Chapter 17: Truth

206 10 3
                                    

Chapter 17: Truth

Jisoo's POV

Maaga akong nagising dito sa mundo ng mga hindi pangkaraniwang tao in short mga bampira. Buti nalang may dala akong sling bag bago kami naparito ni Jinyoung. Kinuha ko naman ang laman doon. Yung librong binigay nung weirdong librarian. Habang nagbabasa ako, narinig ko naman na may kumatok kaya mabilis pa sa alas kwatro ang pag-ayos ko sa higaan at itinago ulit ang libro sa sling bag na dala ko.

"Ah--- pasok!"

Bumukas naman ang pinto at bungad sa akin ang mukha ni Chaeyoung.

"A-anong kailangan mo?" kinakabahan kong tanong.

Ewan ko pero ang awkward ng atmosphere kapag kaharap ko si Chaeyoung.

"Maari ba kitang makausap? Ng tayong dalawa lang?"

No choice eh. Tumango nalang ako.

"Hihintayin kita sa labas ng kwarto mo." pagkasabi niya nun agad naman siyang lumabas at nagpakawala ako ng hininga.

After 5 minutes. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Chaeyoung na nakasandal sa dingding. Napahawak nalang ako ng mahigpit sa dala kong sling bag.

Lumapit naman ako sakanya.

"Follow me."

Nauna na siyang maglakad at sumunod naman ako sakanya. Ano kayang pag-uusapan namin?

Bigla naman siyang napahinto kaya napahinto rin ako. Nandito kami sa labas ng palasyo sa may hardin. Naglakad naman siya at umupo sa bench.

"Maupo ka." utos niya.

Sinunod ko naman ang utos niya na umupo pero nagbigay ako ng space sa pagitan naming dalawa. Hanggang ngayon naiilang pa rin ako sa kapatid ni Jinyoung lalo na yung nangyari saamin.

"Jisoo."

"Po?" sagot ko.

"Kilala mo ba ang babaeng nagngangalang Dennise?" tanong niya saka binaling ang tingin sa akin.

Hindi ko naman siya kilala pero bakit pamilyar yung pangalan niya?

"Hindi naman."

"Pero pamilyar ang pangalan niya sayo?"

Paano niya nalaman?

"Alam mo siya ang pinakaswerteng babae sa aming mundo."

Nanatili lang akong nakikinig sa mga sinasabi ni Chaeyoung.

"Siya ang babaeng unang minahal ni kuya."

Biglang umihip ang malakas na hangin kasabay ro'n ang paglipad ng aming mga buhok. Hindi ko alam pero bakit kakaiba na naman ang nararamdaman ko?

"Sa una hindi ko siya matanggap dahil isa siyang kalahating bampira at tao. Sino bang hangal na prinsepe ang iibig sa isang half breed lang?" tumawa naman siya ng kunti.

"Hanggang nagtagal dumating ang panahon na natanggap ko siya. Ngunit, kung kailan kami nagkaayos saka naman siya nawala. Nangyari yun noong 10 years na ang nakakalipas. Kasalukuyang kinukontrol ng ama namin si kuya na ibigay ang Angel Stone. Ang Angel Stone ay katulad ng Eye of Death, isang sinaunang kapangyarihan na madalas lang mapasakamay ng mga bampira. Hindi alam ni kuya ang tungkol dun, mailap ang Angel Stone katulad ng Eye of Death na dapat sa mga taong nakatakda lang ito. Hindi rin niya alam na si Dennise ang may hawak ro'n dahil siya ay may kakaibang taglay na kapangyarihan hindi agad namin nalaman. Napag-alaman namin na ginagamit lang niya kami upang makapagtago sa mga gustong kumuha ng Angel Stone. Ang alam ko pangangalaga raw ito ng kanyang mga ninuno hanggang sa napunta ito sakanya."

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon