Dahan dahan akong naglalakad patungo sa unang klase ko ng biglang may sumulpot na gwapo sa harapan ko. Dali dali kong inayos ang buhok ko pati na rin ang uniporme ko na medyo gusot pa dahil sa pagmamadali kong pagpasok dahil ayokong malate.
Hinarang pa ako ni manong guard pagtapak ko sa gate dahil hindi ko daw suot yung ID ko kaya kinuha agad ko namang inilagay sa unahan ko ang backpack ko para hanapin yung ID ko, pero dahil sa sobrang kalat ng bag ko antagal kong nahagilap yun.
Isinuot ko ang Id ko sa leeg ko kahit hindi ko pa naayos ang bag ko tapos sumenyas naman si guard na pwede na akong pumasok. Isasara ko na sana ang bag ko ng may bigla namang bumangga sa akin mula sa likod ko kaya natapon ang laman ng bag ko.
" Humarang ka na naman gurl sa daan" irap ni Roxanne na tiningnan ko naman ng hindi kaaya aya.
Ang lawak lawak ng pwedeng paglakaran sa likod ko pa talaga sila dadaan!
Tumikhim na lang ako at nagtimpi, pag nilabanan ko kasi maaaring magkagulo and then magkarambol to the point na makick out ako sa university na to. Advance ako mag isip noh.
" I told yah umalis ka sa dinadaanan namin, you're a dirt nasira tuloy ang araw ko" irap naman ng isang babaeng malamang alagad ni Devil Roxanne. Hmp.
Binalewala ko na lang sila at nilagpasan din ako. Pinulot ko na lang isa isa ang mga gamit na iniluwa ng bag ko. Buti na lang Angel Roxanne ako kaya mabait talaga ako hindi tulad ng demonyitang yon!
" Here" isang pares ng paa ang nasa harapan ko kaya iniangat ko ang tingin ko. Iniabot niya sa akin ang notebook ko. Agad din akong tumayo at inayos muli ang sarili ko kahit na alam kong gulong gulo na ako.
" T-thanks Richard" pautal utal na sambit ko. Shemay! Ang gwapo niya sa uniporme niya ngayon. Nung last time kasi kaming nagkita nung sa cafeteria? Wala pa siyang uniporme nun kasi transferee nga and now he's wearing the campus uniform and he looks so godly.
" Hey" ipinitik nito ang mga daliri niya dahilan para makabalik ako sa reyalidad shet natutulala ba ako?
" Oh my gosh! I have to go" sabi ko sabay hablot ng notebook ko na iniabot at napulot niya sa kung sa'n man tumilapon ito. Agad akong tumakbo, at walang ibang inisip kundi ang maging maaga sa klase namin ngayon.
Ayoko ko kasing nagkakaroon ako ng record of tardiness sa attendance. Kasi scholar lang ako sa university na ito kaya kailangan pangalagaan talaga ang lahat especially grades. Kaya kahit jowang jowa na ako, hindi ko pa rin pinapabayaan ang pag aaral ko.
" Oh bes? Umagang umaga pang alas singko na ang porma mo" bungad sakin ni Loli nang makarating ako sa classroom namin.
Nakaupo siya sa kanan ko at si Miya naman sa kaliwa. Kapag magkaklase kami sa ibang class subjects consistent kaming magkakatabi kahit na may seating plan pa ang professor hindi kami natitibag.
" sorry may dumaan lang kasing bagyo sa labas" tugon ko at umupo sa chair ko na nasa gitna ng dalawa
" Don't tell that demonyitang Roxanne ginambala ka na naman! " wika ni Miya na humugot ng suklay sa bag niya at isinuklay sa buhok ko.
Inayos ko ulit ang uniporme ko pati na rin ang pagkakasuot ko ng Id ko.
" Sshh ano ba hayaan na natin sila kasi karma is a bitch" wika ko naman sa mahinang boses ko. Dahil si Evil Roxanne at ako ay nasa iisang klase lang ngayon.And nakaupo sila sa unahan kasama ng mga alipores niya, while us dito sa second to the last row ng mga chairs. Buti na din toh kasi may distansya sa bruha.

BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Jowang Jowa Na
Teen FictionNAGHAHANAP PO AKO NG BOYFRIEND halata naman sa title diba? -- These days mas marunong pang lumandi ang mga grade 7 students kaysa sa mga katulad ko! Dinaig pa nila akong nineteen years nang nag exist sa mundo wala pa ring fafa na humingi ng mga k...