Miruelle
Nang matapos ang kasal ay dumiretso na kami sa reception kung saan ay sa garden ng resort. Mula sa garden na ito ay kitang-kita ang kulay na karagatan at ang puting buhangin ng dalampasigan.
Ang garden ay napapalibutan ng ibat ibang klase ng bulaklak at mga orchid na nakakapit sa puno ng niyog. Honestly I personally recommend to Gina the function hall cause usually dito ginaganap ang mga reception ng kasal, even birthdays, anniversaries and other events. Kaso ng napadaan sila dito ay nagustuhan niya kaya naman ito ang kinuha niyang venue. She loves flower according to Klint. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit mas pinili niya ito na kung tutuusin ay mas maliit ang pwesto kumpara sa function hall.
"Wow, this place is amazing Elle." Manghang sabi ni Kate na senigundahan naman ni Ann.
"I agree. Parang gusto ko na rin tuloy dito magpakasal." Hagikhik na sabi Ann.
"Sus. Di pa nga kayo, kasal na agad ang iniisip mo." Pambabara naman ni Kate sa kaibigan.
"Tss. Dun din yun papunta." Siguradong sabad naman ni Ann dahilan para matawa kaming tatlo.
"Anyways, that bracelet look wonderful to you Elle." Puna ni Kate sa suot ko na bracelet. Agad ko naman itong hinawakan.
It is a simple bracelet but very meaningful. Unang regalo niya to sa akin."Oh this? Thank you." Nahihiyang sabi ko. It was a bracelet from Matt. Binigay niya sa akin kaninang umaga bago siya lumabas ng kwarto. He said to me to wear it so I did.
"See told yah it was Miruelle."
"Sshh, yeah asa ka naman na kay Klea niya ibibigay yun. Halata naman na si Miruelle ang gusto niya." Pabulong na sagot ni Kate kay Ann.
Hindi ko marinig ang pinagbubulungan nila kaya mas pinili ko nalang na iexcuse ang sarili ko. Obvious naman na may pinag uusapan silang ayaw iparinig sa akin.
Sa paglilibot ko ay nabunggo ko si Gleo na may hawak na inumin. Muntikan niya itong mabitawan.
"Oh shi---- Miruelle, hey." Magmumura yata siya pero nung makilala niyang ako iyon ay biglang napalitan ang busangot na mukha niya ng isang ngiti.
"Hey Gleo. I'm sorry I didn't mean to bump you." Paghingi ko ng paumanhin.
"No, no. Don't be sorry. Not your fault. I wasn't looking my way." Ngiting sabi nito.
"Anyway you look very beautiful today." Pahabol na sabi ni Gleo na ikinangiti ko. Makikipag usap pa sana ako sa kanya ngunit nakita ko si Matt sa di kalayuan na tiim bagang nakatingin sa amin. I should abort this place. Nangangamoy world war 3.
"Thanks G, but I need to go." Sabi ko at dalidali nang lumayo kay Gleo. Tinawag pa ako nito ngunit nagbingi bingihan nalang ako. Gosh. Seloso pa naman si Matt. Ayoko ng gulo.
Sa paglalakad ko ay bigla nalang may humila sa akin at dinala ako sa kung saan. Sisigaw na sana ako pero agad nitong tinakpan ang bibig ko.
"Sssshhh. Its me."
"Matt? Bakit ka nanghihila nalang. Kinabahan ako sayo." Ngusong sagot ko.
"Sorry. Hindi lang ako makahanap ng tyempo para lapitan ka. Andami kasing kamag-anak namin ang lumalapit sa akin." Nakabusangot na sagot nito na ikinangiti ko. Kasalukuyang nakahapit ang mga kamay niya sa bewang ko.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.