LOVESTORY NI BESPREN KO!
Hi! I just want to share the lovestory of my bestfriend.
My POV😂
Beshieee here🙋😁😂Nagkaroon ang kaibigan ko ng boyfriend. Bf na hambog kung tingnan, ngunit kung makikilala mo ang so called boyfie niya, marerealize mo na napakabait pala. Bf na maalaga, makulit at mapagmahal. Halos nasa kanya na ang lahat ng mga katangian na magugustuhan ng mga babae. Hindi man siya matalino, hindi man mayaman. Ngunit kaya niyang gawin ang lahat mapasaya lang ang gf niya. Nag iipon siya para may ipang regalo sa gf niya tuwing okasyon, pinipilit niyang hindi lumiban sa klase para maging proud ang gf niya. Chickboy siya noon. Ngunit nang yung bestfriend ko ang naging gf niya, nagbago siya. Naging loyal siya at iniwasan ang pagsama sa mga gimik ng barkada. Ayaw niya kasing magkaroon ng dahilan para mag away sila ng gf niya. Hindi rin siya lumalapit ka kanikaninong babae. Siguro kaming mga friends lang ng gf niya ang mga friends niyang babae. Mahal na mahal niya ang gf niya at siya ang nagsisilbing inspirasyon niya. Last year na niya sa college ngayon at pursigedo siyang makapagtapos dahil gusto niyang ipagmalaki siya ng gf niya sa mga friends at family niya. Actually, hindi alam ng family ng girl na may bf siya kaya yon bang sekreto lang ang relasyon nila. Peru sa side naman ng boy, alam ng family niya ngunit never niya pa naipakilala ang girl. Ayaw kase ni girl. Nahihiya! Saka nalang daw pag graduate na sila. Pag may trabaho na o kung kailan pwde na. Mahal din naman siya ng bestfriend ko. Kaso nauunahan siya ng takot na baka daw malaman ng parents niya. Ayaw ng bestfriend ko na madisappoint family niya. Halos tuwing nagkikita kami, lagi niyang sinasabi na nakokonsensya siya sa parents niya kase nagsisinungaling siya. Kaya kadalasan, wala talagang oras ang girl kay boy lalo nat grade conscious yong bespren ko. Masaya naman sila tingnan together. Nakakainggit nga eh.hihi puro sila asaran at kulitan tuwing nagkakasama. Peru hindi sila madalas lumabas dahil nga bawal. Baka may makakita at maghatid ng balita sa parents ni girl. Naiintindihan naman ni boy kase nga understanding yon. Lahat kaya tiisin. Ngunit sad to say, isang araw nakipaghiwalay si girl. Hindi alam ni boy kung ano ba talaga dahilan. Hindi rin naman sinabi sa akin ng bestfriend ko peru nararamdaman kong may malalim siyang dahilan. Ang sabi niya lang masmakakabuti kong maghihiwalay sila. Sabi naman ni boy, kaya niyang maghintay peru sabi ni girl hindi siya mangangako na magkakabalikan pa sila. Kase alam niyang sa paglipas ng panahon, maraming magbabago. Walang kasiguraduhan kaya sabi niya "just go with the flow. Kung tayo talaga para sa isat isa, then the destiny will always find a way." peru nag insist talaga ang boy na maghihintay siya. Nagchange ng sim bespren ko. Oh dba? Hahaha panay pa kase txt ni boy. Sabi ni girl parang useless lang breakup nila kaya ayon. NEW NUMBER😂
Lumipas ang araw, buwan rather ng biglang tumawag bespren ko, umiiyak. Sabi niya ang sakit pala pag nalaman mong may iba ng pinagkakaabalahan ang taong mahal mo. So na curious ako at tinanong kung anong ibig sabihin niya. Yun pala nalaman niyang may ka callmate at katext si boy. Sabi ko naman, ginusto mo yan kaya magtiis ka. Sabi naman ni girl, "alam ko naman eh. Diko lang napigilan masaktan at gusto ko lang ishare sayo para kahit papano mabawasan ang sakit. Kung bakit pa kase nalaman ko pa.haha" tinanong ko siya kung anong plano niya sabi niya wala, magmomove on na daw siya. At mula noon hindi ko na narinig pa ang bespren ko na binanggit si boy. Move on na ata.hahahaha kidding aside. Si boy naman, malaki pinag bago. Naglalasing, sumasama kahit saang gimik ng barkada, nagyoyosi na noon ay hindi niya magawa gawa dahil sa takot na ayawan at ewan siya ni girl. Graduating na siya ngunit parang wala siyang ganang magtapos. At maniwala kayo sa hindi, laging umiiyak si boy. Pano ko nalaman? Obvious eh.hihi tuwing nakikita ko siya, laging namamaga mga mata. Kahit na pinapakita niyang masaya siya, halata naman na hindi talaga. Na may part sa kanya na nalulungkot at may kulang. Hindi niya man sabihin, nararamdaman namin yon ng mga kaibigan ko. Akala ko talaga move on na si boy matagal na. Yun pala parang naunang mag move on bespren ko. Ewan ko lang! Naaawa ako sa boy. Lalo na ng magshare sakin si girl na may crush siya. Naisip ko agad si boy. Kung ano mararamdaman niya kung malaman niyang may gusto na sa iba bespren ko😢
-3rd year
-Tourism student
-Cebu 💗
BINABASA MO ANG
LOVE STORY NI BESPREN KO
Short Storya short true story of my friend about her ex boyfriend