Chapter 27

14 0 0
                                    



Savvine POV


After two years....

“Ma'am,”napasilip ang secretary ni lolo na si Kate sa bungad nang opisina ko.

“Kate!”naiinis kong tugon dito.

“I really need you here.”nginitian niya ako nang pilit.Kitang-kita ko ang pagmamakaawa sa mukha niya.

“Ibigay mo nalang sa kanya kung ano ang gusto niya.”

“Yon na nga po ma'am,kayo daw po ang gusto niya.”

Napaangat ako nang tingin at napatitig kay Kate.Ngayon lang yata may gustong makita ako.Ano kayang kailangan nito.I'll be dealing with a psychopath na naman ba?Wag naman sana,tama na si Zain.

Tumayo nalang ako at sinundan si Kate.

Matapos kong makagraduate,ako na ang humawak sa resort na pagmamay-ari ni lolo.Dinadagsa ang resort namin sa kadahilanang super affordable ang kwarto dito na kahit mga estudyante lang makaka-afford idagdag pang puti ang buhangin dito at seafoods lang ang pagkain.Two buildings with eight storey lang ang available dito pero hindi parin maiwasang maging sobrang busy.

“This better be worth it,Kate.”naiinis kong bulong dito habang sinusundan siya.“Teka,bakit sa labas?” nagtatakang tanong ko nang makatapak na ako sa buhangin.

“Ayaw niyang pumasok ma'am,baka ikaw lang po talaga ang sadya niya.”

“Mukha ba siyang gwapo na killer?”

Natawa nalang siya sa naging tanong ko.“Gwapo nga po siya ma'am pero mukha namang hindi killer.”

Iginiya niya ako sa direksyon nang lalakeng nakatalikod.Pa-mysterious pa eh noh,pero mukha naman siyang mayaman eh anong kailangan niya sakin?

“Sir,andito na po si Ma'am Pilantrino.”

Napalingon ang lalake na nag-abot ang kilay.Halatang kanina pa siya naghihintay.Muntikan pa akong matapilok nang makita siya kaya napakapit ako kay Kate habang nasa kanya lang ang mga mata ko.Pati paghinga ko yata huminto.

“What took you so long?”singhal niya kaya napakurap ako.I didn't expect na ganyan ang bungad niya sakin sa muling pagkikita namin.“Kanina pa ako dito!”

“Eh sir busy po kasi si ma'am—”

“Hindi ikaw ang kinakausap ko!”

Aba't hindi parin nagbabago ang gago!Ang sungit parin!

“Hoy lalake!”turo ko sa kanya. “Ikaw ang may kailangan samin kaya wala kang karapatan na sigawan ako o si Kate!”galit kong sigaw dito.

Dalawang taon siyang hindi nagpakita tapos ngayon sisigawan niya lang ako?Galing ah!

Dahil sa inis ko'y tinalikuran ko na siya at hinatak si Kate ngunit nagsalita siya ulit.

“Do you know how it feel to be excited dahil sa wakas makikita mo na siya ulit tapos paghintayin ka lang pala nang isang oras?”

Napabuntong-hininga nalang ako at muli siyang liningon.


“Ano magtitigan nalang tayo?”pagsusungit niya.

Dinala ko siya sa opisina ko dahil naaawa narin ako sa kanya.Mukha siyang walang tulog at kagagaling lang sa byahe.

“You're gone for two years tapos ganyan ang bungad mo sakin?Hanep ah!”

“Pinaghintay mo ako nang isang oras!”

“Buti nga isang oras lang eh,ikaw pinaghintay mo ako nang two years!”

Hanggang sa nagbabangayan na kaming dalawa.Wala paring nagbago,mag-aaway at mag-aaway parin kami kahit ilang taon pa ang dadaan.

“Bakit mo ba ako sinisigawan!”

“Kasi masaya ako!”

Natameme nalang ako sa naging sagot niya.May masaya bang naninigaw?

“I'm happy dahil sa wakas nakita na kita ulit.”

Napaayos ako nang tayo at itinukod ang aking kamay sa mesa habang siya ay nakatayo lang sa harap ko.

“My life in two years is not that easy.Mayayaman ang kalaban ko at walang papanig sakin but obviously I won as expected.”

Napangisi nalang ako sa narinig. “Hindi ka parin nagbabago,hambog ka parin.”

“That's what you love in me anyway.”

Nag-iwas agad ako nang tingin.Nakakainis!Why did he always say things that caught me off-guard!

“You're gone for two years,tapos may love ka nang nalalaman,ikinabit mo pa sakin!”I cross my arms atsaka tinaasan ko siya nang kilay.“Are you even sure that I love you?”

“Yeah.Kakasabi mo lang.”he said while grinning tapos may kagat-labi pa siyang nalalaman.

“You—”dahil sa panggigigil ko ibinato ko sa kanya lahat nang mga bagay na nakikita ko kaso nga lang puro papel lang ang laman nang opisina ko maliban sa swivel chair at mesa kaya ang labas pinagtatawanan lang niya ako dahil hindi naman siya masasaktan nang mga papel.
“Nakakainis ka paring kausap,Mr.Marcus Zayke Itzel.”

“Kaya ka nga nagkagusto sakin diba.”

Napangiti nalang ako at napailing.Kung ganyan naman pala ang magiging sagot niya sa lahat nang sasabihin ko paano pa ako makakapag-salita niyan.

Humakbang siya palapit sakin kaya nagpapanic na ang puso ko at ang lakas na nang kabog nito.

“Anong ginagawa mo?”

“Napagod ka ba sa kakahintay sakin?”tanong rin niya imbes na sagutin ang tanong ko habang patuloy  ang paglapit niya sakin.“kinalimutan mo ba ako sa dalawang taon na hindi ako nagpakita sayo?”

“Oo naman.”tarantang sagot ko agad.“Sabi nga diba ‘past is past’ kaya kinalimutan ko na ang lahat sa past ko at kasama ka na doon.I already moved on.My life is already at peace kaya please kung ano man ang gusto mo—”

Nabigla nalang ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya at walang babalang inangkin ang aking labi.Hindi ako nakagalaw at nanlalaki pa ang mga mata ko sa pagkabigla.
Hindi niya binitawan ang labi ko hanggang sa hindi na ako makahinga kaya itinulak ko na siya.We stared at each other for a moment bago niya idinkit ang noo niya sakin habang kapwa kami naghahabol nang hininga.Napapikit ako as I calm the sensation that spread throughout my body.

“Ikaw ang gusto ko Sav and I'll do everything para mapasakin ka na talaga this time.Whether you like it or not akin ka.”

Hindi ko napigilan ang sarili ko,I just hugged him dahil sa sayang nararamdaman ko.I never thought na babalik nga talaga siya nang panahong susuko na sana ako at ako ang dahilan nang pagbabalik niya.

“You don't have to do everything para lang mapasayo ako because I will submit myself to you willingly kahit hindi mo pa hihingin yon.”

“So,hindi na kita kailangang ligawan?”

Bumitaw ako sa kanya saka ko siya binatukan na pinagtatawan lang niya ulit.

“Anong klase kang lalake kung Hindi mo ako liligawan!Anong akala mo sa akin,easy to get?”

He chuckled sabay hila sakin at muli akong niyakap.

“I'm so crazy in love with you.”bulong niya.

Escaping With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon