Dati akong writer.. Yes. Isa akong magaling na manunulat, kaya kong patayuin ang mga balahibo sa katawan ng mga mambabasa ko, kaya kong patuluin ng nag uunahan ang kanilang mga luha, kaya ko silang pagulungin sa kakatawa.. oo kaya ko. nung past life ko nga lang. Gustuhin ko man ituloy ang dati kong career, hindi pwede. Hindi pwede kasi sabi nila hindi ako papakainin ng pagsusulat. Hindi lahat ng manunulat, may mambabasa.. hindi lahat sumisikat.
Kaya naman ikaw, open minded ka ba? Tara kape tayo!
Ako nga pala si Fil. isang simpleng mamamayan, nakatapos ng kolehiyo..natanggap sa trabaho.. nagresign.. nagresign.. at nagresign.. ewan ko ba, ang hilig ko pumasok sa isang bagay na di ako sigurado, sa huli.. kahit anung pilit ko sa sarili ko na mahalin ang ginagawa ko, dumadating lagi ang punto na..
Boss ko na intsik: Bakit ikaw resign?
Ako: Hahanapin ko po yung sarili ko (sabi ko na habang nakakunot-noo, pero lagi talaga ako nakakunot-noo kaya palagay ko walang kinalaman yan sa pagreresign ko)
Boss: Sakaling makasalubong mo sarili mo pwede ka bumalik dito.At ayun na ngaaaa.. I'm free like a bird!
Hawak ko na oras ko, makakapasyal na ko kahit saan ko gusto, di ko na kailangan magfile ng leave na after ten years pa maaapprove, di ko na kailangan sumabay sa mga zombies sa mrt, di ko na kailangan makipagsikuhan at balyahan sa bus, di ko na kailangan bumangon ng maaga at matulog ng maaga.Pwede ko na lutuin yung mga recipes na napapanuod ko sa youtube, makakapag-aral na din ako magmake-up. (sa mga dati kong officemate dyan, kala nyo kasi kayo lang maganda!). This is the life! Kaya heto ako ngayon pashopping shopping!Pero teka.. asan na ba yung wallet ko? alam ko nilagay ko yun kanina sa bag ko bago ako umalis e. Ayyy heto palaaa.. kala nyo ha.
Cashier: Ma'am may cash po ba sila? Ayaw po ng card nyo e.
Naku lagot na! Cash daw! Cash!
Narrator: At dahan dahan nagmulat ang mga mata ni Fil mula sa napakasakit na bangungot na iyon.
Nakalimutan ko na kapag walang trabaho, walang pera, walang cash, walang laman ang atm.. Kaya heto ako ngayon, basang basa sa ulan.. sa ulan na nilikha ko sa kagustuhan na maibsan ang init na nararamdaman ng kalooban, ginusto kong patayin ang nag aalab na damdamin na pilit inaabot ang tagumpay. Inakala ko na mabubuhay ang tuyot ko ng pangarap. Ngunit paano, at ano ang dapat gawin para sa susunod na makalikha ulit ng ulan ay kaya ko ng magsayaw. Saan ako mag uumpisa.. anung maling gawa na dapat ko ng tapusin..hindi ko alam.. Naiinggit ako sa iba na alam ang tamang sasakyan patungo sa tagumpay na inaasam, samantalang ako nakailang sakay na ngunit naliligaw pa rin.
Samahan nyo ko hanapin ang aking sarili.
BINABASA MO ANG
Sa kadiliman ng tirik na tirik na araw
RandomHalina't hanapin natin ang daan patungo sa kapayapaan..