Chapter 131: Goodbye

213 4 1
                                    

5:30 pm.
Gemeniano's Living room.

Mark's POV

6pm. 6pm. 6pm.
Huminga ako ng malalim saka nag isip. Sumandal ako sa sofa namin at pumikit saka ko pinunasan ang buong mukha kong nagsisimula nang budburan ng pawis. Saka huminga ulit ng malalim.

"May balak ka bang sumipot mamaya?" Biglang sulpot ni Jayem sa harap ko saka siya umupo sa kabilang dulo ng sofa.

Hindi ako nakasagot agad. Nakatingin lang ako sa sahig habang nagiisip.

"Ano bang mangyayari kapag nakipagkita ka sa kanya? Itataboy ka ba ng buong San Juan? Mawawasak ba buhay mo? Kasi imposible namang sirain nila si Ash diba? Anak nila yun eh."

Umiling lang ako. Paano ko ba ipapaliwanag ang lahat sa mas malinaw na paraan.

"Hindi. Hindi hindi hindi."

"Eh so ano nga? What's stopping you, insan?"

Magulo din tong pinsan ko eh. Kanina, todo aya siya sa akin umalis sa simbahan para di ko na makita si Ashleen. Ngayon, parang pinupush na niya ako.

"Hindi. Iniwan ko na siya. Iniwan ko na siya."

"Okay. So let's make this clear. Me? I am totally neutral here. But kung ako tatanungin mo? I would rather take this opportunity to talk to her. Well, I mean, she deserves to hear your side. Kung makikipagkita ka sakanya ngayon, that does not mean na kailangan niyo na magkabalikan. Makikipagkita ka sa kanya para maging mas malinaw ang lahat, insan. Di man mag ayos, at least, narinig ka na niya."

Napatingin ako sa kanya. May point naman siya. Tama nga naman.

"But as I said, I'm neutral here. It's all up to you. Makipagkita ka man sa kanya o hindi, I would not be bothered...." Dagdag pa niya.

"Inaalala ko lang siya, insan. Baka kasi mas lalo lang siyang mahirapan eh. Mas lalo lang siyang mahihirapan kapag makikita pa niya ko. Kapag may maririnig pa siya sa akin."

"Eh ikaw. Kasi ako...mas mahihirapan akong matulog sa gabi kung wala man lang akong maririnig na salita mula sa taong mahal ko na iniwan nalang ako basta..."
-------------
Sandoval's Residence
5:50pm.

"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?" Tanong sa akin ni Ate habang dahan dahan akong lumalabas sa gate namin.

"Ate. Kailangan kong makausap si Mark."

"Pero madami pa namang araw, Ash. Days can wait. Palipasin muna natin yung init ng ulo nina Papa't Mama. At isa pa, masama ang timpla ng panahon. Mukhang uulan pa."

"Days can wait. But I can't anymore. I can't just lie in my bed while waiting for them to cool their temps. I need to hear him."

"Osige sige. Bilisan mo na at baka mahuli ka pa nila. Ako na bahala dito. At pag umulan, umuwi ka na agad, Ash."

"Salamat ate. Salamat."

Saka ako dali daling naglakad papunta sa secret place.
---------------------
Mark's POV

5:55 pm.

"San ka pupunta?" Pahabol na tanong sa akin ni Wendy bago ako umalis.

Ayoko sana siyang kibuin kaso nagsasawa na ako sa ganitong komunikasyon namin. Para kong bingi. Para kong pipi. Kahit ano mang nangyari sa pagitan naming tatlo nina Ashleen...di ko pa rin naman mabubura yung katotohanang may pinagsamahan kami. Minahal ako ng taong to, alam ko.

"Pupuntahan ko lang si Ashleen saglit. Ikaw na muna bahala dito sa bahay. Babalik din ako kaagad."

"Teka, teka! Mukhang uulan. Magdala kang payong." Saka niya inabot sa akin yung payong.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon