Luke Pov
kanina ko pa gustong sapakin si kenjie kaso pinipiggilan ko lang
hindi ko alam kung bakit ganto yung nararamdaman ko pero parang kakaiba eh.
naglalakad na kami nila john papuntang field para magpractice
"Pare umamin ka nga gusto mo ba si Heart?"tanong sakin ni drew.
huh gusto ko nga ba siya gusto kong sabihing hindi kaso diko masabi.
"hindi ko alam"yan nalang yung nasabi ko.
"pare kung ako sayo uunahan ko na si kenjie mahirap na baka maunahan kapa nya!"sabi naman ni john
"ewan ko"ano bang sagot yun.
"pare inlove ka nanaman for the second time par!"sabi ni drew
oo For the second time kasi yung first girlfriend ko iniwan ako pero hanggang nayon mahal ko padin sya tas simula noon lagi na akong nangbabae dahil iniwan nya ako.
"pare kung ako sayo sundan mo sila!"sabi naman ni john, walang pasabi-sabing tumakbo ako at pumunta sa kotse ko sabay andar.
saan ko nga ba sila makikita?
'ate kaye mamaya samahan mo ako sa mall ah'
tama sa mall
pumunta agad ako sa pinakamalapit na mall at sa di kalayuan nakita ko silang papasok ng bookstore
naghiwalay sila ni riyelle buti naman. Kukunin nya sana yung keychain na hello kitty kaso bigla kong hinablot agad.
"Mokong!?"
"hey lesbi ako unang nakahawak nito!" palusot ko sa kanya para tuloy akong bakla kasi bibili ng keychain na hello kitty haha.
"hoy karin mokong! ako kaya unang nakakita nito!"
"Ibigay muna"sabi ko ulit. Sarap niya talagang asarin ang cute niya haha.
"ayoko nga ako unang nakakita nito eh!"
"ano naman."sabi ko, kailangan di niya ko mahalata ang kulet din.
"bat kaba nandito! siguro sinusundan moko no?"sabi biya tas kumunot yung nuo. Hala baka nahakata niya kailangan ko mag-isip ng palusot agad.
"hindi ah asa ka naman hindi ko kayo sinusundan at saka malay ko bang dito kayo pupunta."sabi ko buti nakaisip ako agad ng sasabihin ko. Ang cute talaga nito.
"eh pano mo nalaman na may kasama ako!?" Sabi niya. Ang bobo rin nito minsan. Section A pa naman din sayang haha.
"malamang kasama mong umalis si kenjie kanina sa school! ang panget na nga ni Kenjie pati pangalan ang panget din!" Sabi ko,ang panget naman kasi talaga nya pati ng name nya hahaha.
"eh ikaw ang panget mo,pangalan mo rin panget,isama mo na yung ugali mo sobrang panget!"sabi nya, naku amazona talaga tong lesbi na.
"Ibibigay mo ba to saken? akin na kasi!"
"ayoko nga!"
"Mam,Sir wag po kayong mag-away marami pa po kaming stocks niyan!"sabi nung saleslady
"Eh gusto namin ito eh!"sabay naming nasabi ni lesbi.
"ay sorry po ate, hindi ko nalang kukunin!"tas umalis na sya
"sir kukunin nyu po?"
"hindi na rin!"tas sinundan ko ulit si Lesbie ng hindi niya nahahalata.
nagkita na sila ni kenjie panget, nagulat ako kasi bigla siyang hinawakan ni kenjie sa pisnge. Naku makaaalis na nga baka hindi ako makapag-pigil masuntok ko to! Pero bakla mang pakinggan nagseselos ako kapag may kasama siyang iba.
siguro nga mahal ko na si lesbi.
umalis nalang akong mall at pumunta nalang sa bar
iinom nalang ako ng kaonti para mahimasmasan sa nakita ko kanina.
___________
End of chapter 30