Savvine POV
Pasakay na ako nang elevator nang tinawag niya ulit ako.
“Get lost!”sigaw ko dito.Bigla na lang siyang sumusulpot kung saan-saan.Minsan mas gusto ko na lang na hindi muna siya makita dahil kapag andyan siya nakakalimutan ko ang mga problemang kailangan kong harapin.Nakakalimutan kong aalis na pala ako sa lugar na 'to.
Ilang sandali pa'y magkasabay na kami sa paglalakad.
“You still love him?”bigla na lang niyang tanong kaya tiningnan ko siya na nakakunot ang aking noo.“Nakita kong malungkot ka.”
“Ofcourse I would be sad.He's already a part of my life atsaka I can't just be okay after knowing he don't love me.Syempre malulungkot ako.”
“Hindi ka ba nasaktan na after everything hindi ka pala niya mahal?You're seem to be okay maliban sa lungkot na nakikita ko sa mga mata mo.”
Napailing ako,“Kung meron man siguro konti lang yon.Di ko rin alam kung bakit siguro, I knew it all along but I keep on denying it kasi nakatatak na sa isip ko ang sinabi niyang mahal niya ako.”
Madaldal na yata ako ngayon and I blame Zayke for that.Kapag siya kasi yong kausap ko walang pag-aalinlangan kong maibulalas lahat nang nasa loob ko.
“So,lalayas ka na?”tanong niya.
Napalingon ako sa kanya at sabay pa kaming natawa.
“Oo,parang ganon na nga.”
Nabalot nang katahimikan ang paligid nang hindi na uli siya nagsalita.Sabay kami sa paglalakad pero hindi nag-uusap.Parehong nakatingin lamang sa malayo na parang may gustong sabihin sa isa't isa pero walang naglakas-loob na mauna.
Hindi ko rin alam kung may dapat pa ba akong sabihin sa kanya basta ang alam ko lang,ayaw ko munang matapos ang panahong ganito,na kasama ko siya.
Nakarating na kami sa palapag nang kwartong inuokopa namin nang nagkaroon ako nang lakas nang loob na magsalita.
“So,this is goodbye then?”
Matagal siyang sumagot,nakakunot lang ang kanyang noo.
Huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya.Gusto kong tumingin rin siya sakin kaya tinitigan ko lang siya hanggang huminto rin siya at napatingin sakin.
Pilit siyang ngumiti at nag-iwas agad nang tingin.
I stared at his eyes,his nose,his lips,ang hulma nang mukha niya pati ang buhok niyang kahit magulo bagay parin sa kanya.Hindi ko parin nakalimutan ang sinabi ni Dax sakin.That Zayke like me.Sana nga totoo na lang yon.Sana siya na lang at hindi si Zain ang una kong nakilala.
“Savvine,”
“Hmm?”
“As long as we're alive,there's always a chance na magkita tayo.The world is small after all.”napangiti ulit siya pero alam kong pilit parin yon.“so,no goodbyes.”
Napangiti na lang ako.“Kahit iba na ang katawan mo tapos nagkita tayo,pakilala ka ha!”masigla kong sabi.
He poked my forehead and smiled back,“Oo naman,kahit pa maging palaka ako,magpakilala parin ako.”
At sabay na naman kaming natawa sa walang kwenta naming pinag-usapan.
“I knew you'd come back.”
Napapitlag ako nang marinig ang nakakairitang boses niya.
Hindi ko binuksan lahat nang ilaw,at sa kwarto lang ang binuksan ko dahil akala ko wala si Zain atsaka wala din akong planong magtagal.Kailangan ko lang kunin lahat nang importante sakin.
BINABASA MO ANG
Escaping With Him
RomanceNang malaman ni Savvine na ginamit lang siya nang kanyang boyfriend,binalak agad niyang tumakas. She asked help from Zayke,her boyfriend's friend na simula pa lang pinaramdam na nitong wala itong pakialam sa kanya. Troubled thoughts, goons with guns...