Transferee lang ako sa school na 'to. Grade 8 student. Unang kita ko pa lang sakanya alam kong gusto ko na siya kaso snober e.
Sammy Perez 15 years old at yung snober na lalaki naman na tinutukoy ko ay si Vladimir Sy.
Sammy POV
First day ngayon at ako pa lang ang tao dito sa room namin. Pero unti-unti ng nagsisipasukan yung mga classmates ko. Buti na lang yung isa kong kaklase ay naging schoolmate ko noong grade school ako kaya buti may kilala na ako at yun ay si Richard. Nagkwentuhan lang kami, at pumasok siya. Unang pagpasok niya palang ng pinto na-love at first sight ako sakanya at marami ng bumati sakanya pero hindi niya pinansin dire-diretso lang siya sa tabi ni Richard kasi yun na lang yung may pwesto eh. Ako naman nasa harap ni Richard.
Hinila ko si Richard papunta saakin kasi may ibubulong ako.
"Snober ba talaga yang katabi mo?"
"Yan si Vladimir, ngayon lang yan naging snober kasi nga may bagong classmates pero kapag naging close mo baliw yan."
"Ah okay."
Nagkwentuhan ulit kami ni Richard about sa grade 7 life niya sa school na 'to. Natigil lang nung pumasok na ang teacher namin na si Sir. Castro.
"Good morning class. I'm your adviser and your teacher in mathematics. Call me Sir. Castro. We have new tranferee here please stand up."
Apat kaming tumayo at isa-isa kaming pumunta sa harap para sa introduce yourself.
Nung ako na yung nasa harap tumingin ako kay Vladimir at nakatingin din siya sakin ng seryoso, kaya umiwas agad ako ng tingin.
"Good morning to all. I'am Sammy Perez 15 years old. I hope na makakasundo ko kayong lahat."
Bago ako bumalik sa upuan ko tumingin ulit ako kay Vladimir mabuti na lang at hindi siya nakatingin saakin, kasi nakatingin siya sa isa naming kaklase na babae ang ganda kasi nung girl. Ang pogi niya, snober nga lang tss.
Tatlong teacher na ang nagpapakilala saamin at break time na. Yung isang transferee lumapit saakin at naging close naman agad kami. Pagbalik namin ni Chelsie sa room nakipagkilala naman saamin yung girl na tinitignan ni Vladimir.
"Hi, diba parehas kayong tranferee? Chelsie and Sammy, right? Mae nga pala nice to meet you both."
"Hello Mae. " Sabay na sabi namin ni Chelsie.
After break time dapat Filipino subject namin pero wala daw yung teacher namin kaya si Sir. Castro ulit ang pumasok sa room.
"Pwede lahat tumayo. Aayusin ko lang ang seating arrangements niyo."
Isa-isa kaming tinatawag ni Sir by class number. And then lahat kaming girls 7 lang naman kaming girls pero yung isa nasa harap so 6 na lang kami sa likod. Pero ang swerte ni Mae kasi katabi niya si Vladimir tapos sa likod naman ni Vladimir ay si Chelsie tapos ako naman ang katabi ni Chelsie.
Kahit naka-talikod siya ang pogi niya parin!
Natapos ang klase ng hindi manlang kami pinansin ni Vladimir naiinggit nga ako kay Mae kasi close sila, silang dalawa lang yung naguusap.
Kinausap ko nga kanina si Mae nung lunch time. Sabi ko sabihin niya kay Vladimir na makipag-close samin kaso ayaw daw eh.
Ngayon nasa lobby lang ako ng school kasama yung little sister ko na si Ella, hinihintay namin yung kuya namin kasi siya daw ang magsusundo saamin.
Naalala ko na may kailangan pala akong kunin na libro sa locker ko kaya iniwan ko muna si Ella sa lobby at ako naman pumunta sa hall way kung saan nandoon ang mga locker.
Pag-open ko ng locker ko may tumabi saakin at binuksan din ang locker niya. Napatingin ako sakanya kasi ang tangkad eh, di naman sobrang tangkad basta maliit lang ako. Nagulat ako ng si Vladimir yung katabi ko. Kaya agad kong kinuha yung libro sa locker ko at nagmadaling i-lock at mabilis akong pumunta sa lobby.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang pogi niya talaga, ang bango pa.
Vladimir POV
Bakit ganun kilos nung babaeng 'yun? Classmate ko siya diba? Sammy yata pangalan niya aba ewan.
Pero maganda siya ah, pero mas maganda si Mae.
YOU ARE READING
Its only a DARE
Teen FictionSi Sammy na agad nagkagusto sakanyang classmate na si Vladimir. Paano kung ang mga kaibigan nilang dalawa ay malakas ang tama at pinag-dare sila? Gagawin kaya nila? Ano din kaya ang dare?