⚜️ Don't be mad ⚜️
Someone's POV
Sa kaharian ng Darkenian...
Paglabas na pagkalabas ng lalaki sa tarangkahan ng Darkenian, mabilis syang sumipat. Pagkarating nya sa portal palabas ng mundong 'yon, sinundo sya ng mga kawal ng Constellatopia na nagpapanggap na mga kawal ng Darkenian. Hindi sila kaagad nakilala ng lalaki. Mabuti na lamang ay nagbagong anyo sila kaagad. Ang hindi alam ni Meditys at Treyvor na ito ang huling araw na makikita nila ang lalaki. At wala na silang makukuhang balita mula rito.
"Pinadala kami ng Reyna mula sa Constellatopia." pakilala ng isang kawal na nakamaskarang demonyo. Naniwala naman ang lalaki ng makita nya ang sagisag ng kaharian sa espada nito.
"Halina't bilisan na ho natin. Hindi na tayo dapat magsayang ng oras dito." pagmamadali ng isa pang kawal. Pagkatapos nyang sambitin ito ay hinubad na nila ang kanilang mga suot at mabilis na umalis sa lugar na 'yon.
Nang makaalis ang tatlo sa lugar na 'yon, dumiretso aga sila sa isang liblib na lugar sa Constellatopia kung saan nakita ng lalaki ang kanyang pamilya na binabantayan ng mga kawal ng Constellatopia.
"Anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ng lalaki sa mga kawal.
"Kagaya po ng naipangako ng mahal na reyna, ipinag-utos nya na dalhin kayo at ng 'yong pamilya sa ligtas na lugar. Inutos nya din na bigyan kayo ng kabayo at mga kawal na magbabantay sa inyo."
Natuwa naman ang lalaki ng marinig ang sinabi ng kawal. Tila ba napanatag ang nag-aalala nyang puso't isipan.
"Maraming salamat, mga ginoo. Aking tatanawin na utang na loob ang bagay na 'ito. Makakaasa kayong buo ang aming pagsuporta sa inyong laban. Kung may maitutulong kami, malugod kaming tutulong sa abot ng aming makakaya." masayang saad ng lalaki sa mga kawal.
"Walang anuman po. Makakarating sa mahal na reyna ang inyong mensahe." tugon ng isang kawal.
Maya-maya narinig nila ang sigaw ng isang bata na tumatakbo palabas ng bahay. Lumingon naman ang lalaki at ang mga kawal sa bata. Mabilis na tumakbo ang lalaki para salubungin ang bata, ang kanyang anak na babae. Niyakap na ito.
"Ama!" sigaw ng bata.
"Anak."
Pawang nakangiti ang mga kawal sa kanilang nakikita kaya ilang saglit lamang ay umalis na din sila at nagpaalam sa mag-anak.
"Kami po ay aalis na. Kung may kailangan ho kayo, bukas ang palasyo."
"Ganun ba. Salamat po ng marami ulit." sagot ng lalaki. Ngumiti naman ang mga kawal.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...