Hey guys ! Let me introduce myself, I’m LhexOFFICIAL from nova, qc . Di naman ako baguhan when it comes to writting a story kasi nakapagsulat na ako ng story dito, kea lang di ko natapos. Anyway, so now ! Ladies and Gentlemen, This story entitled, Sa Piling Mo.
NOTE : This story is a fiction story.
Sa Piling Mo ( Chapter 1 – A New Beginning )
“ Manong Larry, bilisan niyo! Baka di ako makahabol sa flight ko niyan!” sigaw ko kay manong larry na ang bilis-bilis na magpatakbo ng sasakyan sa sobrang pagmamadali ko. Aalis kasi ako ngayon papuntang Manila para doon na tumira. Hasle kasi dito eh. Basta hassle, wag niyo nang alamin .
BTW, ako nga pala si Cherry. Athena Louise Buenaventura ang full name ku kaya lang nakasanayan na ng barkada ko ang pagtawag sakin ng Cherry (Parang ngang ang layo eh) . 17 years old at kakagraduate lang bilang Valedictorian sa isang private school dito sa Cebu. At pupunta akong Manila para dun na mag-aral ng College at humanap ng bagong buhay. Ayaw nga pumayag nila mama and papa ang pagpunta ko ng maynila dahil nag-aalala daw sila dahil ako nga lang ang kaisa-isa nilang anak . Dahil kinulit-kulit ko at kinonsensya ko sila (ang sama ku xD) ay pinayagan na nila ako basta mag-iingat lang daw ako. Alam ninyo, believe na believe ako jan sa mga magulang ko. Kasi kahit nasa mayaman kaming buhay at nasusunod lahat ng gusto at luho ku, disiplinado parin ako at di ako lumaking spoiled. Kaya nga ako nagging Valedictorian eh . Hehe :))
Kung pagandahan ang usapan, may itatalab ako. Ako kaya ang teen crush ng campus namin. Matangos ang ilong, sexy, kissable lips, at sabi nila malakas ang sex appeal. Pero di ku pinangarap yun. Gusto ko lang makapag-aral ng mabuti, makapagtrabaho at makapag-asawa. When it comes to lovelife, parang ayaw ku muna pagtungtong ku ng college. Meron kasi akong naging boyfriend noong 4th year. Sikat na sikat din siya kasi isa siya sa mga MVP ng campus. At kami, kilala kami bilang “Ultimate Sweetheart,” oh taray ! Pero dahil isa siya duchebag, hiniwalayan ku siya. Biruin mo, pinagtripan ba naman nila ako ng mga barkada niya. Purket lasing ako ay pinasayaw nila ako sa harapan ng nakahubad. OO NAKAHUBAD ! At ang malas ku pa, kasi ung video, kinalat sa buong campus ! Buti nalang naging valedictorian ako after all. Change topic na nga ! Punta tayo sa talents ku. I'm a singer and a guitarist. Pero mas gusto ko ang Rap. Favorite ko kasi ang pag-rarap. Nainspire kila Eminem, Nicki Minaj and my #1 idol, Amy Heidemann, also called as "Karmin". Nung unang beses ko nga narinig ung cover nila ng "Look at me now," napanganga talaga ako ng bongga kasi ang bilis na nga, naiintindihan pa ung lyrics. Anyways, marunong din ako mag play ng piano at violin. Syempre, "IBA TALAGA ANG MAYAMAN"
Tumulo ang luha ko nung paalis na ako sa Cebu. Ang daming memories kasi ang maiiwan ko dito. Isa na dito ang bestfriend kong si Jelaine. Mamimiss ko rin sa kanya ang kagagahan. Gaga din kasi yun eh. Tulo na nang tulo ang luha ku nang maalala ko si Eric at ang iskandalong ginawa niya saken. Oo, Eric ang pangalan ng hinayupak, bullshit, at asshole na yun. Gusto kong humagulgol sa loob plane pero di ku na tinuloy, nakakahiya eh!
Here it goes ! "WELCOME TO MANILA" sigaw ng isang stewardess ata yun. Basta. Tapos, nakita ko na ang driver na magdadala saken sa hotel. Oo nga pla, para sabihin ko sa inyo, di na ako mamomoblema sa tutuluyan ko kasi kame ang may-ari ng Buenaventura Hotel and Casino. Kaya pag nakatira na ako dun, ako na rin ang taga-sumbong kay papa pag mei mga crew na pasaway dito (Hehe sumbungero xD)
Dinala ako ni manong driver sa sasakyang papuntang hotel. "Manong, ano pangalan mo?" tanong ko. "A-ahh To-tomas p-pu." pautal niyang sagot. "Manong Tomas, nakadrugs ba kayo? Bat pautal-utal kayo magsalita?" biro ko sabay ngisi. "A-ah mam nahihiya lang po ako sa inyo." "Manong, wag na pu kayo mahiya saken. Tsaka tao pu ako, di po ako kakain ng kapwa ko" sarcastic kong sagot. Nainis eh xD. " Tska ako nga pala si Cherry. Wag na mam. Naiilang ako eh." dagdag ko. Talagang naiilang naman talaga ako eh. Pake niyo ba ? Haha joke !
Nakatulog pala ako nang gisingin ako ni manong tomas at sabihin na andito na kami sa hotel. Ang laki ng hotel. "Ito pala ang napundar namin after 3 decades." pabulong kong sabi. Mei "namin" kasi kahit papaano tumulong ako sa kumpanya. Naging OIC rin ako in marketing. Madali din bilang isang valedictorian.
Sinorpresa ako ng staff and crew ng hotel at sigaw na "WELCOME MAM!" at sinabitan ng bulaklak sa leeg. "Salamat" nalang ang nasabi ko. Hinatid ako ng manager ng hotel sa room kung saan ako titira. Lisa ata pangalan nia. "Mam, ito na pu ang key ng room," sabay abot ng susi. "Kung mei kailangan pu kayo, tawag lang pu kayo sa phone " sabi with smiling face. Mababait ang mga tao dito kahit papaano. Di sila mahirap pakisamahan. Pinasok ko ang susi, inokot at pinihit ang doorknob. Pagkapasok ko, napanganga ako. Ang ganda ng tutuluyan ko ! Ang saya !
Medyo napagod din ako sa biyahe kaya humiga muna ako sa kama. At napagisip na tawagan sila mama. Namiss ku kaagad sila. "Ma ! Musta na? Miss ku na kayo!" sigaw ku. Nabingi ata si mama. "Anak hinaan mu lang ang boses mu. Nakakbingi ka! Ok lang naman kami ng papa mu dito. Kaw ? Kumusta biyahe?" hehe nagalit tuloy xD "Sorry naexcite lang ako. Ok lang naman kaya lang medyo napagod ako. Pahinga muna ako."sabi ko. "Sige anak naiintindihan ka namin. Ingat ka jan huh. I Love You, Anak" sabi ni mama "Sige ma. I love you too!" sabay baba ng phone at ilagay sa table. Medyo masakit ang katawan ko dahil sa biyahe. Ano kaya magiging buhay ko dito lalong college na ako at dito pa sa maynila ako mag-aaral. Sana di na maulit un. Habang innisip ko yun ay napaidlip na ako.
( Itutuloy )