Chapter 18: Paradise

142 5 1
                                    

Chapter 18: Paradise

Jisoo's POV

"Anong klaseng lugar 'to?" tanong ko sa kanya.

"Ano naman 'to para sayo?" nakangiti niyang sabi.

Naguluhan naman ako sa tanong niya pero para sa akin para itong....

"Para itong paraiso."

"Tama. Isa nga itong paraiso na tayong dalawa lang ang nakakaalam."

"Tayo lang ba?"

"Oo. Ano bang ibig mong sabihin."

"Jinyoung huwag mo sanang masamain ngunit may itatanong ako saiyo."

"Sure."

"Sino si Kim Dennise sa buhay mo?" deretso kong sabi.

"Saan mo naman nakuha ang tanong na 'yan?"

"Jinyoung sagutin mo ang tanong ko please. Sino si Kim Dennise sa buhay mo?"

"Hindi nga ako nagkamali."

Naglakad naman siya papunta sa may bangin at umupo habang papalubog ang araw. Sinundan ko naman siya at umupo rin.

"Pwede mo bang ikwento kung sino siya sa buhay mo?"

"Siya... ang kauna-unahang babaeng minahal ko."

Parang tumigil ang ikot ng mundo ko ng malaman ko na talaga ang totoo.

"Mabuti at inamin mo rin." medyo malungkot kong tugon saka yumuko.

"Jisoo."

"Ahm... Yes?"

"Naniniwala ka ba sa 'First Love Never Dies?" tanong niya.

"Oo naman. Sabi nga nila kapag ang taong una mong minahal siya ang taong hinding hindi mo na dapat papakawalan pa." tugon ko.

"Pero hindi naman ibig sabihin nun ang sila na dapat sa isa't isa." napansin kong ngumiti siya. "Hindi naman ibig sabihin na kung sino ang unang minahal ay siya pa rin."

Napalingon naman ako sakanya at siya naman ang nakatanaw sa lumulubog na araw.

"Minsan kapag nagmahal ka, yung akala mong una ay siya na minsan rin at kung sino yung huli ay siya narin ang makakasama mo habambuhay. Ang totoo nabuksan muli ang puso ko na magmahal ulit. Ngunit sa tamang tao na ito pero hindi ko alam kung kailan kami magkakaganito."

Nanatili lang akong tahimik habang nakikinig sakanya. Napatingin ako sa araw na unti-unting nawawala. Wala na talaga akong makitang liwanag.

"Hindi yan totoo." biglaang sabi ni Jinyoung.

Napalunok nalang ako ng laway at hindi ko alam kung ano ang gagawin.

"S-sor---" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinila patayo.

"Halika tingnan mo 'to."

Napalingon naman ako sakanya.

"Ano namang ginagawa natin rito?"

"Sandali nalang."

Haist ano na naman kayang pakulo nito.

"Diyan ka lang."

"H-hoy huwag mo naman akong iwan rito! Jinyoung!"

Lord help me ang dilim kasi eh. Napansin ko namang gumalaw ang mga damo. Nagtaka naman ako, paano gagalaw ang mga damo kung wala namang hangin? Huhuhu. Napansin ko namang may maliit na ilaw ang lumabas doon. Ano yun? Hanggang sa dumami ito.

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon