Okay third day of class na. Nag-skype kami kahapon ni Richard at sinabi ko sakanya yung magiging plano ko.Ang plano ko kasi ay pipigilan kong wag magkagusto kay Vladimir, pipilitin wag ma-fall. At sabi naman ni Richard tutulungan niya ako.
Nasa room na ako at ako ulit ang nandito wala pang kahit na sino. Nakayuko ako sa upuan ko dahil inaantok pa ako pano ba naman kasi ang ganda ng kwento nung That Promdi Girl by Owwsic sa wattpad kaya alas-tres na ako nakatulog tapos gigising ako ng alas-kwatro tibay diba.
"Matutulog nga muna ako. Maaga pa naman. Mamaya pa ang mga classmates ko." Sabi ko sa sarili at natulog na talaga.
Vladimir POV
Pumasok na ako sa room at agad nakuha ng atensyon ko si Sammy na nakayuko at parang tulog. Lumapit ako sakanya at saktong paglapit ko ay napaharap siya saakin.
"Asan kaya boyfriend neto?" Sabi ko at tumabi sakanya.
"Richard ang lamig." Sabi niya na parang nananaginip.
"Best friend lang pala huh."
Pakiramdam ko nilalagnat siya dahil namumutla ito at parang ginaw na ginaw eh hindi pa naman bukas ang aircon dito sa room. Hinawakan ko ang noo niya at hindi nga ako nagkamali may sakit siya.
"Kawawang Sammy pinapabayaan ka ng boyfriend mo."
Binuhat ko siya na pa-bridal style kahit naman papano may concern parin ako sa tao na nasa paligid ko kahit snob ako. So yun nga bitbit ko na siya papunta na kami sa pinto ng may nagbukas nito at si Richard yun.
"Pre san mo dadalhin si Sammy?" Tanong agad niya saakin.
"Sa clinic. Nilalagnat girlfriend mo." Sabi ko
"Hayss akin na si Sammy." Inabot ko sakanya si Sammy na parang baby na pinagpasahan namin.
Naglakad na siya papuntang clinic at sumunod naman ako. Di ko alam bakit ako sumusunod pero basta ang alam ko nagaalala ako kay Sam?
Huh? Ako nagaalala sa Sam na yun?
Ewan!
Agad naman inasikaso ng nurse sa clinic namin si Sam.
Si Richard paikot-ikot nakakahilo, ako nakatingin lang kay Sam na nanginginig na sa sobrang lamig. Nakakaawa siya.
"Anong nangyari, pre" Tanong ni Richard
"Aba ewan ko. Kasi pagpasok ko sa room nasa likod siya parang natutulog tapos lumapit ako sakanya tapos paglapit ko umupo ako sa tabi niya tapos bigla niyang sinabi yung pangalan mo parang ganito "Richard, ang lamig" ganun yung sabi niya tapos nanginginig siya eh hindi naman bukas yung aircon sa room tapos kinapa ko yung noo niya at mainit nga siya."
"Salamat pre ah."
Hinila ko siya palabas dahil may itatanong ako sakanyang importante at wala dapat ang makarinig.
"Bakit?" Tanong niya.
"Magusap nga tayo lalaki sa lalaki."
"Anong paguusapan?"
"Kayo ba ni Sammy? Kasi 'pre hindi ka na nagku-kwento saakin eh simula ng lumipat yan dito. Parang nawala yung pagiging magkaibigan natin. 'Pre almost 10 years na tayong magkaibigan ngayon ka lang naging ganyan."
"Sorry 'pre namiss ko kasi si Sammy magkababata kami nun pero lumipad sila papuntang states tapos nabalitaan ko na lang na naaksidente siya kaya nawala yung mga alaala namin nung bata pa kami. Mabuti na lang at naging mag-schoolmate kami nung grade school. Sorry talaga 'pre. Hindi kami, walang kami. Magkaibigan lang talaga kami."
"Umamin ka na 'pre kilala kita nagsisinungaling ka. Gusto mo siya tama?"
Natahimik siya at yumuko.
"Tama ako diba. Di ka makasagot 'pre kilalang-kilala na kita. Gusto mo tulungan kita?"
"Wag na 'pre kaya ko na aamin na ako next week. Baka sayo pa mahulog si Sam at hindi saakin."
Sabi niya yun at parang may binulong siya sa bandang dulo pero hindi ko na narinig eh.
"Galingan mo 'pre." Sabi ko sakanya at umalis na dahil inaabangan pala ako ni Mae sa room kanina pa text ng text.
Magkaibigan kami ni Mae. Gusto ko siya pero kaibigan lang turing niya sakin. Sakit men friend zone ang poging Vladimir. Niligawan ko siya nung grade 7 pero sabi niya friends lang daw muna tinanggap ko naman ang desisyon niya.
"San ka galing?" Tanong sakin ni Mae ng magkita kami sa room.
"Sa clinic nilalagnat si Sammy."
"Ayos lang ba siya?"
"Oo nandun naman si Richard. Gusto mo puntahan natin siya ngayon mamaya pa namang 8 am ang first subject natin eh."
"Sige gusto ko siyang makita."
Naglakad kami sa hallway yung mga boys na madadaanan namin nakatingin kay Mae ang ganda niya naman kasi talaga sobra.
Nang makapunta kami sa clinic ay agad siyang pumunta sa higaan ni Sammy pero pinigilan ko siya dahil nakita namin sila Richard at Sammy mabuti at gising na siya tapos si Richard naman hawak ang kamay ni Sammy. Nice one bro!
"Ayos ka na ba?" Rinig namin ni Mae mula kay Richard. Nakasilip lang kami ni Mae kung saan hindi kami kita nila Sam.
"Oo ayos lang. Medyo masakit lang ang ulo ko." Sabi naman ni Sam
"Bakit? Nagpuyat ka ba?" Tanong ulit ni Richard.
Tumango lang si Sam at pinitik ni Richard ang noo ni Sam.
"Alam mo ng bawal kang magpuyat tignan mo nangyari sayo. Nagkasakit ka tapos masakit ulo mo. Anong pinagpuyatan mo? Wattpad nanaman 'no?"
Tumango ulit si Sam.
"Vladimir, baka pwedeng mamaya na lang tayo pumunta kasi mukhang busy sila." Sabi ni Mae na nakatingala saakin.
"Sige mamaya na lang."
At nag-abang na lang kami sa labas
Richard POV
"Sorry na." Sabi ni Sam pagtapos ko siyang sermunan.
"Hay naku. Wag ka na ulit magpupuyat ah."
"Yes boss." Sabi niya at nag-salute pa.
Bawal kasi sakanya ang magpuyat dahil agad siyang lalagnatin at sasakit ang ulo. Pero makulit eh nagpuyat pa din. Minsan nga tanggalin ko ang wattpad app niya sa phone ng di na makapag-basa, ay pero wag na baka magalit saakin di pa ako pansinin.
"Salamat nga pala sa pagdala sakin dito sa clinic ah." Sabi niya ng nakangiti. Sheeet ang ganda niya.
"Ok lang wala lang yun. Wag ka na ulit magpupuyat ah."
YOU ARE READING
Its only a DARE
Teen FictionSi Sammy na agad nagkagusto sakanyang classmate na si Vladimir. Paano kung ang mga kaibigan nilang dalawa ay malakas ang tama at pinag-dare sila? Gagawin kaya nila? Ano din kaya ang dare?