mahal na kita..
dun ka mawawala ng parang bula..

Bakit hindi mo ako naipaglaban?
bakit hindi ka man lang gumawa ng paraan?
bakit aki pumayag na ikaw ay pakawalan
samantalang hindi ko kaya, kung di kita mahagkan..

Buti sana kung walang masasaktan
Buti sana kung walang ala alang kailangang kalimutan
mabuti sana kung walang maiiwanang luhaan
buti sana kung patas lamang ang labanan
kaso, ang buhay ay sadyang ganyan..
kaya naman mayroon at mayroong talunan..

Naalala ko pa noon, nung unang nagkita tayo..
nung umamin ka ukol sa tunay na nadarama mo
nung unang beses na nadikit ang kamay ko sa kamay mo..
Yung mga araw na.. kuntento na tayo sa pangakong ikaw at ako..
Yung mga araw na pinapasaya mo ako..
Mga ala alang pilit ko noong tinatanggal sa isipan ko..

Madaming nagtatanong kung nasaktan ako..
Malamang oo lalo na't ikaw ang nagpasaya sa akin ng todo..
Palabiro ako pero nung sinabi kong mahal kita, seryoso..
Pero kailangan talagang bitawan ka..
Kasi ikaw naman na mismo yung kumakalas hindi ba?
Mahirap kayang ipaglaban yung taong sayo mismo, SUKO NA..

Ayoko kasi na maging miserable ka dahil sa akin..
Gusto ko dun ka sa masaya ka, kaya handa akong kalimutan ang pangako natin..
Yung "Wala nang makakapaghiwalay sa atin"
kahit akin mang naisin na ang pangakong iyon ay tuparin
mas gugustuhin ko pa din na maging masaya ka kahit hindi ka na akin..

Makulay ang mundo ko nang dahil sayo..
kaya naman nung umalis ka nawalan ng buhay ito..
at kasabay ng iyong paglisan ay ang pagtatago ng mga bituin sa kalangitan.. na para bang napag usapan na isabay ito sa aking kalungkutan..
kasabay ng iyong paglisan ay ang pagkawasak ko ng tuluyan
kasabay ng iyong paglisan ay ang pagbalot sa akin ng kadiliman
mahal, kasabay ng iyong paglisan ay ang pagkagunaw ng aking kalawakan
at kasabay, ng iyong paglisan ay ang pagkahulog kong tuluyan sa kawalan..
tanging liwanag na lamang ng buwan ang nagbigay liwanag noon sa aking kinagabihan..

Pinilit ko namang habulin ka,
ngunit napakadaming harang na tumaboy sa akin palapit sa iyo..
para bang ipinagbawal talaga ng mundo na pagsamahin tayo..
hindi na kita naabutan pa..
at kasabay nang aking pagbagsak ay ang pagtulo ng mga luha sa aking mata..
ako'y tumingala.. upang pigilan ang pagtulo ng mga luha..
ako'y tumingala.. kinausao si bathala, humingi ng himala.. kailan ba magiging tama?
Naisin ko mang ipaglaban ka
ngunit mas malakas siya kaya pasensya na..

Mahal kita.. ngunit sapat na ang sakit na aking nadama upang lisanin na.. ang mundong ginawa nating dalawa
mahal kita.. ngunit sapat na ang sakit na aking nadama upang kalimutan na.. ang ginawang mga ala-ala..
mahak kita.. MALI.. minahal kita..
Subalit nanghina ka.. sumuko na.. nagpadala sa takot na nadarama..
kaya naman.. paalam na..
Siguro nga oras na din, oara sarili ko namang kasiyahan ang isipin..

Ako si "Yzxa" isang manunulat maraming salamat.. dahil naging inspirasyon kita sa pagsusulat
maraming salamat sa napakagandang alamat..
Ngunit dito na nagtatapos ang ating kuwento
at ito na din ang huling tulang isusulat ko para sayo..
salamat dahil pinasaya mo ako.. hindi man ito umabot hanggang dulo
maraming salamat sa oagiging parte ng kuwento ko..
pero oras na din para magkaroon ng bagong pahina ito, na wala nang karakter mo..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNSPOKEN CHAOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon