Here's an Update hope you'll enjoy!
************************
Kanina pa siya patingin tingin sa ibang direksiyon habang naglalakad papunta sa library kung San daw ang office ni tito Federick. Di na siya nagpasama sa mga katulong doon dahil alam naman niyang may mga ginagawa ang mga to kaya iyon siya at kanina pa nagmumuni muni. May nadaanan naman siyang isang katulong na naglilinis ng mga malalaking paintings at picture frames kaya tinanong niya kung San siya susunod na liliko.
Abay eh grabe naman pala ang Laki ng bahay na ito. Makakaisang araw ka pag balak mong libutin iyon. Magalang namang yumuko at bumati iyong katulong sakanya saka sinagot ang tanong niya kaya naman yumuko din siya at nagpasalamat na ikinataka niya dahil parang nagulat pa ito at sinabihan siyang huwag na daw siyang yumuko.
Nagkibit balikat nalang siya at sinimulang maglakad. Ang sabi nong babae eh malapit na daw. Isang liko nalang at sa living room na kung San malapit iyong study. Nagpasama naman siya dito para naman may makausap siya. Nalaman niyang dalawang taon lang pala itong nagtratrabaho sa pamilyang to at Naida naman ang pangalan ng babae. Nasa may sala na sila ng mahinto naman siya paglalakad. "Bakit po ma'am Erin?" Nagtatakang tanong naman nito ng makitang nakakunot nuo siya habang nakatingin sa isang bagay.
"Naida sabi naman sayong Erin nalang itawag mo sakin." Napapangiwing sabi niya rito. Isa nalang talaga at masusuntok na niya ito. nalaman niya ring makulit pa pala to kesa kay Hans, mana mana lang talaga. Pero teka lang, "kilala mo ba iyong batang iyon?" Turo niya dun sa isang painting na malaki. "S-Si young L-lady y------" tch nagtataka naman siya kung bakit ito nauutal."Yasmine ba?" Siya na ang nagtuloy sa sasabihin nito. "P-pano niyo po alam iyong pangalan niya?" Namumutlang tanong nito sa mahinang boses. " bakit ka bumubulong?" Tanong naman niya rito. Nanatili lang naman itong nakatingin sa portrait kaya naman sinagot nalang niya ang tanong nito.
"ah iyon ba? Kanina sa kwarto." Sabi nalang niya. Nakita naman niya ang pagkagulat sa mata nito. "Hoy anyari sayo? Naistatwa ka naman na ata jan?" Tanong niya kay Naida. "Tch to naman di na nagsasalita sige na salamat Naida ah. Una na ko sa loob kita nalang tayo mamaya." Nakangiting sabi niya rito at pinihit na pabukas Iyong pinto ng study.
____________________
"Hans una kana sa study since ikaw naman may alam tungkol dun sa school thingy ni Erin. Nauna na siguro Si dad and Erin. Akyat ko lang tong Si Tristan." Tumango naman siya sa Kuya niya. Bumangon siya sa pagkakahiga niya sa sofa at sinimulan niyang maglakad papuntang study since malapit lang at isang liko lang naman yon sa family room kung San nandon sila ng kuya niya busy sa kapapanood ng basketball.
Nakita naman niya Si Naida sa may sala ang isa sa mga katulong nila. Ito lang ata ang nakabisado niya ang pangalan dahil naman sa mas makulit ito sakanya at lagi niyang naaasar dagdag mo pang may tililing ito minsan.
"Naida. What are you doing there?" Takang tanong niya rito ng makitang nakatingala ito sa May portrait ng kapatid niya.
"ay multo!" Gulat na sabi nito pero parang mas nagulat ito ng makita siya.
"Sir Hans! Ay he-he. Kayo pala. Sige una na ko pinapatawag ako ng lola niyo." Nagmamadaling sabi nito.
"Not so fast there. Anong sabi mo kanina?" Nagmamadaling tanong niya kay Naida. Nagulat nalang siya ng paulit ulit itong nagsign of the cross. "S-Si ma'am Erin young master Hans." Mabilis na sabi nito at malakas na hinila ang kamay nitong hawak niya sabay nagtatatakbo. "Hey! Naida wait. Come back here! Fine I can still find you. My house remember." Amused namang tinignan niya Ang katulong habang mabilis pading tumatakbo papalayo sakanya.
"Geez what spooked her? She always does that when she is....unless....." Dahan dahan niyang tinignan ang portrait ng kapatid niya. "Sis you know I love you but you do know that I'm pretty much scared of ghosts." Sabi niya sa portrait ng kapatid niya at nagmamadaling pumasok sa study. Nagtataka namang tinignan siya ni Erin na papa-upo palang at ng Dad niya who's about to take a sip of whatever is he drinking. "What's wrong with your face son. Anyways sit down." Sabi ng Dad niya.
______________
"Okay Erin. Tungkol dun sa sinabi namin kanina. We are serious about granting you full scholarship to college. We do understand how you feel. Pero isipin mo nalang na parte ka ng pamilyang ito at ito isa ito sa gusto naming gawin kapalit ng tulong na ginawa mo samin. It's our duty to help you to have a better life kapalit ng buhay na niligtas mo. Kulang pa yan Erin kaya sana naman hayaan mo kaming tulongan ka." Tuloy tuloy na sabi ni Tito Frederick . Don naman siya napaisip. Abay mapilit talaga sila. Pangarap niya ngang makapag tapos ng pag-aaral.
"Since scholar kana din ng villamore foundation. Yeah like me dad tch." Naaasar na sabi ni Hans dun sa huli sa Dad niya na ikinangisi naman ng ginong. "like I said, since you always said na pagtratrabahoan mo, then it'll be good for you if you'll be joining me sa presidents office since we also need another hand in handling some of the paper works or in short you'll be working for the office of the president of our school like me." sabi ni Hans at tumingin nanaman sa Dad niya.
"So how does it sound young lady?" Nakangiting tanong naman ni tito Federick sa kanya.
"Err. Mmm... I forgot about the salary, being the student assistant of the president, you'll receive monthly salary. He's very generous that's why." Nakangising sabi naman ni Hans na halatang inaasar Si tito Federick na ngayon naman ay naniningkit ang mata.
"ahh..yeah,Maybe I'll tell you that some other time." Sabi ni Hans sakanya at nagmamadaling lumabas ng pinto. "oh wait you already said yes right Erin?" Nakangiting paring tanong nito. Tumango naman siya. "Good. Darating na mamaya iyong mga gamit mo." Pahabol pang sabi nito dahil nagmamadali na siyang umalis ng makitang papatayo ang Dad nito. "Hey!. Hans wait. Come back here! Fine we're not done yet. My house remember!." Pahabol na sigaw naman ni tito Federick kay Hans.
Tumikhim naman ito saka tumingin sakanya. "Sorry about that. Pero can I ask you a favor Erin? Na kung sana eh bantayan mo Si Hans baka kung anong kalokohan nanaman ang ginagawa niya sa school." Tumango naman siya kahit nagtataka siya kung anong kalokohan ang sabi nitong pinaggagawa ni Hans, tch baka nga sabayan niya si Hans eh, masaya kasi itong kasama.
"Ah nga pala before I forget. Walang may alam kung sino talaga Si Hans kilala siya bilang Si Harsten jacobes it's a part of their deal ng grandpa niya. And for you to be safe you'll be Erin jacobes as well. Is that okay for you?" Tumango naman siya. Sosyal jacobes, di niya mapigilang ma excite may mga code name pa sila naisip niya, parang ganun lang din iyong setup nila nun ng mga magulang niya, dahil sa naalala niya ay mas naging determinado siyang gawin ang Plano niya, iyon ang pagigihan ang pagtatago at tangapin muna sa ngayon ang offer ng mga Villamore dahil mukhang wala na siyang pagpipilihan. " but what is your full name anyway?" oo nga noh di pa nila Alam kung ano talaga ang buong pangalan niya. " Erina Celestin po." Saglit na nanliit ang mata nito saka biglang napabaling sakanya. "Celestin...." Dinig naman niyang ulit nito sa sinabi niya. May saglit na katahimikan ng bigla itong nagsalita ulit.
"Okay, good luck young lady, bukas isasama ka ni mama para mag shopping ng mga gamit mo....and oh she doesn't take no for an answer. So best of luck. You can go now pwede kanang magpahinga. Makakasama sayo ang magpuyat." Sabi nito. "salamat po tito mauna na ko." Nakakailang man bigkasin pero kelangan na niyang sanayin ang sarili niya pero di siya masiyadong magpapakomportable kung anong bagay meron siya ngayon na binibigay nila.
***************************
Yey I know right! Malapit na silang pumasok sa school.....ako rin -__-....but anyway next chapie would be Erin's Make-over so yeah abangan!...........the usual drill guys, spread the word..."Missing Reflection"....fighting! ^__^.....update?-->on Wednesday.

BINABASA MO ANG
Missing Reflection (on hold/editing)
ActionRoses for the scent of love, chocolates for the sweetness of affection and balloons for the long run......NANINIWALA parin ba kayo sa mga ito?...Well I do....CLICHE right?....for you but not for LOVE....there's no cliche in love...but in wrong choic...