24

499 16 2
                                    


                       DENNISE POV

"Buti naman nakarating agad kayo dito" nakangiting sabi ng daddy ni Aly samen nila Daddy.

Nandito kame ngayon sa bahay nila Aly pinapunta kase kame dito ni Lolo Anton dahil gusto nya daw makapag bonding ang family namin at family nila.

Pumayag din naman sila Daddy para daw mas makilala nila ang parents nila Aly. Ngayon lang kase sila magkikita kita ng mga ito dahil sa busy sa trabaho at marami din kaming ginagawa.

"Hello po Dad" bati ko sa daddy ni Aly at nagbeso ako dito pati nadin sa mommy ni Aly.

Binati din nila Daddy Ruel sila Daddy at niyakag kame papuntang living room kung saan nandon si Lolo Anton na nakaupo.

"Nandito na pala ang mga Lazaro's, halina muna kayo dito at makapag kwentuhan tayo" sabi ni Lolo Anton. Nag mano muna ako bago umupo sa tabi nila Mommy.

Bigla naman kami nakarinig ng yabag na nag mumula sa hagdanan kaya naman napatingin kame doon. Nakita namin si Ate Alexa na pababa, napatingin sya samen at ngumiti.

"Good afternoon, Mr. Lazaro and Mrs. Lazaro" bati nya kila Daddy ng makalapit na sya sa kinaroroonan namin ngayon binati din sya nila Daddy at nakipag kamay din sya sa mga ito bago nakipagbeso saakin.

"Nasaan nga pala si Aly?" tanong ni Daddy kila Daddy Ruel.

Oo nga naman. Kanina ko pa yon hindi nakikita nasaan kaya yon.

"Inutusan ko lang saglit,.pinakuha ko yung wine na ipapatikim ko sainyo, tiyak akong magugustuhan nyo yon" sabi ni Lolo Anton. Kala ko naman kung saan nayon pumunta! Inutusan lang pala ni Lolo Anton. Baka nambababae yon ah! Charot! 😂

"Kanina pa po ba yon, lo?" tanong ko dito.

"Kanina pa yun. Pabalik na siguro yon apo wag kang mag alala" nakangiting sabi pa nya kaya nginitian ko din si Lolo Anton.

Hindi rin nag tagal ay nakarinig kame ng busina ng sasakyan sa labas. Baka si Aly nayon ah!

"Si Aly na siguro yan. Tara Dennise puntahan natin" sabi naman ni Ate Alexa at pumunta na nga kame sa labas.

Pag labas namin ni Ate Alexa nagulat kame sa nakita namin. May dalawang lalake na nakaitim at nakahawak sa mag kabilang gilid ni Aly na pilit namang pumipiglas sa pag kakahawak nung isang lalake at yung isa naman may hawak na panyo na nakatakip sa ilong ni Aly.

"Aly!" Sigaw ko ng bumagsak bigla si Aly ng bitawan ito nung dalawang lalaki na nakaitim at nag mamadaling umalis sakay ng isang van.

Dali dali akong pumunta kung saan nakahandusay si Aly na walang malay.

"Love. Aly! Gising" sabi ko at pinatapik tapik ang pisngi nito. Shit! Ayaw gumising ni Aly. Nasa ganon akong sitwasyon ng madatnan kame nila Mommy na dali daling lumapit samin, tinawag kase sila ni Ate Alexa kanina kaya ako na ang lumapit kay Aly.

"Anong nangyare kay Aly?" nag aalalang tanong ni Mommy, mommy ni Aly.

"Hindi ko din po alam. Nakita po namin ni Ate Alexa na may dalawang lalaki na nag takip sa mukha ni Aly" sabi ko habang sumusunod kame kila Daddy na buhat si Aly na pinapasok sa loob ng bahay nila.

"Nakita nyo ba kung sino yung dawalang yon?" tanong ni Mommy.

"Hindi po Tita, may takip sila sa mukha kaya hindi namin namukaan kung sino yon" sabi ni Ate Alexa.

"Titignan ko yung CCTV at itatanong ko yung mga security guard dito sa village" sabi ni Daddy Ruel ng maibaba nila si Aly sa kama sa kwarto nito at agad na lumabas kasama si Daddy.

AD HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon