Chapter 20: Lullaby

266 5 1
                                    

Chapter 20: Lullaby

Jisoo's POV

Nagising ako sa hindi pangkaraniwang kwarto. Nagulat ako sa suot ko ngayon. Isang black dress na hanggang tuhod at may bulaklak ito sa ginta ng dibdib at ribbon sa likod.

"Anong klaseng lugar 'to?"

"Nandito ka sa Underworld."

Nagulat naman ako sa boses niya. Napalingon naman ako sa kanya. Ang... Ang gwapo niya! Kyahhh >////< kaso ang cold ng tingin niya sa akin. Btw nasaan nga pala ako? Nasa Underworld raw?

"Ano?"

Agad akong tumakbo at tumingin sa bintana.

"Anong klaseng lugar 'to?"

"Sinabi ko naman sayo diba nasa Underworld ka."

"Panaginip lang 'to d-diba?"

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Ang lamig kaya hiniwalay ko agad yun. Kinurot ko naman ang pisngi ko pero hindi eh nandito parin ako.

"Kahit anong gawin mo nandito ka sa mundo namin."

Napaatras naman ako.

"Anong klaseng nilalang ka ba?!" matapang kong tanong.

Napangisi nalang siya saka lumapit ng lumapit sa akin. Atras lang ako ng atras hanggang sa naramdaman ko nalang na nakasandal ako sa pader. Nang makalapit siya sa akin agad naman niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko.

"Hindi maikakaila na napakabango ng dugo mo."

Agad ko siya tinulak.

"Anong klaseng nilalang ka ba?!" pag-uulit kong tanong.

"Paano kung sabihin ko sayo na isa akong bampira?"

"B-bampira?"

Did Vampire really exist? Napatigin naman ako sa kanya at tiningnan siya ng eye to eye.

"Marahil ikaw siguro si Kim Jisoo."

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker ba kita?"

"Hindi mo ako stalker. Tss."

Sayang gwapo ka pa naman sana kuya kaso masungit lang.

"Ako nga pala si Kim Myungsoo."

"Edi nice to meet ku- este Myungsoo."

"Mabuti at umupo ka muna." sabi niya.

Umupo naman ako sa kama at ganun rin siya. Awkward ng paligid wew.

"May kilala ka bang Jinyoung ang pangalan?"

"W-wala naman."

Pero bakit parang pamilyar ng pangalang yun sa akin.

"Hindi pa nga bumabalik ang alaala mo."

"Ha?"

"Tsk. Halika at ipapasyal kita dito."

"Tsk baka gawin mo akong pagkain."

"Paano mo naman nasabi?"

"Ah basta! Sabi nga nila huwag maniwala sa mga strangers."

"Bahala ka na nga diyan."

Tumayo siya saka lumabas at iniwan ako mag-isa. Tss mga lalaki talaga. Umupo nalang ako sa kama habang nakatingin sa labas. Parang hindi maganda na nandito ako.

Someone's POV

"Pinuno nasa atin na ang nakatakda." sabi ng isang konsehal.

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon