Kabanata 3

49 2 0
                                    

Ang oras ko parang ambagal na simula nung dumating ang new classmate naming toh dito sa subject namin kay Teacher Su




.

Naiinis ako kasi parang may kung anong demonyito ang nagmamasid sa likod na anytime pwedeng pwedeng sunggaban ang likod ko.






Kating kati na akong lumabas dahil sa pagkairita sa kinauupuan ko. Di nagtagal nang mag dismiss din sa wakas si Teacher Su kaya mabilis kong pinagliligpit ang mga notebook ko na nasa armchair ko pati na rin ang ballpen ko na nahulog pa dahil sa pagmamadali ko.






Isinuot ko ang backpack kong itim, sabay senyas kila Loli at Miya na lalabas na ako,  habang iniiwasan ko namang mapatingin sa likod kahit na nakikita ko sa peripheral view ko na nakatayo lang siya don na parang wala ng next subject na susunod.




Agad akong lumabas ng room sabay takbo ng ilang minuto. Bumawi ako ng hininga ko matapos kong mapahinto sa medyo malayo layo na din mula sa silid aralan namin na yon.  Meron pang tatlumpong minutong bakanteng oras bago ang next subject ko. Inayos ko ang sarili ko lalo na ang buhok ko na gumulo na naman dahil sa pagkakatakbo ko.






Hays.  Bakit pa ba siya lumipat sa klase namin?  Hindi ba siya contented na belong siya sa Class A? Kung ako yun shet angsaya ko na siguro and I won't really try to shift a class kung sakali tsk sayang siya.




Suddenly napahinto ako after kong maaninag sa di kalayuan ang pamilyar na tao.  Lumapit ako hanggang sa mapagtanto ko na si Richard pala yon.




He's so hot!




Napahawak ako sa parang screen na bakod dito malapit sa isang basketball court habang minamasdan ko ang pagtakbo ni Richard.




My gosh!  Ang gwapo niya pala talaga! Akala ko cute lang siya but ohmaygash! He was so damn freaking hot holding the basketball! Tumatagaktak na ang pawis niya dahil sa init ng araw na tumatama sa kanya pero para siyang anghel na lumiliwanag ang aura. ♡_♡






Hindi ko tuloy napigilan ang paglalaway ko pero hindi literal na laway ha.  Para akong nastar struck sakanya,  hindi ko toh inexpect!  Though he's  a new student dito sa university?  He looks like a senior student dito.





Nakakabinging tilian ng mga babae ang gumising sa diwa ko.  Ang dami ko nang naimagine pala kanina hays!  Muntik ko nang mahubaran siya sa daydream ko psh.  Umiling ako.





Napatingin ulit ako kay Richard matapos kong makita na parang nakipagsubstitute siya sa isa pang player. Pinunasan niya ang kamay niya with a white long towel saka sinabit sa leeg niya at nakapamewang ng dalawa niyang kamay habang nakapako ang kanyang mga mata sa iba pang mga kalaro niya.





Para akong nathunder strike nung bigla siyang tumingin sa kinatatayuan ko with his serious face saka nagpakawala ng ngiting nakakaadik at kumaway sa parte ko.






Luminga linga muna ako at kita ko naman na ako talaga yata ang kinakawayan niya kaya I waved back at him with a smile of course.




Nakita ko ang pagtakbo at paglabas niya patungo sakin na parang nag slow down ang ginagawa niya hanggang sa makarating siya sakin.



" Hi again" he said na pinunasan pa ng saglit ang pawis na pumapatak sa noo niya.



" Nagba-basketball ka pala" tanong ko sakanya kahit halata naman.





Ang Babaeng Jowang Jowa NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon