Savvine POV
“Hoy gago!Amin ang babaeng 'yan!”narinig ko pang sigaw nang isa sa kapatid ni Payatot habang hawak kamay kaming tumakbo ni Zayke.
Huminto kami sa isang sirang bahay at nagtago sa pader nito.
“My God,Zayke!Maaabutan parin nila tayo kung hihinto pa tayo!”
“Gagantihan ko lang ang nagsabing sa kanila ka.”Napasilip siya sa pinanggalingan namin kanina kaya napasilip narin ako at nakitang paparating na sila ni Zain.
“Zayke,alam mo namang dehado ka diba?anim sila at dalawa lang tayo.”
“Sa tingin mo gagamitin nila ang baril nila satin?”tanong nito habang ang mga mata ay na kina Zain.
“Hindi.Decoration lang yan dahil kung gagamitin nila yan malamang patay ka na kanina pa.”
Masamang tingin ang ipinukol niya sakin at saka ako pinameywangan.
“What's up with you,at gusto mo yatang mamatay ako?”“Bumalik ka pa kasi!Sana hindi mo na lang sila iniwan!”pabulong kong sigaw dito.“Sana pinabayaan mo nalang ako!Kaya ko naman eh!You don't have to save me all the time!”
“Nasa malapit lang sila,Savvine.”mahinang bulong nito na parang ayaw yatang iparinig sakin.
“Damn it,Zayke!Mapapahamak si Red!”
“Matigas ang ulo niya katulad mo!”sigaw niya pabalik.“atsaka kung hindi ako bumalik baka may mangyari nang masama sayo at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mangyari yon.”napangiti siya at tuluyang humarap sakin.
Palakas na nang palakas ang tunog nang mga paang paparating ngunit nanatili lamang kami sa pinagtataguan at nakatitig sa isa't-isa.
“Savvine,I didn't do this just to save you from Zain.I have my own intention also.”mas lalo siyang lumapit sakin kaya napaatras ako pero hinila niya lang ako pabalik sa kanya.“and I like you a lot that it scared the hell out of me.”
Hindi ko napigilang maluha kasabay nang malakas na pagtibok nang puso ko.God,bakit ako lumuluha ngayong hindi ko naman ito kailangan sa ganitong pagkakataon.
“Bakit ngayon mo sinabi sakin 'to?”nakangiti kong tanong as I brush the tears in my eyes.“wrong timing ka eh.”dagdag ko.
Natawa na lang siya saka pinahiran ang mga luha kong hindi parin tumitigil sa pag-agos.
“How touching.”
Gulat kaming napatingin kay Zain nang bigla nalang siyang sumulpot sa likod ni Zayke.Mabilis ang kilos ni Zayke na iharang ang sarili between me and Zain habang hawak ang kamay ko.
“Zain,just let her go.”Zayke pleaded.
“Oh come on,Zayke!You knew how much I wanted her.”
“For pleasure,of course.But I'm afraid I can't give her to you.”matapang namang sagot ni Zayke.
“Okay then,if that's the case force will be the next option. ”Kalmado namang sagot ni Zain.
Actually,para lang silang normal na nag-uusap.Walang sigawang naririnig,walang salitan nang masasakit na salita,just a normal conversation between two people pero makikita mo parin ang galit sa mga mata nang bawat isa.
Kinuha ni Zain ang hawak na baril nang isa niyang kasama at itinutok ito sakin kaya naalarma na kami.
“Fine!”bigla nalang sigaw ni Zayke kaya kahit ako ay napatingin rin sa kanya.“I'll give her to you.”
My jaw dropped while staring at Zayke. Ang duwag naman niya at ganon siya kabilis gumive-up!
“In one condition, ”dagdag niya habang tiningnan ang bawat isa sa kanila.“Let me talk to her first.”
“So that you can trick me!”nanggagalaiting sigaw ni Zain.Nanlilisik na ang mga mata nitong kay Zayke lang nakatingin.
“If I still run with her then you can kill me.”
“Zayke!”galit kong sigaw nito saka siya itinulak palayo sakin.“Gusto mo bang mamatay!”Ngunit hindi niya pinakinggan ang protesta ko at kay Zain lang siya nakatingin kaya mas lalong nagngingitngit ang kalooban ko.
“Deal.”Inilahad ni Zain ang kanyang kamay at tinanggap naman ito ni Zayke.
Pagkatapos nang pinagkasunduan nila ay hinila na ako ni Zayke palayo,enough para makita parin kami ni Zain.
“What have I done para gawin mo sakin 'to!”galit kong sigaw sa kanya.“Nakakainis ka!Sana hindi mo na lang ako binalikan kung ibibigay mo lang rin pala ako!You're worthless! Ang duwag mo!”galit na galit na ako at halos mapapaos na sa kakasigaw ngunit nakatitig lamang siya sakin na nakangiti.
“Ikamatay ko kung ibibigay kita sa kanila.”
“But you just did!”
“Kaya when I said run,you run.”
Nabigla ako at naguluhan sa huli niyang sinabi pero unti-unting nagsi-sink in sa utak ko ang gusto niyang mangyari.At hindi pa man niya diretsong sinabi sakin yon,it's already breaking my heart.
“No.”tanggi ko sabay halos di ko na mabilang na pag-iling.
“I want you to be safe,Savvine.Gawin mo to para kay Red,don't mind me I can handle everything as long as I know you're safe.”ngumiti siya sakin para sabihing magiging okay lang siya pero mas lalo lang bumigat ang dibdib ko dahil sa ngiting 'yon.
“Hindi ba pwedeng tatakbo na lang tayong dalawa?I'm sure matatakasan natin sila—”
“We can't run forever,Sav.Kailangan na itong matapos ngayon din.”he's still smiling nang sabihin yon.Yung ngiting may lungkot na ikinukubli.
Nagkamali ako nang sabihin kong duwag siya dahil this guy in front of me was the bravest guy I've known.Nakangiti parin kahit napakahirap na nang sitwasyon.
“Red is around the corner.Go to her fast when I said so.”
“No.”patuloy parin ako sa pag-iling at pag-iyak.
“We'll see each other again,mabubuhay ako para sayo.Just please do this and keep yourself safe.”
Pinisil niya ang palad ko saka ito masuyong hinalikan pagkatapos ay muli siyang nag-angat nang tingin saka ako hinila palapit sa kanya at hinalikan ang aking noo.
“Run.”bulong niya ngunit hindi ako makakilos at tinitigan lang siya.
“Run,Sav.”Iiling lang sana ako ulit ngunit itinulak na niya ako palayo.
“Tumakbo ka na!”malakas na niyang sigaw nang makitang hindi parin ako kumilos.
Dahan-dahan akong tumalikod habang patuloy ang pagpatak nang aking luha.Nanlalabo narin ang aking mga mata kasabay nang aking paghagulgol na hindi ko napigilan.
“Run,Sav!”muling sigaw ni Zayke kaya napatakbo nalang ako.
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan ako.Ang nakatatak lang sa isip ko ay ang iniwan ko siya.He sacrificed himself for me.
“Ate!”
Tumakbo si Red sakin at dinamba ako nang yakap kaya mas lalo akong napahagulgol.
BINABASA MO ANG
Escaping With Him
RomantikNang malaman ni Savvine na ginamit lang siya nang kanyang boyfriend,binalak agad niyang tumakas. She asked help from Zayke,her boyfriend's friend na simula pa lang pinaramdam na nitong wala itong pakialam sa kanya. Troubled thoughts, goons with guns...