"Ang Saksi"
----------
"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin Armando?"
Nakatayo si Justiana sa tabi ng hagdan ng bahay nina Armando habang ang binata ay inaayos ang lambat na gagamitin nila sa pamamalakaya. Nakahubad ng pang-itaas ang binata at pawis na pawis. Hawak niya ang isang pin na may nakakabit na isang metrong makapal na sinulid na tansi. Sinusulsihan niya ang lambat.
"Justiana alam mong simula pa lang ng ating pagkabata ay kapatid na ang turing ko sayo." Sagot ng binata.
"Pero Armando bata pa lang tayo ay minahal na kita! Akala nina nanang ay tayo ang magkakatuluyan. Hu hu hu!" Lumuluha si Justiana.
"Umuwi ka na! Masasaktan lang ang loob mo." Itinabi niya ang pin at itiniklop ang lambat. Inilagay niya sa taguan nito sa ilalim ng bahay.
"Makikipagkita ka sa kanya?"
Lumapit siya sa nakatalikod na si Armando. Niyakap niya ang binata habang nakatalikod ito. Inalis ng binata ang kanyang mga kamay.
"Siya ang mahal ko Justiana. Siya ang katuparan ng mga pangarap ko. Siya ang buhay ko ngayon at sa hinaharap. Ibaling mo sa iba ang pagmamahal mo Justiana."
"Hu hu hu! Napakalupit mo Armando!" Hindi ka naman dating ganyan. Mula ng dumating siya ang laki ng ipinagbago mo!"
"Hindi ako nagbago Justiana. Umiibig lang ako! Ako pa rin si Armando noon at ngayon. Sige na aalis na ako. Umuwi ka na!"
Naglakad ang binata patungo sa aplaya. Naiwan si Justiana na nakatayo.
"Armando! Armando! Hu hu hu!" Sigaw niya.
"Armando! Armando!" Bulong ni Lola Justa.
" Lola! Lola! Gumising kayo Lola!" Yugyog ng apo ng matanda sa kanya.
Dumilat ang matanda. May mga luhang dumadaloy habang hawak niya ang mga lumang larawan nina Armando at Eleonor.
"Nanaginip na naman kayo." Sabi ng apo.
"Tao po! Aling Justa!"
"Lola may tao. Sisilipin ko muna sa bintana.
Lumabas ng silid and apo ng matanda. Ilang minuto lang ay muling pumasok ito.
"Lola may bisita kayo."
"Sino?"
"Yung dating bisita ninyo kahapon. May kasama siya isang magandang babae!"
Kinabahan ang matanda.
"Ineng paki suklayan mo ako. Gusto kong makita nila akong naka-ayos." Sabi ng matanda.
Matapos siyang ayusan ay kinuha ng matanda ang kanyang tungkod. Tumayo siya at naglakad palabas ng silid. Inaalalayan pa rin siya ng kanyang apo.
Paglabas niya ng pinto ay naaaninag niya ang dalawang taong biglang tumayo sa sala. Nakilala na lang niya ng malapit na siya sa dalawa. Napatigil siya sa paglakad. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Halos manikip ang kanyang dibdib. Kumislot ang kanyang mga labi.
"Señorita Eleonor! Hu hu hu!" Patawarin po ninyo ako señorita!" Bulong niya na narinig nila.
Nabigla si Noreen sa sinabi ng matanda.
"Lola hindi ho ako si Señorita Eleonor. Apo ho niya ako!"
"Naku pasensiya na ho kayo mam. Ganyan ho talaga si Lola ko. Kanina nga yung Armando naman ang tinatawag! Ulyanin na ho kasi." Sabi ng apo.
"Hindi pa ako ulyanin! Nabigla lang ako! Kamukha kasi niya ang señorita ko. At siya naman ay kamukha ni Armando." Nagpahid ng luha ang matanda at umupo sa kanyang tumba tumbang silya.
BINABASA MO ANG
Reincarnation (Completed)
ParanormalMinsan na nga ba tayong nabuhay? Na sa pagsilang nating muli ay tila panaginip na nagpapa-alaala sa atin ang nauna nating buhay? Walang makapagsasabi at makapagpapatotoo pero minsan ay naitatanong natin sa ating mga sarili at nasasabing "Nakita ko n...