Zayke's POV
Kanina pa ako pabaling-baling nang higa hindi parin ako makatulog.Kahit anong gawin kong pagpikit ay wala paring epekto.
Sa sobrang tahimik nang paligid ay nakakabingi na kaya padabog akong napabangon at lumabas nang kwarto pero kahit sa labas ay sobrang tahimik narin.Ako na lang yata ang natitirang gising.
Tinahak ko daan papuntang elevator.Sana naman sa pupuntahan ko may mga tao pa,nakakabagot na kasi.
Pumasok ako sa nag-iisang pintuan nang 10th floor at hindi nga ako nagkamali.Kung gaano karami ang tao dito nang iwan ko ito ganoon parin hanggang sa pagbalik ko.
Umupo ako sa madilim na sulok at medyo malayo sa mga taong tila lasing na.Napatingin ako sa pwesto na kanina'y ukopado ni Savvine at ngayon ay bakante na ito.Baka natutulog na ito ngayon.
“Cheers guys!”
Kahit tumutogtog ang banda sa harap ay umabot parin sakin ang masayang tinig nang isang babae na parang pamilyar sakin kaya hinanap ko ito.
And I saw her,raising a glass in front of a couple na nag-oorder yata nang drinks.
Oh God,she's still here!
“Congratu...lation for...your long lasting... love!”And drunk!
Maya-maya pa'y pagiwang-giwang na siyang naglakad pabalik sa upuan niya.Halos matalisod pa ito dahil sa kalasingan ngunit mabilis namang sumaklolo ang couple na kanina ay kausap niya.Napangiti siya sa mga ito as she mumbled a ‘thank you’.
Babantayan ko na lang sana ito sa malayo ngunit napansin ko ang dalawang lalake na kanina ay nakamasid lang,na tumayo habang nakatingin parin sa direksyon ni Savvine.
Napatayo na ako at mabilis na naupo sa bakanteng upuan katabi nang babae.Sa kilos pa lang nang dalawang 'yon ay halatang wala itong gagawing maganda.
Omorder muna ako nang wine bago nilingon ang dalawang lalake.Nalukot ang mukha nito at galit na nakatingin sa direksyon ko habang nakangisi lang ako.Dismayado itong muling naupo saka ininom ang alak na hawak.Ang hina kasi.
I smiled mischievously at liningon ang babae sa tabi ko.
“Hi!”
Muntik pa akong mabulunan nang makitang nakatitig na pala siya sakin habang nakangiti.
“Zayke..”
It felt so nice to hear her saying my name and a little bit weird but a good weird actually.
“Y—you..came back.”Nauutal narin ito dahil sa kalasingan.
“You're drunk.”
Napahagalpak siya nang tawa kaya napangisi na lang ako.Para siyang baliw kung malasing ang lakas tumawa nang hindi naman nakakatawa.
“You should take a rest kanina ka pa nandito.”
“Don't worry Mr.Itzel.I'm just having fun.”Tuluyan siyang humarap sakin while crossing her legs and her chin resting on her hands.Kahit ano yatang porma niya ang cute niyang tingnan.
Nakangiti siya habang nakatitig sakin ang mapupungay niyang mga mata.Hindi ko na lang siya pinansin pero ilang segundo pa'y nakatitig parin siya.
“Anong ginagawa mo?”nakakunot-noong tanong ko.
“Staring at you.”diretsang sagot niya habang mapanuksong ngumiti.
“Adorable.”mahina kong sabi atsaka napangiti.Ang lakas nang loob nang babaeng 'to ngayon ah!Kung alam lang niya kung gaano ako naaapektuhan sa mga ginagawa niya.
“Tara,ihatid na kita.”tumayo na ako ngunit muli siyang humarap sa counter at ginawang unan ang mesa.“I'm just drunk,Zayke.Hindi to nakakamatay.”she mumbled.
“Pero marami ka nang nainom.”
“Akala ko mapapasaya ko na ang mama ko dahil may nagmamahal na sakin.”dulot nang kalasingan niya kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya.She might spill out her biggest secret na pagsisihan niya pagdating nang umaga.“I thought this is my time at maging proud na silang lahat sakin dahil nakatagpo ako nang lalakeng pasok sa panlasa nila.But Zain just ruin it all.”
Muli akong naupo sa harap niya at pinagmasdan siya.“You don't have to love someone or be with someone just to pleased everyone kasi in the end wala rin silang maitulong sayo kapag ika'y nasaktan.”
“Sa tingin mo,mali bang pinagkatiwala ko kay Zain ang buhay ko?”tanong niya.This time maayos na siyang nakaupo at nakaharap sakin.
“Yes.”sagot ko kaya napanguso siya at napayuko.“because Zain is still a stranger.Sabihin na nating mahal niyo talaga ang isa't isa but it doesn't change the fact na hindi niyo parin lubusang kilala ang isa't isa.”
“So,mali ring pagkatiwalaan ka?”
Natigilan ako sa naging tanong niya.Hindi ko inaasahan iyon.Ininom ko ang laman nang basong hawak ko bago siya sinagot.
“Don't worry I won't hurt you.So safe ka sakin.”sagot ko.“I can do everything just so you won't get hurt emotional or physical.But there's too much risk.”
“Don't worry I won't ask your help ever again.”Akala ko hindi na siya nakikinig dahil bigla siyang natahimik nakatitig lang pala siya sakin.
Itinuon ko na lang ang atensyon sa harap habang nakatitig parin siya sakin.Pagod na pagod na ang kanyang mga mata ngunit parang wala pa yata siyang balak magpahinga.
“Sabi ni Dax gusto mo daw ako.”
Tuluyan akong nabulunan sa sinabi niya.Sino naman yong Dax?!At bakit niya alam na may gusto ako kay Savvine?
“Hindi mo sana dapat malaman yan!”napamura pa ako.
“Ano b–bang ginamit...mo sa mukha mo...at ang p–pogi mo?.”Ah,yeah I remember she's drunk.
I sigh in relief.Makakalimutan din niya lahat nang 'to pagdating nang umaga.
Tumayo na lang ako't pinasan siya sa balikat ko.Wala yatang balak matulog ang babaeng 'to hanggat hindi maihahatid sa higaan nito.
“Zayke!Put...me..down!”sigaw niya pero parang naging bulong narin 'yon dahil sa kalasingan niya.
Nagpumiglas pa siya kahit hinang-hina na siya.
“Wag ka ngang maglilikot,ang bigat mo pa naman.”reklamo ko.
“I hate it kapag sinabi mong wala kang pakialam sakin...”she mumbled. “pero ang totoo you care for me more than I do.I hate it when i feel safe beside you...cause I know it will eventually end.”
Hindi ko napigilang mapangiti.Hindi ko alam na kaya kong gawin yon,make someone feel safe at sakin talaga na konting panahon pa lang niyang nakasama.She even asked help from me...from her boyfriend's friend.I think hindi talaga gumagamit nang utak ang babaeng 'to.
Nakapasok ako sa kwarto ni Savvine with the help of that young boy na nasa hallway na naman.Siya yong natanungan ko kanina nang hinanap ko si Savvine.I wonder kung bakit andon parin siya eh gabing-gabi na atsaka sobrang bata pa niyang tingnan para maging staff nitong hotel.
Gaya kanina'y ngiting-ngiti parin siya matapos kong mapasalamatan.
Wala parin si Zain nang makapasok ako.Wala talaga siyang pakialam sa girlfriend niya,hindi man lang nito kinumusta si Savvine at kung nakakain na ba ito.Well,ano pa bang aasahan ko.He's always like that.Walang pakialam sa feelings nang iba.
Naihiga ko na si Savvine sa sarili nitong higaan ngunit hindi ko napigilan ang sariling titigan siya.
She's too innocent to get hurt.Too beautiful tapos paluluhain lang ni Zain?Hindi man lang niya na-realize na madudungisan niya ang pinaka-magandang babae na dumating sa buhay niya.
Kung sana nakilala ko lang siya bago niya nakilala si Zain,hindi sana siya magkakaganito.Actuality I didn't care about her at first but after I hear her wept,saw her shoulder tremble and her tears as it fall down from her eyes,she's stuck in my mind.
And I badly care for her but as I've said there's too much to risk lalo pa at inaasahan ako ni Dad.
I kissed her in the forehead at inayos ang nagulo niyang buhok bago ako tumayo at lumabas nang kanyang kwarto.
BINABASA MO ANG
Escaping With Him
RomanceNang malaman ni Savvine na ginamit lang siya nang kanyang boyfriend,binalak agad niyang tumakas. She asked help from Zayke,her boyfriend's friend na simula pa lang pinaramdam na nitong wala itong pakialam sa kanya. Troubled thoughts, goons with guns...