Tell me her name
I want to know
The way she looks
And where you go
I need to see her face
I need to understand
Why you and I came to an end"I'm tired so please? Wag ngayon!" nagagalit nyang sabi habang tinatanggal ang neck tie nya, tumalikod na lang ako dahil nag uunahan na naman ang mga luhang pilit kong wag ipalabas. Nasasaktan ako, sobrang nasasaktan ako.. Pero kailangan ko syang I confront ano man ang maging resulta tatanggapin ko, kakayanin ko.
"Mahal mo pa ba ako Jech? Ako pa rin ba?" kasabay nun ay ang pagyakap ko sa kanya habang nakatalikod syang nakahiga sa kama, nakatalikod sakin.
"Umuwi ka na Belle, I told you pagod ako. Bukas na lang.." naramdaman ko naman ang mga kamay nyang hinawi ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kanya, kahit dahan dahan masakit, pinapatatag ko lang ang sarili ko, alam kong kaya ko to. Maaayos pa namin to, maayos ko pa to.
"Tell me her name, Jecho." Lakas loob kong tanong, hindi ko naman aasahang lilingon sya sa gawi ko dahil gusto ko lang malaman ang pangalan nya, gusto ko syang makita, gusto kong malaman kung san ka nagpupunta sa twing wala ka sa tabi ko, sa twing sinasabi mo saking busy ka, kailangan kong maintindihan kung bakit parang kahit katabi kita ay parang ako paring mag isa.
We've been together for almost 8 years, you're my childhood sweetheart, puppy love, first love, my greatest love, just please wag naman sanang ikaw ang magiging the one that got away ko Jecho, engaged na tayo and 1 year from now ikakasal na tayo, we were so in love to each other kaya di ko malaman kung bakit dumating tayo sa puntong nakakaya mo na akong saktan sa kahit ano mang paraan na dati hirap na hirap kang wag akong paiyakin.
"It's Vienna,Vienna Martin. Ano? Okay na? Gustong gusto mong marinig eh di fine, ano? Masaya ka na? Pwede ng manahimik?" sabi nya habang naka upo sa kama,gusto ko syang sampalin, sumbatan dahil sa ginawa nya pero di ko kaya, mas nanaig yung pagmamahal ko tangna lang. Kaya huminga na lang akong malalim at pinunasan ang mga luhang kanina pa nag uunahan sa pagtulo. Ngumiti ako kahit umiiyak sa harapan nya, pinapaintindi sa kanya na okay lang, maaayos pa namin to. Dahan dahan akong lumapit sa kanya, lumuhod sa harapan nya kasabay ng paghawak ko sa dalawang kamay nya then I kissed him on the lips and hoping na sana tumugon sya pero wala, wala lang para sa kanya, hindi ko alam pero sobrang mahal na mahal ko lang talaga sya to the point na nakalimutan kong myself deserve to be love more... and more.
"We can still fix this babe, right? I'll see you tomorrow. Good night.." at iniwan syang naka upo pa rin at nakatingin sa bintana, habang bumababa ako ng hagdan ay nakikita ko ang mga tingin ng katulong nila, naaawa para sa kin, ako rin naaawa na sa sarili ko pero bakit patuloy ko paring ipinipilit ang isang bagay na ayaw na sakin? Hindi ko alam, hindi ko alam kong makakaya ko ba kapag nawala sya.
Tell me again
I want to hear
Who broke my faith in all these years
Who lays with you at night
When I'm here all alone
Remembering when I was your own"Okay lang ako Dwayne, we can still fix this.." sabi ko ng mahinahon habang nasa park kami, napilitan akong sabihin sa kanya ang lahat kasi hindi talaga sya titigil hanggat hindi nya alam, dahil ganun sya pagdating sakin.
"Fix what Belle? Are you insane? Isang taon ka na nyang niloloko pero hindi mo pa rin iniiwan, hindi na pag ibig tawag dyan.. Tapusin muna habang maaga pa belle."
"It's too late Dwayne, dumating na kasi sa puntong hindi ko na kaya ang mabuhay ng wala sya. Naka plano ang lahat, kasal na lang nga kulang Dwayne, kasal na lang kaya hindi ko sya iiwan. Siguro nga nababaliw na ako, ganun naman kapag mahal mo diba? Handa kang masaktan kasi mahal mo, kung sexy ang babaeng yun dodoblehin ko pa ang pagiging sexy ko, maganda sya? Mas hihigitan ko pa, matalino? Kaya ko pang mas maging matalino, kung kinakailangang ibigay ko rin yung kailangan nya ibibigay ko wag nya lang akong iwan.." pagpapaliwanag ko sa kanya, umiiyak ako kasi alam ko mismo sa sarili ko na mahirap, pero dahil mahal ko mag sstick ako kahit anong mangyari.