Savvine POV
Iniwan ko na si Zayke at bumalik ako sa loob.Kinuha ko ang alak na dala-dala nang waiter at diretsong nilaklak yon. Napangiwi na lang ako sa lasa nito.Ayaw ko sa lasa nito pero kailangan ko nang lakas nang loob to last this night and at this moment ito mismo ang nakapagbigay sakin no'n.
Hinanap ko ang kinaroroonan ni Zain at nakita siyang ngiting-ngiti habang kausap ang iba pang mga guest ni Mr.Callistro. Pero halatang peke na ang ngiti nang mga kausap niya.I guess my plan works.
Sandali akong napaisip kung anong susunod kong gawin pero ang ingay kaya hindi ako makaisip nang maayos.Tumayo ako at tinungo ang Comfort Room para magkaroon nang sandaling katahimikan ang isip ko.
As I was on my way,bigla na lang may humawak sa braso ko,paglingon ko'y isang hindi pamilyar na mukha ang tumambad sakin.
“My lady,can we talk?”halatang-halata sa boses nito ang kalasingan.Para namang walang pinag-aralan ang taong ito,ang aga pa lasing na.
Nagpumiglas ako pero talagang malakas ang pagkakahawak nito.
“Don't worry,mag-uusap lang tayo.”he said seductively.
“Ano bang pag-uusapan natin!”Nagpalinga-linga ako pero walang ni isa man na nakakapansin sa amin nang bastos na lalakeng 'to.
“Let's go somewhere quite, shall we?”bulong nito sakin kaya kinilabutan na ako.Ang baho pa nang hininga nito!
“Magsolo ka!”galit kong sigaw dito saka siya buong lakas na itinulak.
At dahil lasing siya,he lost his balance quickly.Napaatras siya kaya nabunggo niya ang ibang guest na nasa likod lang niya.May naririnig akong nagmumura,may ilang nabuhusan ng wine na hawak nang kaharap,may ilan namang ang dumi na nang suot dahil sa mga pagkaing natapon.
Pero ang hindi ko inaasahan ay nang mapunta siya sa mesa ni Zain at Mr.Callistro.Muntikan pa siyang matumba mabuti na lang at nakahawak siya sa mesa ngunit sadya yatang malas ang lalakeng 'to dahil nang umayos siya nang tayo ay natabig niya ang mga bagay na nakapatong sa mesa at napunta ang mga yon kay Zain.
Matatawa na sana ako nang makita ang laki nang damage na nagawa niya ngunit biglang tumayo si Zain.
“You drunken idiot!”galit na singhal nito na siyang ikinatahimik nang lahat.
Pinunasan niya ang damit na napuno nang mantsa dulot nang mga pagkain at inumin na natapon dito.
Natatawa naman ang lalakeng lasing habang pilit inaninag si Zain.“You're behaving like a drunken beggar!”singhal ulit ni Zain,hindi man lang niya napansin na sa kanya na nakatingin ang lahat.
“People..”he mumbled habang patuloy na nilinis ang sarili.
“Mr.Bardan,right?Do you know who I am?”nanunuya itong ngumiti kay Zain.Bilib na ako sa lalaking 'to,hindi mo iisiping lasing siya kapag boses niya lang ang pakinggan mo.
“I don't care who you are!”singhal ni Zain.“You're wasted!Why are you even here,huh?You're not fit in this place,you should be on the street drinking with poor people—”
Hindi natapos ni Zain ang paglilitanya nang bigla siyang sinuntok nang isa na agad ikinaputok nang labi ni Zain.Damn!he's strong!kahit lasing ito'y malakas parin ang impact nito kay Zain.
“I am Zacob Callistro. ”pagpakilala nito.“Brother of Austin Callistro. ”
Gulat na napalingon si Zain kay Mr.Callistro na nasa tabi lang at tahimik na nanonood.“You're joking,right?”
“Let me show you that I'm not.”at sinuntok niya sa pangalawang pagkakaton si Zain.Gaganti rin sana si Zain ngunit napigilan na ito nang mga guards.
Dahil sa nangyaring kaguluhan ay nagsialisan na ang mga tao habang ang ibang nanatili ay nagpatuloy na lang sa pag-ienjoy nang nailabas na si Zain at Zacob.
Nakatayo parin ako don nang maramdaman kong may nakatingin sakin.Linibot ko nang tingin ng buong paligid at nakita sya,staring straight in my direction with his worried face again.Seriously,this guy really don't know how to hide his feelings sometimes.Nginitian ko siya para sabihing okay lang ako kaya tumango siya at naglakad na paalis.
This was not totally one of my plan para sirain si Zain but the scene was epic!Parang live action lang siya.Naglakad na lang rin ako paalis nang hall since parang wala na yatang balak si Mr.Callistro na ituloy pa ang party.
I took the stairs imbes na elevator ang gamitin dahil marami ring gumagamit don na galing rin sa party.Dahil sa layo nang lalakarin ko,hinubad ko na lang ang sandal ko para mabilis akong makababa.
“Ms.Pilantrino.”Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita siyang nakapamulsang nakasunod sakin.“Balak mo bang gayahin si Rapunzel kaya kita laging nakitang nakapaa?”
Gusot na ang suot na long sleeve ni Zayke,pati narin ang buhok niya.Malamang dahil yon sa gulo kanina.Ano naman kayang ginawa niya?
Napanguso na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
“Savvine—”
“Ano na naman!”singhal ko dito.Ang kulit kasi!Bakit kasi ayaw niya akong tantanan!Hindi ko na hiningi ang tulong niya pero heto siya laging andyan para iligtas ako.I am thankful,oo pero pakiramdam ko kasi ang hina ko.
“I just want to know if you're okay.”
Bigla akong na-guilty sa sinabi niya.
“Okay ako.”pagsisinungaling ko.Well,I'm trying to be.Sino ba naman ang maging okay agad after everything I've been through.Hindi na siya muling nagsalita at nagpatuloy na lang sa paglalakad.Nauuna ako at nakasunod naman siya sakin.No one dare to speak.Ayoko ring magsalita,sapat na yong last conversation namin for a goodbye.
Nang makarating na kami sa sarili naming pinto ay hindi narin ako nakatiis.Since its my last night naman na makasama siya bakit hindi ko na lang sabihin sa kanya lahat nang gusto kong sabihin para aalis akong walang pag-alinlangan at walang pagsisihan.
“Zayke!”I called out.Last na lang talaga 'to promise!
Napahinto siya sa pagpihit nang siradura at lumingon sakin.Naglakad ako palapit sa kanya atsaka huminto nang isang dangkal na lang ang layo ko sa kanya.Napakagat-labi ako,hindi ko alam kung paano magsisimula at kung anong sasabihin ko,ang alam ko lang may dapat akong sabihin.
“I'm sorry.”pagsisimula ko.Napatingin ako sa kanya at nahihiyang ngumiti.
“Masyado akong pabigat sayo.Pati ikaw dinadamay ko sa problemang ako naman ang dahilan.But I want you to know that I'm glad that I met you,kahit na nakakainis ka minsan.”tumawa ako nang mahina pero siya hindi parin kumibo,nakakunot lang ang noo niyang nakatingin sakin.“Lasing ka na din ba?”
“Wag ka na nga lang magtanong,wala din namang kwenta yang tanong mo.”inirapan ko siya.Panira kasi talaga nang moment ang isang 'to eh!
“May sasabihin pa ako sayo kaya bawal ka munang magsalita!”“But—”
“Shhh.”I put my finger on his lips para matigil na siya.
Nagdalawang-isip na tuloy akong sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin dahil ang epal niya.
“The thing is,”napahinga ako nang malalim habang siya'y nakatitig lang sakin.Lalo tuloy akong nahirapan sa ginagawa niya.“Natransfer yata sayo yong feelings ko kay Zain.”
Napatingin uli ako sa kanya pero mas lalo lang kumunot ang noo niya.Kaya nagpatuloy ako.
“Lagi ka kasing nakasunod sakin kaya ayan gusto na tuloy kita.Hindi ko alam kung paano nangyari yon pero ayaw ko sa babaeng kasama mo sa party masyado siyang bagay sayo!”napayuko ako at pumikit na lang sa naramdamang hiya.Paano ba naman kasi nasali yong babae sa party!
Napatingala ako ulit.Kailangan nag matapos 'to baka saan pa ako aabot kapag pinatagal ko.“Ayokong may pagsisihan kaya sinabi ko sayo yon but you don't have to say anything.”
Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi pagkatapos ay patakbo kong tinungo ang kwarto ko.
Napangiti na lang ako nang medyo gumaan ang pakiramdam ko.Hay,nasabi ko rin.
BINABASA MO ANG
Escaping With Him
RomanceNang malaman ni Savvine na ginamit lang siya nang kanyang boyfriend,binalak agad niyang tumakas. She asked help from Zayke,her boyfriend's friend na simula pa lang pinaramdam na nitong wala itong pakialam sa kanya. Troubled thoughts, goons with guns...