Chapter 18

20 1 0
                                    


Savvine POV


Hindi ko alam kung ilang oras akong naglakad sa ilalim nang araw at hindi ko rin alam kung saan ako tutungo.Basta't tuloy-tuloy lang ang aking paghakbang.

Humanap ako nang mapahingahan nang nakaramdam na ako nang pangangawit ng paa.Napatingin ako sa paligid pero hindi na ito pamilyar sa akin,lahat na lang nang nakikita ko puro building.Nakalayo na pala ako hindi ko man lang namalayan.

Kinapa ko ang bulsa ko pero wala akong nakuha dito kahit piso man lang.Pati cellphone ko naiwan ko sa loob.

Paano ako makakalayo nito kay Zain kung wala akong kahit kunting pera!Kabaliwan yata kung tatakas takas pa ako tapos hindi rin pala ako makakalayo dahil sa panghihina ko atsaka ang layo ni Red kung lalakarin ko yon!

Napalingon ako sa dinaanan ko.Babalik na lang ako kapag wala na si Zain.Maaring ikapahamak ko 'to but I need to go back kailangan ko lang mag-ingat.

Ilang minuto na naman akong naglakad pabalik sa hotel,hindi naman ito mahirap hanapin malaking pangalan na nakapaskil sa harapan nito.I take the stairs to avoid na makasalubong si Zain if ever.

Pagdating ko sa palapag nang kwarto namin ni Zain ay sinilip ko muna ito mula sa malayo at nakitang nakasarado ito.

Sumandal muna ako sa pader to take a deep breath.

“Inhale...exhale..” I compose myself and turn around para sana puntahan na ang kwarto ko pero napaatras na lang ako nang may mabangga akong tao.

“Sorry.”I mumbled bago napatingin sa nabangga ko.

“Are you okay?”

“Zayke—”napaatras ako sa pagkabigla nang makita siya.Ang una kong naisip ay baka nasa malapit lang si Zain kaya mabilis ko siyang tinabig at sinilip uli ang kwarto.

“Nakaalis na siya kanina pa.”

Nakahinga ako nang maluwag bago muling sumandal sa pader.Napatingin ako sa kanya at nakita siyang nakakunot ang noo habang tinutunghayan ako.

“Sasabihin mo ba kay Zain na andito ako?”

“Why would I do that kung alam kong ikakapahamak mo yon?”

Napangiti ako sa naging tugon niya.Akala ko ba wala siyang pakialam sakin?
“Nag-aalala ka sakin?”

He stiffened a bit pero napailing na lang siya nang pang-asar ko siyang ngitian.

“Mukhang okay ka naman hindi ko na kailangang mag-alala.”

Mas lalo lang lumapad ang ngiti ko nang inamin niya na talaga.He cares for me.

“But I wonder,you didn't change your dress.”napangiwi pa siya.

I never had a chance na magpalit nang damit dahil nga sa nangyari kanina,kaya yong suot ko galing kay Red ay siya paring suot ko hanggang ngayon.

I glared at him.“Paki mo?”saka ko siya tinaasan nang kilay.Pero tumitig lang siya sakin kaya napayuko nalang ako.Nanghihina ako sa mga titig niya.

Napaupo ako bigla sa sahig nang pakiramdam ko ay bibigay na ang mga tuhod ko sabay nang pamamawis ko nang malamig.Hindi pala sa titig ni Zayke ako nanghina kundi sa tiyan kong walang laman simula pa kagabi.

“Sumunod ka sakin.”bigla na lang niyang utos at nauna nang naglakad.

Grabe, kita na ngang nanghihina ako,may gana pa siyang mag-utos!Kaya ang ginawa ko'y tiningnan lang siya habang papalayo.

Bigla siyang huminto at liningon akong nakataas ang kilay.“Ano pang ginagawa mo dyan?”

“Zayke naman eh,magpaka-gentleman ka naman minsan!Ang hina na nang Matawan ko,alalayan mo naman ako pwede!”

“Tsk.Ang bigat mo kaya!”at nagreklamo pa siya!pero naglakad na lang din sya pabalik sa direksyon ko.

“Saan ba kasi tayo pupunta?”

Hinila niya ang kamay ko kaya kumapit ako sa braso niya at mahinang tumayo.Hinawakan niya ang bewang ko pero agad ko rin itong tinabig dahil pakiramdam ko nakukuryente ako.It's not the first time na hinawakan niya ang bewang ko pero bakit may kuryente na ngayon?

He stared at me as if asking if I really need help kaya nginitian ko na lang siya nang tipid.
“Ako na lang ang hahawak sa braso mo.”

Tumango na lang siya at sabay na kaming naglakad patungong elevator. Pero umiikot ang paningin ko kaya napahinto na naman ako.Hinawakan niya ulit ang bewang ko at itatabig ko sana ulit ito nang galit siyang tumingin sakin.

“Mag-iinarte ka pa eh halos hindi ka na nga makatayo eh!”

Hindi na lang ako pumalag at hinayaan ang kamay niya sa bewang ko kahit ang awkward na nang pakiramdam ko.

“Alam mo?”tanong ko na ang tinutukoy ay yong nangyari samin ni Zain.

“Oo.”maikli niyang sagot.



Dinala ako ni Zayke sa restaurant nang hotel mismo pero naka-order na kami at nakakain ay hindi niya na ulit ako kinausap.Parang naging invisible na ako sa kanya.

Galit ba siya?

“Galit ka ba?”naitanong ko rin ang nasa isip ko.

“Why did you do that?”bigla na lang siyang nagtaas-boses.

“Ang alin,ang magtanong?”

“No!idiot.”he lean forward as he said those words.Sandali siyang natahimik at umayos nang upo.“Hindi mo sana siya ginalit.Hindi ka sana tumakas tapos babalik ka rin pala.”

“I'm just trying to save myself from death.”I said,glaring.

“Eh bakit bumalik ka pa?Gusto mo talagang mamatay ano?”

“Lahat nang meron ako naiwan sa loob.”napanguso na lang ako.

“Mas importante ba yon sa buhay mo?”hindi na siya nagtaas nang boses pero alam kong galit parin siya dahil sa paraan nang pagsasalita niya. Nagpatuloy siya sa pagkain pero makulimlim parin ang kanyang mukha.Minsan nga nakita kong tino-torture niya ang kanyang pagkain bago isinubo yon.

“Wala akong pera!Paano ako makakalayo non!”

“You're crazy.”he mumbled pero narinig ko naman kaya nginitian ko na lang siya.May pinagdaanan yata itong mas malala kaysa sakin.

“Kunin mo na lang ang gusto mong kunin pagkatapos mong kumain.”sabi niya nang Hindi man lang tumingin sakin.“Tapos umalis ka na bago ka madatnan ni Zain.”

Nanahimik na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.Ngayon lang nagsi-sink in sakin ang lahat.Starting all over again pala ang peg ko nito.Hindi ako nasaktan na hindi niya ako minahal,maybe a little bit lang hindi ko rin alam kung bakit.Ang sakin lang masyado kong denepende ang future ko sa na kasama siya kaya nakakalungkot isiping magsimula na naman ako,ng mag-isa.

“What are you doing?”

Nagbalik ako sa diwa sa galit na boses ni Zayke.Napahinto pala ako sa pagkain kaya ayan galit na naman siya.

“Diba sabi ko bilisan mo at baka maabutan ka ni Zain!”

“Oo na!”

Pinunasan ko na ang sariling mga kamay at tumayo na.Since kating-kati na siyang mawala ako sa paningin niya eh di aalis.Pwede naman niyang sabihin nang maayos bakit kailangan pagtaasan pa niya ako nang boses.

Escaping With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon