Singco

2.8K 68 6
                                    

Chapter Five

Frenzy Mints

"Kumain ka na?" Napaangat ako ng tingin mula sa dinodrawing ko kay Rico. Maayos na maayos ang tuxedo nito at nakangiti. Iniligpit ko ang mga gamit ko at ngumiti sa kanya.

"Lunch?" I asked. Napatingin ako sa wrist watch ko, 11:30 na pala.

"Oo, gusto mong sumabay sakin?" He asked.

"Sige tutal hindi na daw ako sasama kay boss ngayon kasi may date siya." I said. Halos mapangiwi ako sa sinabi ko. Kala ko ba umiiwas na yun sa mga babae? A playboy will always be a playboy nga naman. Hindi na nagtino kawawa naman yung fiancee niya.

"Oh sige, tara na. Sa labas na tayo ah?"

Tumango ako, "Si Emily nga pala bakit hindi mo kasama?"

Biglang sumama ang mood niya na parang naiinis siya sa simpleng pagbanggit ko ng pangalan ni Emily. Is it about what happened the other day? Bakit kaya hindi niya magustuhan si Emily eh maganda naman yun, sexy, matalino, mabait.

"May kasama na yung iba maglunch."

Napataas ako ng kilay, friendly naman talaga si Emily kaya hindi na nakapagtataka kung makahanap yun ng group of friends.

Napabuntong hininga na lang ako. Kinuha ko na yung bag ko at inayos ang sarili ko.

"Tara na? Saan tayo ngayon?" I asked. Tumigil muna siya saglit sa harap ng office ni boss at kumatok. Hinila niya ko papasok kung saan naabutan namin si Boss na nagsusuot ng coat. Siguro paalis na rin siya.

"What is it?" Kunot noong tanong ni boss habang nakatingin sa kamay naming magkahawak ni Rico. Naasiwa tuloy ako kaya tinanggal ko yun.

"Boss, ipagpapaalam ko lang si Candice, sakin na siya sasabay maglunch." Rico said at umakbay pa sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay boss, hindi na maipinta ang itsura niya ngayon.

"No. You stay here Candice. May pupuntahan tayo." Patay malisyang sabi nito. Nalaglag ang panga namin ni Rico sa sinabi niya.

"P-pero may date po kayo diba?" I asked. Yun kasi sinabi niya kanina. That I could go with Emily na lang ngayong lunch tutal may lakad siya. Ano ba naman toh? Paiba-iba ng desisyon!

"I cancelled it. You can go back to your office. I'll talk to Rico." Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa boses niya. Parang may hindi maganda siyang gagawin. Pinihit ako paharap ni Rico sa kanya.

"Sige na next time na lang." He smiled. Napanguso na lang ako kaya as usual pinoke niya yung cheeks ko at bahagyang kinurot yun. "Balik ka na dun, mapagalitan pa tayo." He whispered. Tumango na lang ako at lumabas ng office ni boss. Nakakainis naman! Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng isa pang kaibigan eh! Grrrrr!! I hate it! I hate it! I hate it!

RICO's POV

Napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood si Candice na lumabas sa office ni Zeus. Tumingin ako kay Zeus na ngayon ay poker face ulit. Nakakainis. Panira talaga itong lalaking toh. Kung hindi lang kami talaga magkabarkada matagal ko na tong sinuntok.

"Ano na naman bang trip mo Zeus?" I asked.

"May gusto ka ba kay Candice?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. That's ridiculous. Impossible!

"Are you insane?! Anong pinagsasabi mo? Sinisira mo diskarte ko eh!" I said at pabagsak na umupo sa couch. Niluwagan ko yung necktie ko.

"You're acting like you're interested on her." Matigas na sabi nito.

"Yes! Definitely I am interested on her. But that not exactly mean that I like her. Kung hindi lang talaga kita kilala Zeus I would think you're jealous." Tinignan niya ko ng masama kaya natawa na lang ako.

ZEUS: Bachelor's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon