Papasok ako ng room kasama ang kaibigan ko.
Pero may nakita na naman akong chocolates sa ibabaw ng mesa ko.Sino ba yang nagbibigay ng mga chocolates, candies and letters sakin? Mahigit 7 months na syang ganyan. Pero di sya nag papakilala sakin. Tapos yung mga sulat nya sakin, di nya nilalagyan ng pangalan nya. Ang nakasulat lang
:from: "T"
So sino si T? Ang letter T lang naman dito sa classroom namin ay si Terrence. Isang sikat na sikat dito sa buong school namin. Yes. Kaklase ko sya. Pero bakit sya naman ang mag bibigay sakin ng mga ganun?
At isa pa. Hindi naman ako magugustuhan nyan.
Pero kung aaminin ko sa inyo, crush ko yang si Terrence ahihihihi. Kaso may ka mu na sya eh. Hayss."Uy ano na mitch? Kanina ka pa tulala. Kinakausap kita" Sabi ni mae.
Ay shetee. May kasama nga pala ako hahaha.
"Ay sorry na. May sinasabi ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ang sabi ko, akin nalang tong chocolates. Kung ano ano kasi iniisip mo eh." Sabi nya sakin.
"Ayoko nga. Sakin binigay yan eh" sabi ko sa kanya.
"Eh bakit? Di mo naman kinakain eh." Sabi ni Mae.
"Ehemm" oh shit nagulat ako dun ah. Ay si Terrence pala.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Ang ingay nyo kasi." Sabi nya. Ang weird nya diba? Parang tanga. Ganyan lagi yan pag kausap ako.
Di ko na sya pinansin at umupo na kami ni Mae.
Nakakainis naman tong si mae, kinakain yung chocolate ko.*klang klang*
-recess time-
"Mitch. Di ako makakasabay sayo sa pagkain ah?" Sabi ni Mae.
"Huh? Bakit? San ka pupunta?" Tanong ko.
"Sabay kami kumain ng boybespren ko eh. Sige bye." -mae
"Ikaw ah? Meron kang hindi sinasabi sakin. May gusto ka ba dun?" Tanong ko.
"A-ano? W-wwala ah." Sabi nya sabay takbo
Baliw talaga yun eh. Iniwan ako mag isa tapos pupunta dun sa kabila nyang kaibigan hays. Sanay naman na ako.
"MITCH!" sigaw mula sa likod ko.
Lumingon ako, tapos nakita ko si terrence. Nagulat ako shett.
"Bakit?" Tanong ko
"Sabay na tayo kumain." Sambit nya.
Tama ba ang aking narinig?? Yung crush ko sasabayan akong kumainnn?? Shett heaven na disss
Pinag titinginan kami ng mga tao dito ngayon dahil mag kasama kami at gaya nga ng sabi ko, sikat siya dito.
"asan yung ka Jowa mo?" Tanong ko.
"M.u lang yun. Wala sya. May klase pa sya." Sabi nya.
Naglakad na kami papuntang canteen.
Bigla siyang nag salita.
"Ah mitch, may aaminin ako sayo." Sabi ni terrence.
Shtt. Bat ako kinakabahan? Ito na ba yunnn? May gusto ba sya sakin? Nakoo, ipapahanda ko na kay mama yung damit ko para sa kasal. Ahhahaah lol.
"Ano yun?"
"Diba may nagbibigay sayo ng mga letters at chocolates?" Tanong nya,
"Oo, kanino mo nalaman yun?" Tanong ko uli.
"Ako yun." Sabi nya.
Huh? Baliw na ba sya?
"Huh?"
"Ako yung nagbibigay sayo ng mga letters at chocolates." Sabi nya
Natulala ako dun. Nagulat ako. Di ko inaasahan yun. Pinag titinginan na kami ng mga tao dito.
Shemayyy namannn!!"Bakit ka nag bibigay?" Tanong ko sa kanya.
Okay mitch. Wag masyadong mag assume. Baka masaktan ka sa dulo.
"Kasi mahal kita. Matagal na akong may gusto sayo. Almost 7 months na din akong nag bibigay ng mga ganyan sayo. Siguro eto na yung tamang time para mag confess sayo. At wala talaga akong ka m.u sinasabi ko lang yun para hindi ako mahalata. Mahal kita Mitch. Pwede bang manligaw?"
Ahh pu- sheteteeeeee kinikilig ako ditooo anue baaaa!! So sinong namumula ngayon?? Please Terrence wag mo muna akong patayin. Mamamatay ako sa kilig neto eh juskooo.
"Oo. Mahal din kita Terrenceee!" Sambit ko
Tapos bigla nya akong niyakap. Ahhhh putanginaaaa may lovelife na akezzz Hahahahha. Heaven na tooo shet.
----
-Ewan ko pero simula ng araw na yun, hindi na maalis sa labi ko ang mga ngiti na ikaw ang palaging dulot.
-kahit ilang taon na ang nakalipas ikaw pa din ang laman ng puso ko...
Sana maibalik pa natin ang mga panahong ito.
Sana maibalik pa natin ang mga panahong meron pang tayo.
Sana maibalik pa kita sakin. At sana maibalik pa kita dito sa lupa.Miss na miss na kita. Sana masaya ka sa langit.
Pero huwag kang mag alala. Susunod ako sayo.
Susunod ako sayo at itutuloy natin ang walang hanggang pag ibig natin. Mahal na mahal kita.
~mitch----
WP:@jailuvsxx
IG:@ Its_jaivrilux_14
TT: --
YOU ARE READING
SECRET ADMIRER (one Shot)
RomanceKung pwede lang maibalik ang dati, sana ginawa ko na