Kamusta Ka Na?

38 1 0
                                    

A/N: Please play the video >>>> 

----------------------------------

Kamusta Ka Na?

Nandito ako ngayon sa simbahan sa Quiapo. Kung saan una ko siyang nakita, at una kong naramdaman ang pagkabog ng dibdib ko.

”Ahm, miss? Pwede mo ba kaming picturan ng barkada ko? Saglit lang naman?”

Unang beses kong marinig ang boses niya, talagang nahumaling na ako. Boses pa lang, nakakahulog na.

“S-Sure po.”

“Salamat!”

Hindi ko naman inaasahan na magkikita kami sa pangalawang pagkakataon. Ngayon ay sa simbahan naman malapit sa eskwelahan ko.

“Ikaw yung babae sa Quiapo diba? Hi!”

“Uhm, h-hello.”

“Palagi ka na lang nauutal pag kausap mo ko. May problema ka ba sa pagsasalita?”

“A-Ah, W-Wala n-naman.”

“May crush ka sakin no?”

At namula naman ako nang sabihin niya yon. Aba, sino ba namang babae ang hindi mamumula kung tanungin ka ng isang gwapong nilalang na katulad niya?

“Uyyyy~ Biro lang! Ako nga pala si Matthew.”

“A-Ah, ako naman si Athena.”

Matthew. Matthew. Matthew. Yan ang pangalan ng unang lalaking nagpakabog ng dibdib ko.

“Uy, kain tayo sa labas? Bff fries?”

“May k-klase pa ako.”

“Ay ganon ba? Hatid na lang kita. San ka ba nag-aaral?”

“Dyan lang sa Perpetual Calamba.”

“Uy! Dyan ako nagtapos ng college! Anong year mo na ba?”

“Graduating na a-ako.”

Simula nun ay naging matalik na kaming magkaibigan. At lalo pa akong nagkakagusto sakanya. Nakakatuwa nga at kahit halatang-halata na may gusto ako sakanya ay hindi niya ito tinetake-advantage. Halos perpekto na nga si Matthew eh. Mabait, gwapo, may respeto sa babae, maalalahanin at caring sa mga mahal niya sa buhay. Siya ang lalaking pinapangarap ng lahat ng babae. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit ang bilis kong nahuhulog sakanya.

Minsan ay naisipan niya akong isama sa bahay nila upang makilala ang mga magulang niya. Hindi nga ako pumayag ngunit sino ang makakatiis sakanya? Kaya kahit ayaw ko ay wala akong nagawa.

“Magandang tanghali po.”

“Magandang tanghali din hija. Oh Matthew, sino itong magandang babae na ito?”

“Hi Mommy. Si Athena po, matalik kong kaibigan.”

“Ah, siya ba kamo si Athena? Yung babaeng lagi mong ikinukwento sa akin?”

“Mommy naman eh.”

Hindi ko alam pero natuwa ako sa sinabi ng Mommy niya nun. Hindi naman sa pagiging assuming, or feeler. Hindi naman masama umasa na magkakagusto din siya sa akin diba?

“Oh hija, pinakain ka na ba nitong si Baby Matthew ko?”

“Mommy!”

“Hahaha! So, kumain na ba kayo?”

“Ah, eh, hindi pa po eh.”

“Ano ba naman tong si Matthew! Hindi dapat hinahayaan magutom ang magandang dalaga na katulad nito! Tsk!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kamusta Ka Na?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon