"Babye Exo-Ls! Hanggang sa muliiiii!" Sabi ni Suho, sa pagtatapos ng Ment nila sa isa nanamang Legendary Concert na nangyari dito sa Pilipinas.
"Wohoooooo! Saranghae Exo!" Sabay sabay naman na sigaw ng mga fans nila, kabilang dito sina Froserfina at Karylle.
Natapos na ang two days concert ng South Korean Boy group na EXO. At pauwi na rin ang mga fans sa kani-kanilang bahay.
Kasalukuyang palakad na palabas ang magkaibigang si Froserfina at Karylle ng maalala ni Froserfina na nakalimutan niya ang kaniyang panyo doon, kaya pinauna nalang niya ang kaibigan dahil may kotse naman ito pauwi. Saka siya bumalik sa concert venue.
Lakad takbo na ang ginawa ni Fros ng hindi niya sinasadyang may mabangga.
"A-aray!"/"Ouch!" Sabay na sabi ng dalawa.
Tumayo agad si Fros at saka tumingala ng makita niyang hindi basta basta ang nabunggo niya. Kung hindi si Suho, si Suho ng hinahangaan niyang grupo na Exo.
Natulala muna si Fros, siyempre sino ba namang di matutulala kung nakabunggo mo ang oh so hot na leader na si Mama Junma? Este Suho nga. Oo nga.
"Sorry po, nasaktan ba kayo?" Sabi ni Fros. Naks ang galang naman.
"Ah hindi, okay lang. Mukhang ikaw pa ang nasaktan e." Sabi naman ni Suho.
"A-ah hindi. Sige mauna nako." Saka umalis si Fros, at kinuha na ang panyo na nakita naman niya agad.
*
BINABASA MO ANG
Once upon a Concert · (Exo Fanfic)
RomanceFroserfina is one in a million fangirls of the South Korean Boy Group, EXO. Little did she know, that in one particular time, when she bumped into them, can change her WHOLE LIFE. Will she bare to risk her life even though it is one of her dreams? O...